“I’m seriously in love with you.”Legally Blonde
“Look, I’m sorry.” He sighed. “I just … I just don’t want to talk about it.”
I couldn’t find a word to make him feel comfortable or to make him feel better. He was right. It would never be easy for both of us, for all of us. Na kahit ‘sorry’ ay hindi kayang pagaanin ang bigat ng sitwasyon.
“How romantic!”
Nabasag ang katahimikan sa pagitan naming ni Fox. Nang marahang pumalakpak si Sophia habang lumalakad palapit sa amin. Nakangiti siya na para bang nang-iinis. Since the news was already out. Alam kong alam na rin niya ang tungkol sa kasal.
“Let’s go.” Hinawakan ni Fox ang kamay ko saka niya ako inalalayang tumayo.
“Oh please, don’t be intimidated. Ako lang ‘to, si Sophia.” Saka niya ibinaling ang atensiyon niya kay Fox. “Di ba Fox?”
“Did your puny girls cry for help, Sophia? Sorry … not sorry.” I imitated Song-Yi from My Love from the Star.
“Oh! You’re funny, Lyke.” Saglit niyang tinignan ang kuko niya na three inches yata ang haba saka siya muling tumingin sakin. “I actually don’t mind that. You can throw them whatever you want. But you can’t change the fact that you will be an ex-Fox Property soon. And I can’t wait that to happen.”
“She’s not my property.”
“Really? Ilang babae na ba ang sinabihan mo ng ganyan Fox? Hindi ka pa ba nagsasawa?”
“Yeah. All of them. Except you.”
“Oh … would you like me to remind you why?” May halong pagbabanta sa tono ng boses ni Sophia. Ganon ba talaga sila ka-close ni Fox?
“Threathening a Stegner, eh?”
Tumaas ang kilay ni Sophia ng marinig niya ang boses ni Raven mula sa kanyang likuran.
“Hmmm, of course. A wife to the rescue.” Saka ito tumawa. “You really are a ladies’ man, Fox. You’ve got your property right here and … your wife right there.”
“Would you like to be my side chick? You're very much welcome.”
“No, thanks.” Saka inilipat ni Sophia ang tingin niya sakin. “I’m fine with Gunner.”
“Well, enjoy while it lasts.” Nakangiti namang sagot ni Raven. “Let’s not waste our time on someone who does not belong to our society class. She doesn’t deserve the attention.” Saka ito tumalikod at lumakad palabas ng cafeteria.
“Let’s go, Lyke.” Pukaw ni Fox sa atensiyon ko. Di ko alam pero bigla na lang talaga akong nawawala sa sarili tuwing pumapasok sa isip ko na girlfriend siya ni Gunner. And I am pretty sure na makakarating ito lahat sa kanya.
“Yeah.” Saka ako sumunod sa kanila palabas ng cafeteria.Lumakad kami palabas ng building papunta sa covered parking ng school kung saan naghihintay ang sundo namin ni Raven. Natanaw namin ang driver at ang bodyguard na nakatayo sa labas ng kotse habang naghihintay sa amin. Raven waived her right hand at them.
“I’ll take her home.” Ma-awtoridad na sabi ni Fox.
“Don’t make a scene here Fox. Maraming tao.”
“I don’t give a damn.”
Pagkasabi niya noon ay agad niyang hinawakan ang kamay ko saka niya ako hinila palayo. Nabitawan ko ang mga gamit ko at bumagsak iyon sa sahig.
“Fox ano ba!”
Hindi ko na nagawang damputin iyon dahil mukhang walang balak si Fox na huminto.
Sinubukan kong makawala sa pagkakahawak niya pero nabigo ako. Nang marating naming ang sasakyan niya ay agad niyang binuksan ang pinto saka niya ako maingat na isinakay doon. Mula sa malayo ay natanaw ko ang bodyguard at driver na nag-uunahang habulin kami.
Agad namang naupo si Fox sa driver’s seat at pinaandar ang kotse.
Nakaalis kami sa school at hindi na naabutan pa ng mga tauhan ni Daddy.
“You can’t just drag me whenever you want! Muntik na akong matalisod kanina!” Galit na galit kong sabi kay Fox habang hinihimas ang paa ko.
“Then stop wearing high heels.” Seryoso niyang sabi.
“Kidnapper!”
Tumawa si Fox ng malakas. “You’re not a kid anymore. Ang tawag dito, tanan.”
“Shut up!”
“Stop wearing high heels. I’m serious. Tanggap ko naman na maliit ka. Hindi mo na kailangang magpanggap na matangkad kapag kasama mo ko.” Walang preno niyang sabi sakin.
“Excuse me?”
“I said, you’re fine. Yung vital statistic mo, yung height mo … sakto lang. Saktong-sakto sa puso ko.” Saka siya saglit na tumingin sakin para kindatan ako.
“Ugh! Ang corny …” I rolled my eyes.
Ngumiti naman siya. “C’mon … hindi masamang ngumiti sa kakornihan ko.”
Ewan ko, bigla na lang akong napangiti ng sabihin niya yon. Yung Fox na kasama ko ngayon, ibang-iba sa Fox na kilala ko noon at kilala ng marami. He’s more serious most the time than Gunner. Gunner knows how to smile at people. Pero si Fox, ginto ang ngiti niya. He’s a Casanova pero hindi lahat nakukuha ang atensiyon niya. Kaya ang hirap-hirap niyang pagkatiwalaan at paniwalaan.
“Not too much … baka mamatay ako.”
Tumawa na ako ng malakas. “Ang korni-korni mo.”
“See … it’s not that bad to smile and laugh, right? Wala ka namang mapapala kung susungitin mo ako palagi. Kasi kahit isumpa mo ako, hindi naman ako titigil na mahalin ka.”
Bigla akong natahimik. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ako? Ano bang meron sakin? Halos lahat ng babae, siya ang gusto. Hindi niya kailangang paghirapan ang babae ng ganito. And aside from that, he will be marrying my sister soon.
Nilibot ng mga mata ko ang mga establishments na nadadaanan namin. At napansin ko na parang ibang route ang dinadaanan namin.
“Fox … saan tayo pupunta?”
“We’re almost there.”
After a few minutes, iniliko niya ang sasakyan sa isang simple pero eleganteng restaurant. Nang ihinto niya ang sasakyan sa tapat ng entrance ay agad na lumapit ang isang attendant sa tapat ko at pinagbuksan ako ng pinto.
“Sandali lang. Aalalayan kitang bumaba.”
“Ano namang tingin mo sakin? Bata?”
“Just let me do it, okay?”
Bumaba siya saka siya umikot sa side ko para alalayan akong bumaba. Bahagya siyang yumuko saka niya inilahad ang kamay niya. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin iyon.
Nang lumakad kami sa tapat ng entrance ay sinalubong kami ng iba pang mga attendants na nasa loob. Nagmamadali siyang humanay sa dadaanan namin saka sila sabay-sabay na yumuko.
“Welcome Lord and Lady Stegner.” Sabay-sabay nilang sabi.
Napalingon ako bigla kay Fox na taas-noong lumalakad kasabay ko. Hindi siya nagsasalita. Isa sa mga attendants ang nag-assist sa amin sa isang table. Walang tao sa loob ng restaurant, kami lang.
“Is this one of Mr. Stegner’s businesses?” Tanong ko kay Fox ng makaupo na kami sa nakareserve na table para sa amin.
“Yeah.” Then he sighed. “And he’ll be here soon.” He added.
“What?!”
Ngumiti si Fox sa akin. “I told him that I will introduce the girl who tamed my heart. So yeah, he would like to meet you.”
“I hate you Fox! Humanda ka sakin mamaya. Pababalatan kita ng buhay sa mga tauhan ng Daddy ko!” Pagbabanta ko sa kanya sa sobrang pagkabigla.
“And he’s actually right there, behind you, my love.” Fox winked at me.Biglang nanginig ang mga kalamnan ko ng sabihin iyon ni Fox. I’ve never met his Dad. None of us ever met him. Only our parents had meetings with Mr. Stegner and it is always in Mr. Stegner’s office in New Zeland. Wala akong idea kung gaano ka-powerful ang mukha nito pati kung paano ito magsalita at makipag-usap sa tao.
Dahan-dahang hinila ni Mr. Stegner ang upuan sa tabi ko.
“Finally, I’ll meet the girl who will break my son’s heart really bad.” Anito saka ito naupo.
Dahan-dahan kong nilingon si Mr. Stegner. His eyes seemed angry and his lips were mean. He has the most sardonic smile. But his face held an amused expression, though. Sobrang strict lang talaga ng facial features niya at napaka-powerful, yung mga tingin niya sakin pati na rin ang mga ngiti niya.
“N-nice to meet you, Sir.” Bahagya akong yumuko bago ngumiti sa kanya.
Mr. Stegner didn’t smile back. He stared at me instead as if he was assessing every details of my face.
“Dad … drop it. You were scaring her.”
“Interesting … she looked exactly like her Mother.”
Nakita kong umiling si Fox. “Unbelievable.”
“Anyway, you got ten minutes of my time, son.” Saka nito itinaas ang kamay nito. Agad namang lumapit ang attendant para ilapag ang menu sa harapan namin. “I heard about the wedding. Is it true?”
