Nakita ko sina Amethyst na naglalakad patungo sa gate.
"Get up, Asher. Halika na, nangunguna na yung mga short range."
Hinugot ko na yung kutsilyo sa ulo nung lalake. Tinago ko na yun sa boots ko. Nakita ko din na tinago na rin ni Asher yung baril niya. Naglakad na kami patungo kina Amethyst. Tinitingnan kung may nakakakita ba saamin pero wala.
Walang tao ang naiwan sa labas. Halos lahat ng tauhan nasa loob. Andoon na kaya yung seller? Hindi ko pa nakikita kung may pumasok nang ibang sasakyan.
" Andyan na ba yung seller? Wala pa akong nakikita na pumapasok kesa kay Irina."
Napatigil din si Asher. Tumingin naman ako kina Amythyst na tulad ko nag iisip.
" Wala pa. Baka na late?"
Nag kibit- balikat nalang ako. Diba mas maganda yon? Makukuha naming si Irina ng walang sagabal.
" Scar, kamusta na kayo dyan. Any news samin? Papasok kami ng walang alam kung anong nangyayari dyan sa loob"
May pag ka sarkastiko talaga ako paminsan. Kasi ayaw kami I update, baka mamaya inaabangan na pala kami doon sa loob.
"Walang tao dyan sa front gate. Nasa gitna silang lahat. Ingat kayo sa nag papatrol. Madami dami kasi sila at lahat armado. Doon sa pader ang pinaka safe na papasukan nyo. Kahit saang wall wag lang sa likurang bahagi. Ingat kayo. Mama mary loves all of you"
Napatawa nalang ako sa sinabi niya. Sa ganoong punto, kinakabahan na yon. Nag tungo na kami sa pinakamalapit na wall. Isa isa kaming umakyat doon. Mabilis lang naming yon nagawa kasi sanay na kami. Sinasanay kasi naming yon. Sumalubong sa akin ang apat na mga armadong lalaki.
"Scar akala ko ba walang tao dito? Papatayin mo talaga kami!"
Suminghal ako sabay sugod sa isa. Tinutukan niya ako ng baril niya. Shete machine gun. Gumulong ako sa malaking bato bilang panangga. Kinuha ko yung baril ko.
"Blaire? Blaire okay ka lang ba dyan. Wait lang, ako na bahala"
Napangiti ako. Nag aalala na sa akin si Scar. Biglang nag stop yung pag papaulan ng bala.
"Thanks Scar. You saved my fvcking ass out there"
Nag sitawanan kaming lahat. Anyways, ako lang pala ang natagalan sa pakikipaglaban, kasi nakatingin na sa amin ang halos kalhati ng mga tauhan na nag lilibot dito. Buti malayo layo pa kami sa training ground at pwedeng akalain na hindi dito nang gagaling yung putok.
Napatingin ako sa kanila, tsaka tiningnan sina Scar sa rooftop.
"You guys ready?"
Nag ngisian lang kami at nag talikuran. Tumakbo sila isa isa sa amin. Halos lahat naman sa kanila kutsilyo lang ang dala kaya madali lang silang patumbahin. May dalawang sumugod sa akin, sa kamalas malasan pa naubusan ako ng bala.
Kinuha ko ko ng mabilisan ang kutsilyo ko sa boots. Nung na balance ko na yung sarili ko, nag bend down ako sabay sipa sa isa sa likod ko at winasiwas ang kamay sa gitna. Napaatras silang dalawa.
"Ang tindi mo din pala miss."
Nagulat ako ng biglang tumumba yung nag sasalita sa gitna ko.
"Sorry, that's my girl asshole!!"
Napatawa nalang ako. Mag seselos nanaman akala papatulan ko. Umiling nalang ako sabay bato ng kutsilyo sa likod ko. Nanood lang kasi doon yung lalaking sinipa ko. Ni reload ko na yung baril ko. Grabe, ang aggressive ng mga tao ditto. Parang mga hayop na nakawala sa kural. Nakakapagod at the same time nakakainis. Dapat kasi umaariba na kami ditto. Pinaputukan ko lang sila ng pinaputukan. Nakakainis na, hindi na ako nag eenjoy. Biglang may nagbato ng kutsilyo sa kamay ko. Buti nailagan ko kaya nabitawan ko ang baril ko.
They took that chance to come near me.
"Akala nyo ba hindi ako malakas ng batbatan?"
Tinanong ko sila. Nag katinginan pa sila sabay atras. Yung iba naman ngumisi pa, akala ata nila ang lakas lakas nila. Sabay sumugod sa akin yung apat, mag ka harapan pa sila. Ang tanga naman nila, nag bend down ako kaya nag ka untugan sila. Pagtayo ko, may sumalubong sa akin na suntok. Napa atras ako pero sinuntok din yung sumuntok sa akin sa mukha. Napa atras siya, sinipa ko pa siya sa tiyan sabay tadyak sa mukha niya. One down, madami ulit to go. Nawala sa isip ko yung apat na nasa likod ko. Hinapo nung dalawa yung braso ko. Jusko, old style. Tinapakan ko yung paa nila pero walang effect.
Yung dalawa naming lalaki ay pumagitna. Sa sobrang higpit ng kapit nila sa braso ko, kaya kong i-angat yung body ko. So I did. Tinaas ko yung dalawa kong paa sabay sipa sa mukha nung nasa harapan ko. Nabitawan ako nung kumapit sa braso ko pero dahil sa reflexes, tumambling ako. Pag balik ko sa kinatatayuan ko, tumatakbo na sa akin yung dalawa. Ngumiti muna ako bago ko sinuntok ang sikmura nilang dalawa. Napa atras sila so I grabbed that chance na sipain sila sa mukha. Nag bend down silang dalawa kaya Tinusok ko ng kutsilyo yung nasa kanan ko at yung isa naman, pinatulog ko. Napa upo ako ng nakaramdam ako ng sakit sa hita. Shit, di pa nga pala galling yung sugat ko.
Tumayo ako, nakita ko kung paano tumulo yung dugo papunta sa medyas ko.
"Amethyst dala mo ba yung pinadala ko sayo? Yung first aid sa sugat ko?"
Hinintay ko siyang sumagot sa earpiece pero wala. Bigla kong nakita si Asher na tumatakbo kasama si Amethyst.
"Okay ka lang ba?"
Ngumiti lang ako sa kanila. Umupo ako sa nakita naming upuan. Pinahubad muna nila ako ng pants, so now I'm only wearing an undergarments. Nakita ko kung paano magpigil ng tawa si Amethyst ng nakita naming si asher na nag iwas ng tingin. Nag kibitz balikat nalang ako. Parang di ako sanay na nakikita nya akong naka panty lang diba?
"Ok na. Panandalian lang yan. Tawagin mo lang si Asher kung di mo na talaga kaya"
Pi- nat niya yung shoulder ko bago tumayo. Timingin ako sa paligid, tsaka ko lang na realize na naubos na naming yung kalaban.
"Scar, lahat ba nakalaban naming Yun na ba lahat?"
"Oo Blaire. Sa likod kasi kayo dumaan gaga."
Napatawa ako. Atleast ubos na sila.
"Baka kailangan na natin tumakbo kasi naka tunog na sila diba?"
Tumakbo kaming nakangiti. Irina, andyan na kami. Hindi pa to ang katapusan. Humanda ka sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/86659267-288-k246229.jpg)
BINABASA MO ANG
Afraid To Lose You (editing)
Misterio / Suspenso(this story is under editing. So if you continue to read this, you may encounter some grammatical errors and such. Please bare with me love lots.) Wherein Blaire Alexandrite Frost finds a way to revenge Irina her ex-bestfriend who betray her group...