Chapter 13

11 1 0
                                    


CJ's POV

Open house activity ngayon at nasa gym kami lahat na grade 8, nandito na din yung ibang grade 8 na galing sa ibang schools

"Tara kina Belle mamaya ah" pagyayaya ni Raian

"Yieee, gusto mo lang ulit syang makasama eih" panunukso naman ni Ian

Madalas na nga naming napapansin na nagiging malapit sina Belle at Raian, madalas na ding hinahanap ni Raian si Belle

"Oyy kayo ah, baka may di kayo sinasabi samin?" Mapangasar na tanong ko

Tumawa naman si Raian at umiling iling, maya maya pa ay nagsalita na ang principal ng Merca Academy

"Goodmorning to all grade 8 students that are present here today, I am Mrs. Dela Cruz, Principal of Merca Academy, this day will be a fun day full of activities and surprises. The different kind of booths are open and you are free to socialize with other students starting.... Uhmmm... Now" Nagpalakpakan kaming lahat at nagpakalat kalat na ang mga studyante

Nagulat kami ng biglang may lumapit na dalawang babae samin

"Hello po mga kuya" sabi nung isa na parang pacute yung boses

'Tss hindi naman sya maganda, nakakainis yung mga ganung babae, umiinit lang ulo ko sakanila'

"Uh oh... Ayaw ni CJ ng ganyan" bulong ni Ian pero rinig naming lahat, alam na nila na ayaw ko ng mga ganung babae. Hindi naman sa sinasabi ko na ayaw ko sa nagkakagusto at humahanga sakin, ang ayaw ko lang talaga yung parang pinipilit ka nila o kaya naman ay kinukulit ka nila o kaya naman nagpapacute, AYAW KO SA GANUN...

"Ako nga po pala si Coryanne at eto naman po si Arianne" sabi nung pinaka unang nagsalita

"Ahh, ako naman si Mike, eto si Ian, tapos si Raian at si CJ naman yung nasa dulo" hay nako Mike, nagmagaling nanaman -_-

"Hay nako" pagpaparinig ko sakanila

"Hayaan mo na CJ, wag ka munang KJ, sabi nga ni principal diba... 'socialize' " sabi ni Ian

"Makaalis na nga dito, hahanapin ko lang sila Roschele" nag walk out na ako dun, baka may masabi pa akong hindi maganda dun sa dalawang babaeng yun

Nakita ko sina Belle malapit sa may stage ng gym, may kausap silang dalawang lalaki at dalawang babae

"Oh, CJ halika dito" yaya sakin ni Kyla

"Sino ba yang mga kausap nyo?" Tanong ko habang nakangiti, ayoko nang alalahanin yung kanina

"Eto nga pala si James at Mario, sila naman si Diana at Cindy" pagpapakilala ni Belle dun sa apat

"Hi bro, taga Sta. Cruz highschool kaming lahat" sabi sakin ni Mario at naglahad ng kamay nya

Nilahad ko din ang kamay ko, ganun din kina Cindy, Diana at James

"Nasam na nga pala yung tatlo?" Tanong sakin ni Roschele habang kumakain

"Nandun sa may kabilang dulo ng gym, may kausap na dalawang babae, Coryanne at Arianne yung pangalan" malamyang sabi ko

"Ha?!" Sabay sabay na sabi nina Belle, Dana at Kyla

"Sina Mike may kausap na babae?!" Hindi pa rin makapaniwala si Dana

"Tara nga puntahan natin sila" sabi ni Belle at nauna nang pumunta sa kabilang dulo ng gym

How Fan girls ActWhere stories live. Discover now