“Yes.”
“And she’s not the girl, right?”
“Yes, Dad.”
“I see … sacrificing your own happiness to make her happy.” Saka nito ibinaling ang tingin sakin. “She must be so important to you.”
“She’s my life.”
Hindi ko alam kung paano ko magsasalita o kung may karapatan ba akong magsalita. Nag-uusap sila tungkol sa bagay na hindi ko kontrolado. Or should I say, pinaguusapan nila ako.
Lalo lang nanginig ang mga tuhod ko habang nakikinig sa kanila.
“You know that I will support you in any decisions that you make. But if in any case, you need my help, you know you can always call me.”
“Yes Dad.”
Lumapit muli ang attendant para kunin ang order namin. Ni hindi ko magawang makapili sa menu na nasa harapan ko sa kaba at takot.
“How about you, young lady? What would you like to eat?” Tanong ni Mr. Stegner.
“S-sir?”
“Tigli shrimp sashimi pizza for her.” Sagot naman ni Fox.
“Let her decide, Fox. You can’t always decide for her.” Ibinaling ni Mr. Stegner ang tingin niya sakin. “Now tell me, younglady … is my son harassing you?”
“N-no Sir.” Nagkakandautal ko pa ring sagot. I am so not comfortable talking to Fox’ Dad. I can’t even think straight.
“Is he mistreating you?”
“No, Sir.”
“Then tell me why you can’t lo-“
“Dad. Please …” Fox cut in. Hinawakan niya ang kamay ko at hinimas iyon. “I’m sorry. My Dad didn’t mean to ask you those questions.”
Lumapit muli ang attendant. This time, may dala na itong isang bote ng champagne. At nanatili itong nakatayo malapit sa amin.
“O-okay lang.” Saka ko dahan-dahang inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Fox. “I’m in love with someone else, Sir.” At walang pakundangan kong sinagot ang gusto sanang itanong ni Mr. Stegner sakin.
Sumenyas si Fox sa attendant. Lumapit ito sa amin saka sinalinan ng champage ang mga flute na nakapatong sa mesa.
“Well then, thank you for breaking my son’s heart.” Nakangiting sagot ni Mr. Stegner sakin sabay kuha ng flute mula sa mesa. “You see, he will never learn and will never stop hurting every girl’s feeling unless he experiences it himself.”
“I only have a week of happiness, Dad.” Sagot naman ni Fox na para bang wala lang sa kanya ang lahat. Ngayon alam ko na kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ni Fox. Alam ko na rin kung bakit mas madalas kong nakikita ang positive side niya.“Let’s cheers to that.”
Nakangiti nitong itinaas ang flute.
Natapos ang ten minutes na inilaan ni Mr. Stegner sa amin. Kaya naman nagpaalam na rin ito. Habang tinatapos ni Fox ang pagkain niya ay hindi ko napigilang panuorin siya habang kumakain. Sobrang ingat na ingat siyang gumamit ng kubyertos pati sa pagsubo. Daig pa ang hari kung kumain.
“What are you staring at?”
“Ha?”
“Wag mo nga akong panuoring kumain.”
“Ang sensitive mo naman.”
Binitawan niya ang kubyertos saka siya sumandal sa upuan habang nakahalukipkip at nakatitig sakin. “May kasalanan ka pa sakin.”
“Ano naman ang pwede kong maging kasalanan sa’yo? Ikaw nga ‘tong kinidnap ako eh.”
“Pwede bang wag kang sumagot kapag nagsasalita ako? Palagi kang may katwiran.”
“Kasi palagi kang mali.”
“Wow! Just wow … ako pa pala ang palaging mali. Kung sinusubukan mo kayang magpaka-submissive minsan?”
“Sa’yo? No way!”
“Kung hindi lang kita mahal, iniwan na kita dito.”
Hindi ako nakasagot agad. Nangangapa ako ng pwede kong sabihin para mabago ang usapan pero walang pumapasok sa isip ko.
“I love you …” Pabulong na sabi ni Fox. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya ng diretso.
“I love you …” Pag-uulit niya sa nakakarinding salitang yon.
“I love you …”
“Ano ba?! Tigilan mo nga ako!”
Pagkasabi ko noon ay bigla siyang tumawa ng malakas. “Now I know how to make you stop.”
“Shut up.”
“I love you Lyke … I am seriously, madly in love with you.”
BINABASA MO ANG
Selfish Love [On Going]
Short Story"If you love someone, set him/her free." It is too generic, mainstream and stupid. Bakit mo naman pakakawalan ang taong mahal mo? Mahal mo nga di ba? Pero hanggang kailan ka kakapit? Hanggang kailan ka lalaban? Started : April 06, 2017 On going