-11

50 4 0
                                    

*BLAIRE ALEXANDRITE POV*

Kinuha ko ang baril at pinaputukan ang hita niya. Napasigaw siya sa sobrang sakit.

Pero hindi pa rin ako naawa sayo. Hanggang mamatay ka hinding hindi mapapalitan yun kung gaano mo ko sinaktan.

"Ano tapos ka na ba? Masakit ba?"tanong ko sa kanya at hinila ang buhok niya.

Hindi ko na siyang hinintay sumagot at inilagay ko yung daliri ko sa sugat niya at diniinan. Napahiyaw siya sa sakit. Nang hihina siyang umurong hanggang headboard.

Ngumisi siya sa akin upang itago ang namumuong sakit.

Ganyan ang tinuro ko sayo ehh. Ang takpan yung takot at sakit ng mapang insulto.

"Ano ngingisi-ngisi ka na lang ba dyan. Hindi ka na nagsasalita. Puro ka nalang sigaw." Habang umuupong sambit ko.

Hindi siya sumagot kaya napangiwi ako.

"Naging pipe ka na ba?" Nagsalita ulit na sambit ko ngunit hindi niya parin ako sinasagot.

Napa tiim bagang nalang ako dahil sa kakulitan niya.

Masyado niya akong ginagaya. At yun ang ayaw na ayaw ko sa lahat. Walang originality.

Lumapit ako sa kanya.

Paatras ng paatras naman siya. Napangisi ako dahil takot na takot na siya sa akin.

"Ohh nasaan na yung Irina na siga. Ang nakikita ko na lang ehh yung duwag na Irina na nakilala ko." Mapang-asar ba sambit ko upang masuntok niya ako.

Dahil sa lakas napatumba ako at tumingin siya ng nakakaloko sa akin.

Aaminin kong malakas yun.

Pero mas malakas ang suntok ko.

"Masyado kang mahina. Sige lang suntukin mo pa ako. Pero ang kapalit niyan ang buhay mo." May halong pagbabantang sambit ko.

Bigla siyang tumigil at tumingin sa akin.

"Paano mo naman ako papatayin?" Nagbabantang tanong niya pa.

"Madami akong paraan para patayin ka."

Sinuntok ko siya dahilan kung bakit pumalit yung pwesto namin. Ako na ang nakatayo at siya na ang nakahiga.

Sinuntok ko ang tiyan niya dahilan para gumulong siya sa sahig.

Kinuha ko ang dagger at binato sa kanya.

"ASHER,GEANE! GAMUTIN NYO SIYA"sigaw ko sa kwarto.

Sinuntok ko ulit siya sa mukha dahilan kung bakit siya nawalan ng malay.

Pumunta na sila sa kwarto. Ginamot nila yung mga pasa at galos niya.

Tumawag na ako ng private doctor ko at pinagamot siya.

Dumating na siya at ginamot na si Irina. Pinaalis na muna kami sa kwarto.

Bumaba na ako kina Scar at umupo sa sofa. Napasandal nalang ako sa sofa at pumikit.

"Pagpahingahin mo kaya yang sarili mo Alex. Dalawang araw ka nang hindi natutulog. Hindi ka na rin kumakain. Hindi nalang talaga ako magugulat kung bigla ka na lamg mangisay dyan."mahabang sermon ni Scarlet.

Hindi ko na lang siya pinansin. Umakyat na ako sa kwarto at naligo. Nagbihis na ako ng maxi dress na black. Humiga na ako sa malambot kong kama. Nag isip ako ng nag isip. Hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.

Pag gising ko kinuha ko agad ang cellphone ko at tiningnan ang oras.

Napabalikwas ako ng bangon ng makita ko kung anong oras na.

Afraid To Lose You (editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon