-22

24 2 0
                                    


Dahil ayaw sa amin ngayon nina Akira, nasa gym kami nina Asher kasama sina Scarlet.

Sobrang daldal nila to the point na tumitingin na sa amin yung mga nasa gym. Sabayan mo pa ng pag 'HA?HA?HAKDOG!!PUAHAHAHAHA' ni Shean. Lalo naman tong si Jansen. Sumigaw ba naman ng 'UHH.' sinong hindi mapapatingin.

Napasapo nalang kami ni Asher sa noo. Siguro sobrang bad idea na ilabas sila ng bahay. Dapat pala sa gym nalang kami nagtraining.

By the way andito kami ni Asher sa Boxing ring. Pinag pustahan pa kami nina Scar. Kung ako daw yung nanalo, sina Asher manlilibre at kung si Asher naman nanalo syempre ako manlilibre. Pero tutulong din sina Scar sa gastusin.

Lalo lang umiinit yung ulo ko kapag naaalala ko yung 'Anakan na kaya kita'.

Sa sobrang space out ko. Hindi ko napansin na pasugod na sa akin si Asher. Dahil hindi ko ito naiwasan, tumama yung suntok niya sa mukha ko.

"Shit! Nahilo ako!!"

Nagpagewang gewang ako sa ring. Biglang lumapit sa akin si Asher. Napangisi ako. Sorry Asher, libre ang pinaguusapan. Bilang ganti, sinuntok ko din siya sa mukha sabay front kick sa sikmura niya. Sapat na yung lakas para mapatumba ko siya.

Nagulat ako ng bigla siyang bumangon at sinugod ako. Susuntok dapat siya sa sikmura ko. Inilagan ko ito sabay sipa sa braso niya. Tumatagak tak na ang pawis namin pero hindi iyon naging hadlang para tumigil kami. Nakita ko din na dumadami na ang nanonood. Aba, may nagbayad pa kay Scarlet. Natawa ako. Pero never nawala ang focus ko sa pakikipaglaban.

Ngumis siya sa akin. Mukhang tie na kami. Nagdudugo na ang labi namin pareho dahil wala kaming suot na gloves. Namumula na din ang braso niya.

By the end of the fight. Mag tie lang kami at sa susunod a daw ang tie breaker. Dahil nga nag tie.. Aba, kinuha nina Scarlet ang mga perang binayad. Mautak din sila eh.

"Boss!! May pangkain na tayo. Pili kayo mcdo o jabille??" Nakangiting alok ni Shean. Binibilang niya pa ang mga pera sa kamay niya.

"I prefer mcdo."

Napatingin ako kay Asher. Siya lang naman ang nagsalita. Nakapikit lang siya sa sandalan. Naalala ko tuloy yung bugbugan namin.

"Are you okay??"

Bigla siyang humarap sa akin. Nakita ko agad yung pasa niya sa mukha. Kawawang bata naman pala. Mukha pa siyang nag papa cute. Napanguso din ako sa kanya. Kala niya nakalimutan ko na ang pambubugbog niya sa akin. Ang sakit din pala manuntok.

"No Im not. Napalakas ata ang suntok ko sayo. Ang lakas tuloy ng pag ganti mo sa akin."

Natawa ako bigla. Lumuluha na si Asher habang nakatingin sa akin. Binatukan ko siya.

"Im just asking if you're okay. Ang haba haba ng sinabi mo. Oo at hindi lang."

Napangiwi ako sa kanya. Hindi na siya nakipag talo sa akin which I find weird.

"Tahimik mo ata."

Nagtaka ako ng hindi siya sumagot. Pagtingin ko sa kanya, namumutla na siya habang namimilipit. Pinagpapawisan din siya ng malamig.

"SHIT ASHER!! WHAT HAPPENED TO YOU!?"

Inutusan ko ang driver na pumunta sa bahay. Sabi kasi ni Asher kanina na kahit anong mangyari wag daw siyang dalhin sa ospital.

Pagdating sa bahay nina Tita. Dinala ko agad si Asher sa kwarto namin. Pinalayo ko muna ang triplets at baka mahawa pa sa lagnat ni Asher. Yung tipong pag hinawakan mo siya, mapapaso ka.

"Asher, what happened to you? Nag aalala na ako sayo hindi ka naman sumasagot."

Ngumiti siya. Hinawakan niya ako sa pisngi. Sobrang lamig ng palad niya. Hinawakan ko nalang ang kamay niya sabay hipan para mawala naman yung panglalamig niya.

"Just take care of the triplets. Pahinga lang to Blaire. I love you, mauna na akong matulog."

Bigla niyang pinikit ang mata niya. Wala na akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya.

Kinuha ko si Allo sa yaya niya. Pina inom ko na din sila ng gatas isa isa. Pinaliguan ko sila kasama nina Scarlet. Naglaro laro pa sila sa cr pero ako, pumunta sa kwarto namin ni Asher.

Nagdala ako ng palanggana na merong maligamgam na tubig. Di ko alam kung malamig ba pero eto nalang pinili ko. Wala pa akong choice kundi hubaran siya. Kahit mahirap, kakayanin.

Nahubad ko na ang t shirt niya. Pinunasan ko na siya ng maligamgam na tubig. Napatawa pa ako ng bigla siyang ngumiti, nakikiliti ata.

"Ay ang landi ng pagpunas. Dahan dahan. Ano damang dama??"

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Scarlet. Binato ko nga sa kanya yung towel. Ang green minded eh. Mabagal na pala yung pagpunas nowadays.

"Oks lang. Atleast may boyprend ikaw wala."

Sabay belat. Napabusangot naman si Scarlet. Bago lumabas, winagayway niya muna ang middle finger niya sa akin. Napaka bitchy eh.

Pagtapos ko siyang punasan, pumunta na ako sa kwarto ng triplets. Nakita ko silang naglalaro. Tuwang tuwa pa ang triplets.

"Oyy, tama na yan, matutulog na sila. Kayo naman Scar, magsikain na kayo sa baba."

Hinele ko na si Alex, samantalang si Allo at Akira ay sa mga yaya nila. Halos sabay sabay silang natulog. Pina guide ko na si Alex sa yaya niya.

Bumaba na ako at kumakain na sila. Tiningnan ko ang cellphone ko ng biglang tumawag si tita. Kinamusta niya ako at ang triplets. Sabi ko naman okay lang hindi naman makulit.

Kumain na muna ako bago umakyat. Nakita ko siyang payapa padin natutulog. Namumutla pa ang labi niya. Hinawakan ko ang noo at leeg niya. Buti bumaba na ang lagnat niya.

Kahit makulit tong si Asher, mabait padin naman. Tumabi ako sa kanya. Nagulat pa ako ng bigla siyang dumilat at yumakap sa akin.

"Please just stay here for a while. Kanina pa ako nag papaawa sayo."

Nagulat ulit ako sa sinabi niya. Kahit alalang alala ako sa kanya. Siraulo lang. Tumingin ako sakanya. Hinilog ko nalang yung ulo niya. Masakit daw kasi. Bumabalik na din ang kulay ng balat ni Asher. Buti nangitim na siya, kala mo kanina si Snow white sa puti. Napangiti ako sa kanya.

"I will never leave you again."

Afraid To Lose You (editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon