CHAPTER THREE

276 4 0
                                    

"I still love him.

But I don't want to love him anymore.

I don't want to hurt anymore, please."

Bruce Almighty





"What happened yesterday? Please tell me. I need to know what really happened." Hindi ko alam kung nag-aalala ba siya sakin o gusto lang talaga niyang malaman kung ano na namang katangahan ang ginawa ko.

Hindi kami ni Raven yung ideal or typical na magkapatid. Hindi kami madalas magkasundo sa mga bagay pero hindi kami nag-aaway. We both know our limits. Hindi ko pakikialaman ang buhay niya, hindi din niya pakikialaman ang buhay ko. Well, not unless it's needed. We're still sisters and we both respect each other that way.

"Raven, sinabi mo ba kay Gunner na wag akong ligawan? I mean, hindi ba ako pwedeng ligawan ng best friend mo?" I told her while still eating. Narinig ko siyang tumawa saka niya pinaalis ang mga maid na nakabantay sa amin. May nakakatawa ba sa tanong ko?

"You are funny, Lyke." Uminom siya ng juice bago muling nagsalita. "We are bestfriends, but it doesn't give me the right to tell them who to love."

"So sinasabi mo na, hindi lang talaga ako gusto o kayang mahalin ni Gunner, ganon ba?"

Muli siyang tumawa. Hindi man lang ako nasabihan na comedian na pala ako ngayon. Medyo nakakairita lang ang pagtawa ni Raven sa bawat tanong ko. Yung totoo, nakakatawa ba?

"Oh well, it is for him to know and for you to find out." She winked at me. "Love is a gamble, you know. Hindi ka mananalo kung hindi ka susugal. It can hurt you as hell but at least, you tried."

I bit my lower lip before I smiled at her. Minsan talaga may sense din kausap si Raven. "Okay then, I have to go. Magkita na lang tayo sa school, okay?"

Ngumiti lang siya sakin.

Ano kayang magiging reaksiyon ni Gunner? I trembled while imagining things. Lagi naman akong ganito. I always find myself day dreaming of being Gunner's girlfriend. Yung lalapit siya sakin before and after his games just to kiss me. O kaya naman, ako yung mag-aabot sa kanya ng inumin at towel pagkatapos niyang magsayaw. Yung susunduin at ihahatid niya ako. Those kind of boyfriend-girlfriend stuffs. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti sa hangin habang iniisip ang mga yon.

"Hey!" Bahagya akong nagulat nang biglang bumukas ang pintuan ng kotse. It was Bree. Nasa school na pala ako.

Inirapan ko siya bago ako bumaba ng kotse.

"I know what you we're thinking." Sabi ni Bree habang naglalakad kami. "And I think it's not the right time to do it."

"To do what?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Bree has this telepathic transmission thing sometimes. I'm not really sure if she has ESP but she could definitely read what's on my mind.

"To tell him the truth, your feelings! Ano pa ba?" She rolled her eyes.

I told you Bree could read minds. How could she be so accurately right? "I don't know what the hell you we're talking about, Bree." Pambabalewala ko sa sinabi niya.

"I think you need to know that –"

Hindi ko na naintindihan pa ang kasunod na sinabi ni Bree nang makita ko si Fox na nakatayo at nakaharang sa daraanan namin. Bigla tuloy bumalik sa isip ko yung paghalik niya sa akin kahapon. It was my first kiss. And it was so disgusting! Kung pwede ko lang eskobahin ang labi ko at magmumog ng muriatic acid, ginawa ko na.

"Hi Lyke." He was smiling at me like 'I-know-what-you-were-thinking' smile. Lalo akong nandiri sa kanya nang mahagip ng mga mata ko ang labi niya. Ugh!

"Hi Fox!" Bati ni Bree sa kanya. Pero nginitian lang niya ito.

"Let's go Bree. Ayokong sayangin ang oras ko sa lalaking yan." Hinila ko si Bree sa kamay dahil mukhang balak niyang titigan si Fox habangbuhay.

"I won't settle for a kiss, Lyke. You know exactly what I want."

Natigilan ako ng marinig yon. Then I saw Bree slowly widened her eyes while staring at me. "Oh – my - gosh ..."

And so as the other girls. Nakatitig sila sa akin habang hinuhusgahan ako mula ulo hanggang paa.

"Fox Stegner kissed her?"

"She is Raven's sister, right?"

"I told you, malandi talaga yang magkapatid na yan!"

Nasa akin na naman ang atensiyon ng lahat. Ako na naman ang bida. Bakit kaya hindi na lang ako naging si Jollibee? Bwisit!

Binalikan ko ng tingin si Fox. Kung nakamamatay lang ang titig ko, malamang kanina pa siya bumulagta sa harapan ko. "Alam mo Fox, kung ikaw lang din naman ang lalaking mamahalin ko, magpapakamatay na lang ako kaysa mapunta sa'yo! Nakakadiri ka!"

"Well, that's true." He agreed. "Coz that would be the only way for you to escape me. You die but ..." He slowly grinned at me. "I'll die with you."

I took a deep breath. Alam kong hindi ako mananalo kay Fox. Mauubos lang ang ganda at lakas ko kung makikipagtalo ako sa kanya. Dahil kahit kailan hindi naman siya sumuko sakin. Bukod sa tigas ng ulo niya, hindi rin kasi siya nauubusan ng self-confidence. Paano ba naman kasi, hindi pa siya na-reject sa buong buhay niya. Coz he doesn't accept 'no' for an answer.

"Fox, please ... I have no time for your jokes. Alam naman nating lahat na hindi ako yung tipo ng babaeng gusto mo. Hindi ako yung babaeng pang-isa o dalawang araw lang. Hindi ako-"

"Bakit? Akala mo ba nagbibiro ako?" Dahan-dahan siyang lumapit sakin. Pero sa bawat hakbang niya palapit sakin ay humahakbang din ako palayo. "You are beautiful. You aren't that sexy pero, pwede na." Kagat-labi niyang sabi.

Awtomatikong nag-react ang katawan ko sa sinabi niya. Mabilis na lumipad ang palad ko sa mukha niya. Sinampal ko si Fox. But this time, I made sure that it would hit him so hard. Baka sakaling maalog ang utak niya at magising siya sa katotohanan na kahit kailan hindi ko siya kayang mahalin.

"You prick ..." Biglang lumapit sa akin ang dalawang babae at walang pakundangan akong itinulak. Ay! Hindi nga pala sila mga babae, mga aso sila ni Fox.

Hindi naman ako nagpatalo. Agad kong hinablot ang buhok nang isa. "You don't touch a Del Basco, just like that!" Saka ko ubod ng lakas na hinila ang buhok niya. Nawalan siya ng balanse at napaupo sa sahig.

The other girl was about to hit me with her bag but Fox quickly wrapped his arms around me. The girl accidentally hit him on his back.

"S-sorry, Fox ... sorry."

Agad naman akong pinakawalan ni Fox sa pagkakayakap niyang yon. Saka niya ibinaling ang matatalim niyang tingin sa babaeng pumalo sa likod niya, "Ano pang tinatanga-tanga mo diyan? Get the fvck out of here!" Sigaw niya dito.

Biglang nawala ang lahat ng estudyante na kanina lang ay nakapako ang mga mata sa amin. Si Bree na lang ang naiwan. Si Bree na hindi pa rin makapaniwala sa narinig at nakita niya.

"May problema ba dito?"

Agad akong dumistansiya kay Fox nang marinig ko ang boses na yon. Nakatalikod ako pero alam na alam ko kung sino ang nagsasalita.

"No – nothing important. Just some girls trying to get my attention." Mayabang na sagot ni Fox. "By the way, I almost forgot! Congratulations." He added.

Napakunot ang noo ko nang marinig ko yon. Congratulations? For what? Lumingon ako para malaman kung bakit. Parang bigla akong binagsakan ng malaking bato nang makita ko si Gunner na kasama si Sofia. Hawak niya ang kamay nito habang nakangiti sa amin ni Fox. I was paralyzed for a second. I felt raw, like there is no skin to cover up my pain. It hurts so much to see the man you love with someone else. I wish I could stop this. How I really wish I could make it stop.

"Today must be our lucky day Gunner. Coz finally, this young lady here ..." Saka siya lumapit sakin at inakbayan ako. "Just said, yes."

Napilitan akong ngumiti kasabay ng mga luhang naguunahangpumatak mula sa aking mga mata.-

Selfish Love [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon