-35

31 2 0
                                    

"Asher?"

Kanina pa ako kumakatok sa kwarto niya. Ayaw padin akong pagbuksan.

"Asher, mag usap naman tayo"

No response padin. Ba't kasi hindi siya marupok? Nakakainis na ah. Mamaya iitakin ko tong pinto niya.

"Isa, Asher isa nalang talaga!!"

Binagsak ko na yung maleta sa sahig. Oo maleta, maglalayas ako. Dun muna ako kina mamsi.

Hindi ako makakahinga dito. Napaka toxic sa bahay.

"WHAT THE HECK!! BAT MAY MALETA DYAN!?"

Nagulat ako ng biglang bumukas ng maluwang yung pinto. Niluwa noon si Asher na kakagaling lang sa ligo. Hinila niya ako papunta sa kwarto niya.

"Stay!"

I rolled my eyes. Sino ba siya para utusan ako?

"Bat mo ba kasi pinili yung lalaking yun kesa sakin!?"

Natawa ako. Masyadong seloso eh. Pero kung ipuput ko yung sarili ko sa situation nya, Magiging selosa din ako.

"I'm sorry. Masyado kasi siyang nagalusan."

Napapitlag ako ng bigla niyang hinampas yung mesa.

"I'm fucking jealous Blaire. Wala ka man lang ginawa?? Napaka manhid mo!"

Nagulat ako ng bigla na naman niya akong sinigawan. Kahit mag jowa kami hindi ko naman papayagan ganyanin nya lang ako.

"OO ako yung may kasalanan. Pero look at the other side, wala ka dapat ipag ka selos! Pinapatrain yan sakin ni dad. What should I do? Huh, labagin yung utos nila. Minsan naman isipin mo muna yung nakakarami kesa sa atin!"

Napakagat ako sa labi ko. Selos nanaman. Hindi ba pwedeng maging Malaya naman yung pagkilos ko? yung walang mag jujudge. Walng mang rurule?

"Kahit minsan naman pabayaan nyo kong magisa"

Lumayas na ako dala dala yung maletako. Akala niya ata di ko kayang buhatin? I'm strong independent woman, duh.

Sinakay ko na yung maleta sa vios ko.

"I'm leaving for one week. Iiwan ko sayo yung bahay. Got it?"

Scarlet nodded at nakipag besohan sa akin. Sumakay na ako sa vios at nagsimula mag drive sa bahay nina momma.

Nakaalis nanaman akong badtrip. Never pa ata ako nag kakaron ng good day.

Ngayon lang din pumasok sa isipan ko, wala na nga pala si Irina. Tinatamad na din ako mag training. I sigh. Bahala na nga.

Nakarating na ako sa bahay naming. Agad agad naman akong pinagbuksan ng guard. My face lit up when I saw the door was open.

Kala ko papanik nanaman ako sa terrace ko. Nilapag ko na yung maleta ko sa sala. Pumunta agad ako ng ref at nakita na may isa pang bucket ng ice cream. Siguro nga pumunta lang ako ditto para mag relax. Ayoko munang pag usapan yang mga organization na yan.

Finally I saw my father walking towards me. Nakangiti pa ang partida.

"Welcome back!! Pinalinis ko na din room mo"

I rolled my eyes. Kala naman ngayon lang kami nag kita ulit.

"Dad, hindi ako balik bayan. Tsaka parang ngayon lang tayo nagkita kung kumasta ka"

Tumawa siya sabay yakap. Kahit matanda na tong tatay ko ang bango padin.

"Anak baka mamaya masinghot mo na ako. Hindi mo ba ako na miss?"

"As if. Halos araw araw ko ng nakikita yang mukha mo!"




Nilayo ko yung mukha ni dad gamit yung kamay ko. Mas close talaga kami ni dad kesa kay mama.

"Nasan nga pala si mama? Hindi ko ata siya nakikita?"

"yun pumunta ng mall para mag shopping"

Umupo na kami ni dad at nakihati din siya sa ice cream ko.

"Bakit hindi mo sinamahan?"

Tumawa ng pagkalakas lakas si daddy. Akala ata nasa kabilang baryo pa ako. Napangiwi ako.

"Anak kilala mo ako. Ayokong samahan yang nanay mo mag shopping ang tagal tagal tapos sa akin pa papabitbitin. Kawawa yung precious patient ko. Ang mahal mahal."

Napabuntong hininga ako. Paminsan lang talaga gentleman tong si daddy. Bilang na bilang sa kamay.

"Bakit mo nga pala ako pinapunta ditto dad? May problema ba?"

Biglang nag seryoso si daddy. Naglabas agad siya ng wine. Masyadong seryoso yung problema ah.

"Nabalitaan kong nakatakas si Irina. Am I right?"

Napalunok ako. Iba na yung tingin ni daddy. Feeling ko mangangain na ng tao.

"Yes dad. Sorry, hindi ko nabantayan at pinabantay ko pa sa iba"

Napayuko ako. Na disappoint ko nanaman sila. Pinat ni daddy yung likod ko at biglang ngumiti.

"It's okay anak. Ganyan talaga ang mundo ngayon. Tsaka hindi naman talaga yan ang inaalala ko"

Napakunot yung noo ko, ano nanaman kaya yon?

"What is it?"

Uminom muna siya ng wine niya kaya natagalan siya sa pagsagot. Umubo naman ako ng ice cream. Masyado nanaman niyang ninanamnam yung wine.

"Nag away daw kayo ni Asher?"

Hysterically akong tumango. Tumawa pa ako bago humarap sa kanya.

"DAD NAPAKAGANDA NGA KASI NG ANAK MO. NAG SELOS YUNG ISA KASI NAG KAKAGUSTO SAKIN YUNG JULY!"

Sabay kaming tumawa ni dad.

"Bakit kanino ka ba nag mana? Syempre sa akin!"

Sabay ulit kaming tumawa. Kaso mas nangingibabaw yung tawa ni daddy. Halimaw ata to.

"Tapos yun pinalayas ako sa bahay KO"

Pinat nanaman ni daddy yung ulo ko.

"Okay lang yan nak. Magaganda kasi lahi natin. Wag na wag mo lang kakalimutan na mahal na mahal ka niya at wag na wag kang titingin ng ibang lalaki bukod sa kanya"

Tumango ako sabay ngiti. Ganyan talaga kami ni dad. Nag uusap tas ito nadin yung way ng pag bobonding namin.

Nangako ako sa kanila ni Ashe na silang dalawa lang ang mamahalin kong lalaki. Kahit ang corny. Nangingilabot nga ako kapag naalala ko yun.

"BTW, mag pahinga ka kaya muna sa kwarto mo? Alam kong pagod ka"

Nakipag beso ako kay dad sabay akyat. Di ko naman tinatagong pagod ako. 

Tsaka sobrang na curious ako kay July. Hind din matanggal sa isip ko nab aka tauhan sila ni Irina kaya hindi ko muna sila tinatanggap.

Pag pasok ko sa kwarto ko, naamoy ko agad yung pabango ko na lagi kong ginagamit hanggang ngayon. Alam na alam talaga ni daddy kung paano ako makakapag pahinga ng maayos.

Naligo muna ako at nag suot ng pajamas.

Humiga ako sabay tulog. Routine ko na 'to buong week. Pahinga muna. yay

Afraid To Lose You (editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon