Chapter Twenty Five: Brandon I
"Batangas.." sambit ko habang nagbabasa ako ng nga lumang newspaper na talagang pinahalungkat ko sa bodega ng mga gamit ni Papa. Baka sakaling mga makita ako dun at tama nga ako ..
The Fords' Ancestral House in Batangas ..
Kasalukuyan raw itong pinipreserve , may caretaker din naman ang lumang bahay at hindi pinapagalaw lahat ng mga gamit .
Dali-dali akong nag ayos . Nagsuot lang ako ng loose seethrough shirt and black denim . I grab my car key and my bag.
Nakasalubong ko si Kris sa stairs
"San ka pupunta?""Somewhere .. na wala ka "
Hindi na ako tumigil at dire diretso na ang lumabas.Mahigit tatlong oras din akong nagmaneho bago makarating ng Batangas ,
.. ay jusko ang haba ng traffic na halos hindi umuusad ang mga sasakyan tsss .."Manang san po ba ang daan papuntang Laurel, Batangas?"- tanong ko ...
Mag fo-four nadin kaya minadali ko na ang pag dadrive errr mukhang wala pa namang inns at hotels dito -.-
Mga ilang oras pa bago ako huminto. Nasa tapat ako sa isang napakalaking gate . O.o
Napakalaking gate na gawa ng mga matitibay na kahoy , mahahalata mong matagal na to at matanda na dahil sa mga nalikhang mga maliliit na butas.. Mukhang nandito na nga talaga ako.
Bumaba ako ng sasakyan, iiwanan ko nalang to dito, mukha kasing di pwedeng ipasok ang mga sasakyan. Wala man lang katao tao sa lugar na to. Tssk kung sa bagay, ang mga taong katulad ni Brett parang hindi mabubuhay sa maiingay na environment.
Lumapit ako sa gate , kumatok ako gamit ang door knocker.
*knock knock*
"Sinong nandiyan?"
tanong agad nung nasa loob habang nakatingin sa may maliit na butas kaya lumapit ako dun .. nakita naman niya ako, ngumiti sya saka niya iti binuksan. Sya ata ang caretaker .Nalula ako nung nakita ko ang kabuonan ng Ancestral house . I gasps .
Holy cow! this house is so huge ! malaki ata ng doble sa mansion namin .. Gawa ito sa kahoy at talagang makaluma ang istilo .. Nakatunganga parin akong nakatingin dito, hindi ako kumukurap. Is this for real? parang urrghh Kirsten nandyan na nga diba?
Natauhan naman ako ng magsalita ang caretaker.
"Pasok ho kayo"
magalang niyang sabi .
Mukhang nasa early 40's na sya sa pagtatantsa ko .."Naku, pasensya ka na iha hindi pa kasi ako nakabihis, hindi ko naman kasi inaasahang may dadalaw pa sa mansion.."
"Ano pong ibig niyong sabihin? aling?.."
"Alicia, Tawagin mo nalang akong Nana Alicia.." ngumiti sya sakin kaya ginantihan ko rin sya ng ngiti..
"Kirsten Lexia po , Kirsten nalang po .. ano pong ibig niyong sabihin? wala na pong pumupunta dito?"
tanong ko"Meron naman , pero madalang nalang talaga iha, wala na kasi masyadong napapadaan dito ngayon dahil sa dead end na itong daanan papunta dito dahil sa nangyaring landslide tatlong taon mula ngayon. Kaya kung may pupunta man dito eh kung sasadyain talaga." -mahaba niyang paliwanag.
Tumango nalang ako bilang sagot ..
"Sandali lang iha ah, bubuksan ko lang tong pinto."
Binuksan nga niya ang doble door.. Nakakatakot nga ang naging ingay nito mukhang matagal na ngang si nabubuksan .
Tatlong palapag ang mansion. May mga malalaking vase na inaalikabuk na ang nasa gilid ng mga hagdanan. May malaking carpet na nakalagay sa living room , may maliit na table sa gitna , sofa set . Mas namangha ako sa napakagandang chandelier , actually maraming mga chandelier pero ang nasa living room ang pinakamalaki at pinakamaganda.
Nilibot ko ng tingin ang buong loob. Nakakaloka ! bakit kaya hindi nila ito tinirhan? eh ang lawak lawak naman nito, pwede nga atang maglaro ng soccer dito sa loob eh tsk . Mga tao talaga hindi makonte-kontento .
"Ginawa itong mansion panahon pa ng mga hapon.. Sa dami ng bahay na malalaki dito sa batangas , ito lang ang hindi nila ginalaw at ito ay dahil sila ay mga Ford... makapangyarihan ang mga Ford . Marami silang mga nasasakupan kaya hindi sila nagalaw ng mga hapones. .."
-Nakinig lang ako sa kwento niya.. Ito palang ang nalaman ko pero halos kapusin na ako ng hininga , di ko alam kung bakit siguro dahil sa hindi ko ito inaasahan. Kung curious ka nga naman oh .".. Pero isang gabi may isang taksil na syang nanipula sa pamilya at angkan ng mga Ford. Nabasa mo ba ang balita tungkol sa mga Ford sa isang newspaper noon? .."- tanong niya sakin ..
"H-Hindi po, bakit po? a-anong nangyari?"
napalunok ako . oh jeez nakakakaba .".. Isang araw natagpuan nalang ng mga awtoridad sa loob ng bahay na ito ang mga bangkay ng mga Ford . Ang bangkay ng padre de pamilya ng mga Ford na si Brandon The First. Wala na itong buhay kasama ang kanyang kabiyak na si Tiara habang nakayapos pa ito sa kanyang bunsong sanggol na wala naring buhay .."
Naramdam kong bigla ng tumulo ang mga luha ko ..
A-Ang sakit pala ng kasaysayan ng buhay ni Brett Lethal.. hindi ko lubos maisip na may taong kayang pumatay ng mga taong walang kalaban laban. Ipinagkait nila sa isang sanggol na makita ang mundo.
Agad ko rin itong pinunasan nang magpatuloy si Nana Alicia sa pagkwento...
-----
Keep on reading po ^^
BINABASA MO ANG
The Mafia boss's BOSS
AçãoFrom black to white, from smile to frown, from laughter to tears and from ANGEL to DEMON .. He has everything. Money, luxuries, the looks, intelligence. He is DEADLY and he's a MAFIA BOSS. And one day their path just crossed. The world of the witch...