Chapter 5~ Stalker

10 1 0
                                    


CJ's POV

Ano ba yan?! Nakakahiya naman dun sa mga kasama namin at dito pa nagtatalo sa loob ng fast food....

Napansin namin ni Raian na medyo hindi na komportable yung mga kasama naming babae kaya inawat na namin si Mike at Ian, baka mamaya kung ano pa ang mangyari sa dalawang to

"Uhmm... Belle, Dana, Kyla at Roschele, pagpasensyahan nyo na tong dalawang to ah" panimula ko

"Hahaha! Okay lang yun, mukha namang na- enjoy nilang magtalo >.<" sagot naman ni Roschele, nakita kong siniko sya ng katabi nyang si Kyla

"Ganyan talaga yung dalawang yan, kaya if in case na may marinig kayong nagaaway sa drom namin, paniguradong sila yun" sabi naman ni Raian at tumawa ng medyo malakas

"KJ kasi netong si Mike" pabulong na sabi ni Ian pero dinig naman namin

"Uhmmm.... Number 13? Eto na po yung mga order nyo..." singit nung dalawang waiter

"Ahh sige makikilagay na lang dito........ Salamat" sabi ni Roschele

Nakita kong ngitian at kinindatan nung waiter si Roschele, makaramdam ako ng inis pero di ko na lang pinahalata

Belle's POV

Nakitang kong kinindatan at nginitian nung waiter si Roschele, eto namang si babaita nagba- blush

Kahit halos araw araw kaming nandito, mukhang bago pa lang yung waiter na yun

"Tara na kumain guys!" Excited na sabi ni Roschele

~~

Mabilis lang kaming kumain at bumalik na din kami sa dorm

"Goodnight girls >.<" paalam samin ni Raian at nauna nang pumasok sa dorm nila

"See you tomorrow lads" paalam din ni Mike at sumunod na

Nagwave na lang kaming apat sa kanila bago tuluyang pumasok sa dorm namin

~~

"Bukas na lang tayo magmovie marathon, sama natin sila" sabi ni Dana, sumangayon naman kami sa kanya

Pumasok na kami sa kanya kanya naming kwarto

Humiga ako sa kama ko at tumingala sa kisame nang biglang tumunog ung phone ko

May nagtext -_-;

From: Unknown

Goodnight Belle, sweet dreams :) it was indeed a great night

-Raian

Nang mabasa ko ung text ay nagtatalon ako sa kama ko sa sobrang kilig..... 'Teka? Pano kaya nya nakuha yung phone number ko?' Aishh, nevermind hahaha!

** 12:45 am

Hindi nanaman ako makatulog    ㅠ.ㅠ nakakainis na talaga yung insomnia ko -_-;

Kinuha ko na lang yung Laptop at nanood ng YouTube

Hanggang sa makita ko yung video ng BTS (I need u dance practice)

Nung nagchorus na, naalala ko yung pinatugtog ni Roschele sa kotse kaninang umaga.... 'Eto pala yun'

Nakatitig lang ako sakanila hanggang sa matapos yung kanta

'Sino kaya dun si Jimin?'

How Fan girls ActWhere stories live. Discover now