-21

25 2 0
                                    

Author's malupitang note
Sorry guys kung hindi marunong magsulat ng kissing scene. Hindi ako expert sa pagpapakilig. Just to remind you...SORRY FOR GRAMMATICAL ERRORS. BOPLAKS PO AKO SA ENGLISH!!!
______________________________________________________________________________________________

Nagising akong sobrang bigat ng ibabaw ng katawan. Kala ko may nakapatong na bigas. Paa lang pala ni Asher.

Napabalikwas ako ng wala sa oras ng tabi ko na ang triplets. Napangiti ako. Umiyak siguro kagabi kaya sila andito. Nakita ko si Asher na ang himbing ng tulog. Binuhat ko sina Akira,at Alex. Biglang tumahimik si Allo at yumakap sa bewang ni Asher. Ang sweet nilang tingnan. Nakatulog agad si Allo. Samantalang yung dalawa kong hawak ay nag hahagikgikan. Nilalaruan yung buhok ko.

Bumaba na ako sa kwarto. Nakita ko na ang breakfast namin ni Asher. Samantalang tong dalawa ay gerber (tama ba spelling?)

Tinimplahan ko din sila ng gatas. Napa ismid ako. Hindi talaga binisita ng mag asawa ang anak nila.

"Kawawa naman kayo. Di kayo binisita ng parents nyo. Nuh??"

Nagsihagikgikan ulit sila. Nag bebay talk kase ako. Gumaganto din kaya to ni Tita? Sinubuan ko silang dalawa. Hassle nakakainis. Ang dungis nilang pareho. Hindi na nga ako nakakain kasi kada hahawak ko yung spoon nag 'aaaahhhhh' sila.

"Jusko Asher pumarito ka na at pagod na ako"

Napabulong na ako. Stressful talaga silang alagaan. Pero nakakatanggal din naman sila ng stress.

"Did you call me??"

Napatingin naman ako kay Asher na buhat buhat si Allo. Inupo niya na din si Allo sa high chair niya. Bago siya umupo. Kiniss niya muna ako sa noo.

"Goodmorning love, stress ka na ata?"

Napangiwi ako. Ganon na ba ka obvious??

Napahawak ako sa mukha ko. Mukha na ba akong drug lord nenti? Tumawa naman yung katabi ko.

"Tinanong ko lang naman. You're still beautiful. Literally"

Sabay tingin sa katawan ko. Talaga? Manyak talaga nito. Pinalo ko nga.

"Why did you do that?"

"I want to. Kumain ka na nga diyan. Niluto ni manang. Namalengke lang saglit."

Ngumiti siya sa akin bago kumain. Pinakain ko na yung triplets habang ako naman ay pinapakain ni Asher. Nung nabusog na ang triplets. Ang yaya naman nila nag alaga. Mamimili pa kami ni Asher ng gamit nina Akira. Sakto kasing wala na silang stock. Laking gastos eh. Kailangan pang bilhan ng damit kasi ang iiksi na at sabog sa katawan nila yung damit. Pero ang cute nila.

Ilang minuto na kame dito sa kotse pero ayaw padin mag start. Kaya tinake namin yung jeep dun sa end ng subdivision. Tatawid na sana kami ng biglang sumagi sa akin yung sasakyan. Sa lakas ng impak tumilapon ako. Kung normal na tao ako baka ang dami ko ng sugat at hindi na ako makakatayo. Inis akong lumapit sa kotse. Si Asher.. Ayun nakatunganga kung anong gagawin ko.

Hinampas ko yung harap ng kotse.

"NAKITA MO BANG MAY TAO NA TATAWID. FVCK!!MUNTIK NA AKONG MASAGASAAN. PUNYETANG TAO TO LUMABAS KA NGA DYAN NG MAG KASINSINAN TAYO!!"

Tinuro ko pa siya. Wala akong pake kung ang dame ng nanood. Lumabas naman yung lalake. Ang angas tingnan. Napangisi ako. Mauuwi ata to sa bugbugan.

"Kung ako sayo pre. Hindi ako aangas ng ganyan!"

Narinig kong sigaw ni Asher. Napaismid naman yung lalaki.

"Miss, di ko sadya. Ikaw naman may kasalanan ehh. Hindi ka nag stop kahit nakita mo na yung sasakyan ko."

Ngumisi pa ang loko. Sarap ituro sa kanya nung pedestrian ehh. Sarap ibalik sa sinapupunan ng nanay niya.

"Ayy kuya, di ako inform na kailangan ko mag stop kapag naka green yung light namin dito ohh. Kita mo yan nasa poste. Tsaka I will remind you na tumatawid kami sa pedestrian. So ikaw may kasalanan. Hindi mo ba yan napag aralan nung nag driving test ka o bobo ka para di mo maalala??"

Gumanti ako ng ngisi sa kanya. Nakita ko namang nainis siya. May kukunin pa atang baril sa kotse. Tsk.

"I will warn you kuya. Wag mo ng gawin ang nasa isip mo. Ikakapahamak mo lang yan. Ako pa naman tong nakaharap mo."

Asar na asar siya sa pagmamayabang ko. Sa sobrang asar niya. Kinuha niya yung baril sa likod niya. Halos lahat ng tao ay napasinghap or sumigaw.

"Yan lang ba ang baril mo? Cheap. Ako kamao gamit ko eh. Unfair ba?"

Pinaputok niya ang baril. Ako lang ata ang hindi natakot. Tumakbo siya patungo sa akin habang naka asinta sa dibdib ko. Napangisi ako.

Kinuha ko ang baril sa hita ko at pinaputukan ang binti niya. Kala niya kamao talaga gagamitin ko. Halos lahat ng tao ay namangha sa ginawa ko. Nagulat din si Asher kasi di niya alam na may dala akong baril.

"I don't kill people kuya. Remember that"

Sinuntok ko siya sa mukha kaya nawalan siya ng malay. Sakto naman dumating ang pulis. Lahat ng tao ay sumisigaw.

Inexplain naman namin ang nangyari. Sabi ko nalang self defense kahit kating kati na yung kamay kong patayin siya. Sarap huntingin.

Anong oras na kami nakarating sa bahay kase inenterview pa kami at ang hirap pumili ng damit nila. Pagdating namin sa bahay, umiiyak na silang tatlo. Sabi ni yaya di daw nila mapatahan.

Binuhat namin ni Asher sila Akira. Nanahimik sila at maya maya ay nakatulog na. Nilinis ko lang yung ibang galos ko bago maligo. Nag bihis na ako ng pajama at loose shirt. Matutulog na sana ako ng biglang dumating si Asher.

"Alam mo bang ang sarap isigaw kanina na 'girlfriend ko yan'! Kaso baka ako naman paputukan mo."

Napatawa ako sa sinabi niya. Naka hug lang siya sa likod ko habang yung baba niya nasa leeg ko.

"Ang sarap nga din sabihin sayo na ang galing ng boyfriend ko walang ginawa kundi tumunganga."

Natawa siya. Lalo niyang hinigpitan yung yakap niya sa akin. Tumingin ako sa kanya.

"Anong problema mo?"

Napatingin siya sa akin sabay iwas. Ang weird. Tsaka nga pala, nagbubulungan lang kami kasi baka magising sina Allo.

"Wala lang. Akala ko kasi kanina member siya ni Irina. May nakita kasi akong tattoo na symbol nina Irina. Sa leeg. Baka inutusan patayin ka."

Kinabahan ako sa sinabi niya. Eto na ba yung muling pagpaparamdam niya? Malapit na nga siguro ang labanan, kaya nag warn na siya.

"Dont worry love. I will always protect you."

Humalik na siya sa pisngi at noo ko bago matulog. Napangiti ako. Sana wag muna ngayon. Hindi pa ako ready mawala para sa inyo.

Afraid To Lose You (editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon