-13

33 3 0
                                    

Kems

Natulog muna ako dahil pagod na pagod ako.

BLLLAAAAAGGGGGG

Isang malakas na pagbagsak ang nagpagising sa akin. Ngunit nagtaka ako dahil ....
.
.
.
.
.
.
Bakit nasa sahig ako???.

Ibig ba nitong sabihin na ako yung nahulog....

ANG SAKIT NG PUWETAN KO!!!

Ano bang nangyari sa akin. May napaginipan ba ako. Wala akong maalala.

Tingin ako sa orasan. Nagulat ako dahil tanghali na at kailangan ko pang mag training.

Bumaba ako ng nakasimangot. Walang toothbrush, walang suklay-suklay.

"Bumagyo ba? " tanong ni Asher.

Pumunta ako ng kusina at mabilis na kinuha ang kutsilyo.

Tumakbo ako patungo sa kanya at mabilis ko siyang sinaksak. Sa kamay lang naman.

Humalakhak ako ng paring baliw.

Siya kasi ang dahilan kung bakit.
.
.
.
.
LATE NA AKO SA TRAINING KO!!!!

"NG DAHIL SAYO NALATE AKO SA TRAINING KO AT HINDI KO NATAPOS YUNG LEVEL 1!!!!" Galit na giit ko dahilan kung bakit tawa ng tawa sina Scar.

Napatigil nalang ako ng nakita kong ngumiwi si Asher. Then, narealize ko na nakasakit na pala ako ng tao.

"Okay ka lang ba?? Masakit ba. Halika lalagyan ko ng first aid" natatarantang sabi ko. Hinila ko siya sa isang kamay niya.

Pumunta ako sa kwarto ko at pinaupo siya sa sofa.

"Diyan kalang . Kukunin ko lang yung first aid kit."

Kinuha ko yung kit sa banyo at sinimulan gamot yung sugat niya.

Nakita ko siyang ngumiwi ng dinampi ko ang betadine sa sugat niya.

"Masakit ba??" Pag aalala ko sa kanya.

Tumango siya dahilan kung bakit dinahan dahan ko yung pag lagay.

Binebendahan ko na yung kamay niya ng biglang pumasok si Scar.

"Ano kamusta na kamay mo?" Tanong niya.

"Okay na. Malayo naman sa bituka to" nakangiting sabi Asher.

"Ikaw naman kasi Alex,wag kang susugod ng ganyan. Tandaan mo kakampi natin siya hindi natin siya kaaway. Nan didilim yang mata mo kauma umaga." Sermon nanaman niya sa akin. Wala atang araw na hindi ako sinesermonan ni Scar.

"Hindi na umaga Scar, tanghali na TANGHALI"  inemphasize ko pa para mapagmukha sa kanya na hindi nila ako ginising.

"Kasalanan mo na yun Alex" pagtataray niya.

Wow ako pa may kasalanan. Kasalanan yun ni Asher.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
I admit it, ako nga may kasalanan.

Naligo na ako.

Inanyayaan ko silang pumunta ng training ground. Mag tratraining kami ng SABAY SABAY.

Kami ang encharge ni Asher bilang leader.

"STRETCHING!! STRETCHING!!" Malakas na sigaw ko.

Nag stretching na kami na worth 30 minutes lang. Kung nagtataka kayo kung ano ang itsura ng training ground. Eto idedescribe ko.

Yung mga pang workout na nabibili sa mga tobys, etc. Nasa side yung parang naka square shape at meron pang malaking space sa gitna. Doon nagaganap yung ginawa ko kahapon. Parang kagaya dun sa hunger games. Si Kathniss (tama ba spell??) na nakikipaglaban sa mga pixel na tao yun.

Afraid To Lose You (editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon