-7

98 5 9
                                    

* alexandrite's POV*

Pag gising ko nagulat nalang ako na ang lapit ng mukha ni Asher sa akin. Agad akong bumangon at nagkauntugan pa talaga kami "anong ginagawa mo?!" Tanong ko sa kanya na medyo nainis.

Ngumisi siya at sinabing "ang ganda mo pala kapag natutulog".

"Always beautiful kaya ako duhh!!"sabi ko na naiinis nanaman dapat nga pinasasalamatan ko na siya ehh kaso kapag tulog lang!!.

"Wag ka mas maganda ako sayo at tska andito na tayo dapat gigisingin kita kaso bigla ka na lang nagising" sabi niya at iniwan ako. Diba ang galing niya pagtapos akong awayin iiwan ako. Magaling magaling.

Pagpasok ko sa bahay andon na rin sila malamang wala sila sa van tsk!! Sabog ko ata.

Umakyat muna ako nakaka antok, nakaka bored pa!!. Maka tulog nga muna.

Pag gising ko nagulat nalang ako sa nakita ko. Shit!! Bakit siya andito??. Hindi ba nila ni lock yung pinto." Bakit ka andito. Ano nanaman ba ang kailangan mo?"tanong ko. Hindi siya sumagot ngunit hawak-hawak niya pa rin yung baril niya at nakatutok sa akin. Wala na akong magagawa kundi lumaban. Sinummon ko ang baril ko at pinatamaan yung baril niya kaya nahulog. Hinilot-hilot niya muna kaya nakapag take chance ako para suntukin siya. Nahawakan niya yung kamay ko. Bigla na lang ako nanghina at nakarinig na lang ako ng malakas na putok ng baril...

SCARLET'S POV

Tumakbo ako patungo sa kwarto ni Alex dahil nakarinig kami ng putok ng baril. Napag usapan namin na ako na lang ang pupunta dahil baka daw galit siya. Ako nga din daw ang loveable na bestfriend. Wala na akong nagawa at dumeretso sa kwarto niya. "Alex pasok na ako ahh"sabi ko habang kumakatok. Wala naman akong narinig na nagsalita at pumasok. Pagbukas ko ng pinto automaticlly na napahawak ako sa aking bibig."ASHER SI ALEX!!" Sabi ko. Nagmamadali naman siyang tumakbo patungo sa akin. Tiningnan niya muna si Alex at kinarga. Ngayon ko lang siyang nakita na umiyak,natakot,nag alala. Tumakbo ulit siya hanggang sa baba. Binilisan niya ang takbo pababa dahil baka maubusan si Alex ng dugo. Hindi na nila ako hinintay at sumakay na sila sa van. Kinuha ko na lang ang kotse ni Alex at dumiretso sa hospital.

ASHER'S POV

Dumiretso kami sa ospital. Hindi na namin hinintay si Scarlet. Baka mamaya maubusan pa ng dugo si Alexandrite. Tinakbo namin ang emergency room. Agad naman nilang tinakbo si Alex sa O.R. Nakaupo kami dito sa labas ng O.R. nakaupo naman ako sa sahig habang nakasandal sa pader.. bigla-bigla na lang akong umiyak. Wala na akong pakielam kung pinagtitinginn nila ako. Tumingin naman ako sa kanila. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala.

Ilang oras rin kami nag hintay bago bumukas ang pinto. Niluwa non ang doctor. "Doc anong nangyari kay Alex?"sabi nila.

"I'm sorry she didn't make it"sabi niya habang nakatungo.

"She or you?"sabi ni Scar habang dinuduro yung doctor.

Hindi ko na namalayang tumakbo na pala ako.

Dumiretso ako sa bahay. Kinuha ko ang nakatagong mga alak dun. Dumiretso ako sa kwarto at uminom.

Naubos ko na ang isang case ng alak. Nagkalat ang mga bote doon sa sahig. Nakahiga lang ako sa kama habang umiiyak. Tumatawa ako habang nakadapa. Alam kong mukha na akong baliw but who cares?. Namatayan ng kaibigan ehh. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

SCARLET POV

Pagtapos umalis ni Asher umalis na rin ako. Dumiretso ako sa kwarto niya. Umupo ako sa higaan niya. Namiss ko agad ang gagang to. Pero imposible naman na mamatay agad si Alex. Una sa tiyan lang siya tiyan lang siya tinamaan,pangalawa hindi kami tinawag ng doktor kung sino ang ka blood type niya kung maubusan siya ng dugo. Hindi rin namamatay ng ganun-ganon si Alex. Madami na rin yang pinagdaan na mas malala pa dyan.

SOMEONE'S POV

Nagising ako sa isang lugar na hindi ko naman alam kung saan. Nauuhaw na rin ako. Nag lakad-lakad muna ako dahil ang tahimik dito para siyang bukid na walang nakatira. Naglakad pa ako ng naglakad at may nakitang bahay. Buti naman may nakatira dito kung hindi namatay na ako sa uhaw. Pumasok ako sa bahay na yun. Alam kong pwede akong kasuhan ng trespassing pero wala akong pake. Dumiretso ako hanggang sa kusina. And thank goodness andaming tubig at softdrinks. Bakit walang pagkain? Papatayin ba nila ako sa gutom. Well, di naman ako bisita para pakainin. Habang umiinom ako hindi ko namalayan na meron na pa lang tao sa likod ko. Pag harap ko sa kanya naibuga ko sa mukha niya yung natitira sa bibig ko. Ang gwapo!!😍😍. Sinampal ko yung sarili shit!! Hoy iwasan ang tukso. "Anong ginagawa mo dito?"tanong ko. "Bakit bawal bang pumunta sa kusina KO" sabi niya at inemphasize ang ko. "Wala na akong makitang bahay ehh. Nauuhaw na kasi ako naghanap ako ng bahay at dito na ako napadpad."pag eexplain ko. Unti-unti siyang lumapit sa akin. Unti unti naman akong lumalayo. Hanggang nasa pader na ako. Unti-unti niyang tinaas ang damit ko. Tiningnan ko naman ito *0*. "SHIT!!" Sabi ko at nawalan ng malay.
————————————————————————

Sorry po sa short update. Pero sa tingin nyo sino yung someone na yan?? Comment nyo nalang po. Thank you

Afraid To Lose You (editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon