-38

35 1 0
                                    


Naka higa lang ako sa kama. Nakaka pagod din palang maging warfreak. Hindi naman ako nagpasimuno kaya worth it naman. Sa totoo lang pagod na pagod talaga ako ngayon. Malay ko ba, daig ko pa nanganak ng sampung anak. Charot.


Bumaba na ako para mag dinner. Ang bilis tumakbo ng oras. 6 days nalang ang natitira. Guess what, wala pa akong naiisip na plano para sa laban. Napaka sipag ko naman.


Nakarinig ako ng katok sa pinto. Alangan naman sa sahig. Charot.


"Pasok!"


Iniluwa noon si Amethyst. Magkapareho kame ng apelido kaso malay ko kung kapatid ko ba talaga siya. Malay naten may long lost sister pala ako.


"What's the agenda?"


Bumangon ako sa pag kaka-higa. Baka mamaya isipin nila na nakikiusap sila sa patay. Charought ulit.


"Kinakabahan ako."


Kinabahan din ako sa sinabi niya. Great influencer of the year 'to si Amethyst.


"Why? Bakit? Waeyo?"


Na iistress na talaga ako. Kanina ko pa iniisip kung anong gagawin ko tapos may lalapit pa sa akin na parang may hindi magandang mangyayari.


"I dreamt about your death...and Asher's death. Feeling ko sa labanan naten nina Irina."


Lahat ata ng atensyon ko nalipat kay Amethyst. Paminsan pa naman totoo mga pinag sasabe nitong bata na ito. I fake a laugh.


"Don't worry Amethyst. Diba nga ang mga panaginip kabaligtaran sa reality. Tama ba?"


Iniisip ko pa kung tama pag kakasabi ko. Tama naman ata. Napatango lang sa akin si Amethyst sabay yakap ng mahigpit. Yung tipong papatayin niya na ako sa yakap na iyon.


"Please don't die."


After niya yon sabihin, lumayas siya sa kwarto ko. Yung kaninang kaba na nasa puso ko lalong dumoble. Maybe I need to approach my parents. Sana si daddy nakapag isip ng plano.


I check my phone kung may missed call ba parent ko pero wala so I decided to call him.


[Dad? Long time no see hakhak]


I fake a laugh. Naiinis ako. Di ko alam kung bakit.


[Hi nak!! May plano na akong nagawa yey!]


Narinig ko sa kabilang linya yung mga titas and titos kong sumisigaw. Aba nag kakaraoke ata.


[ Waw daddy! Nag kakaraoke ata kayo. Ang saya ah]


Napangiti ako nang narinig ko yung tawa ni Dad. Atleast diba masaya siya. Pag masaya siya, masaya na din ako. O diba, dapat happy lang. Laking enervon si papsi, double the happy.

Afraid To Lose You (editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon