-10

54 4 0
                                    

*BLAIRE ALEXANDRITE POV*

Kumaripas ako ng takbo papunta sa isang sasakyan ko ang jaguar xj 1990 model. Sumakay ako doon at tinapakan ang gas. Humaharurot ako at akala mo na lumilipad ka na. Nagpalinga-linga rin ako at nag babakasakali na makito ko yung hinayupak na Irina na yan..

Hayyyssttt. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Hindi ko siya nakita. Naikot ko na ata itong buong lugar namin pero wala. Malapit na rin maubos yung gas ko. Pumunta muna ako sa gas station at pina full tank.

Pagkatapos pinaharurot ko nanaman yung sasakyan ko. Pero nabigla ako na nakasunod pala sa akin ang kotse namin. Oo may tigi-tigisa kaming kotse. Nakapark lang sila sa warehouse ng dahil dyan sa lintek na emergency hayystt.

Dumeretso na kami sa bahay ko.

Inilapag ko ang susi ko sa lamesa at uminom mg tubig. Kinuha ko rin yung vodka sa ref at ininom. Hayyy nakakastress ka Irina pa VIP ka pa pakita na tigil na laro pshh isip bata amputa!!.

*THIRD PERSON POV*

Habang pinapaharurot ni Alex ang kotse niya, kinuha naman ng kanyang grupo at grupo ni Asher ang sari-sarili nilang sasakyan na nakapark sa labas ng warehouse. Hindi agad nila naabutan si Alex at nag hiwa-hiwalay sila. Hinahanap pa rin nila si Irina. Alam nila na hindi makikita ni Alexandrite yon ng mag isa. Si Asher naman hindi sinasabing nasa kanya na si Irina. Sinusundan niya ito sa mabagal na pagtakbo. Hindi rin sya nahalata dahil ibang kotse ang gamit niya at hindi pa ito nakikita ni Irina.

Tumigil na si Irina. Napahinto rin si Asher at bumaba ng sasakyan. Tinago niya ang baril sa loob ng jacket niya. Nag sumbrero siya at naglagay ng gloves. Nagdala ren siya ng extrang rubber bullet at bullet.

Sinusundan niya lang si Irina sa malayo. Hanggang sa pumasok sa eskinita ang dalaga. Hinanda niya na ang baril na naglalaman ng rubber bullet. Pagpasok palang ni Asher sa eskinita pinaputukan niya ito. Nawalan ng malay si Irina.

Dinala na ni Asher si Irina sa sasakyan niya. Tinalian niya ang kamay at paa nito. Nag message na rin siya kina Jansen na magkita sa pinaka malapit na gas station. Saktong pagpunta niya don,andoon na rin si Alex na nag pa gas. Nakita narin nila ang ibat ibang sasakyan na mamahalin at sigurado silang ka grupo na nila ito. Unang umalis si Alex at sumunod na ang iba at ako ang nahuli.

Namulat na ang mata ni Irina. Pina putukan nanaman ito ni Asher dahil sa sobrang galit. Nagalit siya dahil sinaktan nanaman niya si Alex.

Nakarating na sila sa bahay. Bumaba na sila at si Asher na lamang ang tanging nasa loob ng kotse niya havang nag iisip. Habang ang mga grupo naman ni Asher at Alex ay napahiga sa sofa dahil sa sobrang pagod. Ni hindi nila alam na nasa kamay na pala ni Asher si Irina.

Bumaba na ng kotse si Asher. Iniwan niya muna doon si Irina.

Pumasok na siya at sinabing nasa kanya na si Irina.

Tumakbo agad ako sa kanya upang tingnan kung nag bibiro lang na siya ngunit nakita ko talaga si Irina na nakahiga sa likod ng sasakyan ni Asher.

Baka pinatulog nito??

Lumapit na ang mga lalaki sa kotse ni Irina binuhat nila si Irina.

Dinala nila si Irina sa extra na kwarto sa baba. Naka ready na doon yung gagamitin ko. Oo, ako ang papatay sa kanya pero papahirapan ko siya. Madaming katanungan ang nabubuo sa isip ko pero alam kong hindi ako ang makakasagot noon. Oo, siya iyon. Matagal na kaming mag kaibigan ngunit sinira niya ang tiwala ko. Trinaydor niya ako,kami.

Pumunta siya noon sa pulis...

*FLASHBACK*

"BILISAN NYO NA DYAN!!"sigaw ko sa mga mabababang uri namin. Binilisan nila ang pag ligpit sa gamit namin. Mga baril ito at kung anu ano pang armas.

Afraid To Lose You (editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon