(Kirsten's POV)Dalawang taon na ang lumipas matapos mangyari ang insidenteng yun.
Sumunod ako kina Mama at Kris sa Amsterdam upang magpalamig muna pero nagpaiwan si Papa , may aayusin raw muna sya sa Pilipinas bago kami bumalik.
Si Mike? Hindi sya saking mga kamay nawala, kundi sa mga kamay ni Lethal.
Naalala ko pa ang sinabi niya nun."Hindi ko hahayaang madungisan ng kanyang dugo ang iyong mga kamay ."
Nagulat pa nga ako dahil hindi ko pa nakakalabit ang baril pero bumulagta na si Mike at may tama na sya sa ulo. Akala ko hindi napansin ni Lethal, yun pala mas matalas pa ang tingin kesa sakin.
*sigh* napakaraming nangyari na akala ko hindi ko makakaya pero dahil sa tulong ng mga taong nasa paligid ko lang pala, nakaya ko lahat.
Si Kris? Nagkaayos na kami. Akala ko nga hindi siya makikipag-ayos sakin dahil sa mga ginawa ko pero matagal na din pala niyang hinintay na magkaayos kami. Nung nagkayakapan kami, doon ko napagtanto kung gaano ko sya kamiss, ang mga tawa namin, ang mga kwentuhan namin na kahit gaano kawalang sense eh hindi kami nauumay, yung mga mga paborito naming gawin magkasama. Sobrang namiss ko pala talaga siya.
Si Kaitlyn naman ay may sarili ng buhay, at she's dating Timothy tsk who would have thought? Tama nga sila, kahit gaano pa katigas ang isang tao may isang bagay itong kinahihinaan like Kaitlyn, kapatid lang naman sya ng isang Mafia Boss at anak ng isang Ford.
"Kirsten kailan ka pa naging matakaw sa chocolate cake?"
"Ano bang pakialam mo? Tawagan mo nalang kaya yung boyfriend mo kunu para masundo na tayo dito tss baka kanina pa naghihintay sina Lethal dun ..."
Nag-dial naman sya sa phone niya. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.
" Alam mo Reena hindi ko talaga alam na dadating pa pala ang mga araw sa buhay ko na magiging ganito ako kasaya"
Nandito kami sa isang coffee shop ni Reena. Hindi kasi ako masasamahan ngayon ni Lethal dahil nasa Batangas sya dahil pinarenovate nila ang kanilang Ancestral House don pati nadin ang pag-ayos ng dead end na daan kasi napagdesisyonan nilang buksan ulit ito sa publiko.
Pupunta nga kami don dahil opening nito ngayon for the second time and we need to be there sayang lang dahil sabi nina Mama at Papa hindi sila makakapunta.
The Fords are reunited again kasi finally nakapagmove-on nadin ang mga sila sa mga nangyari lalo na ang Mama at Papa niya na sina Mademoiselle Ysabel at Lorde Brandon I sa pagkamatay ni Caleb. Like, everything is very awesome.
At oo, si Reena at si aheerm Corwin ay magnobyo na. Sa wakas inamin na ni Reena kay Corwin at ganun din naman pala si Corwin sa kanya ay juskoo napaka-oa nilang dalawa.
Maya-maya ay dumating nadin si Corwin.
"Nandito na po sya Madam Kirsten"
"Nakikita ko Reena ."
"Ang sungit sungit mo ngayon alam mo ba? "
"Akala ko nasanay ka na?"
"Magkaiba kasi ang definition ko ng maldita at masungit. Sungit nito"
"Hey girls--woaaah what's with that look?"
"Pano inaaway ako nitong si Kirsten"
Sumbong ni Reena with a pout.Haay tumawa nalang ako. Napakalaki ng naging parte nila sa buhay ko kahit mga may sayad sila.
Bumyahe na kami pa Batangas at ilang oras pa ay dumating narin kami.
BINABASA MO ANG
The Mafia boss's BOSS
ActionFrom black to white, from smile to frown, from laughter to tears and from ANGEL to DEMON .. He has everything. Money, luxuries, the looks, intelligence. He is DEADLY and he's a MAFIA BOSS. And one day their path just crossed. The world of the witch...