CHAPTER ELEVEN

140 2 1
                                    

I wanted it to be you,

I wanted it to be you so badly."

You've got Mail







Fox Stegner:
I'll see you tomorrow, my love. Susunduin ba ulit kita? 😂

I didn't reply to his text. Binasa ko lang iyon habang papasok ako sa bahay. Hindi ko na kasi pinatuloy si Fox sa loob kasi alam kong galit sila Daddy dahil sa nangyari kanina. And aside from that, I came home late. It's already pass eight.
Nakayuko ako, halos gumagapang na, habang dahan-dahan akong umaakyat sa hagdan. Sinisigurado ko na sa bawat hakbang ko ay hindi ako makakalikha maski kaunting ingay. Katabing-katabi kasi ng hagdan ang kwarto nila. One wrong move, I'm dead. Kung bakit kasi gawa sa kahoy 'tong hagdan na 'to.

"What the hell are you doing?" Halos pasigaw na sabi ni Raven habang nakahawak sa dibdib niya. "You fvcking scared me!"

"Sssh!" Saglit kong pinakiramdaman ang paligid. "Baka marinig tayo nila Daddy!"

Raven laughed. "Wala sila dito. Baliw!"

Nakahinga ako ng maluwag bigla. "Hindi mo man lang ako sinabihan." Sabi ko kay Raven habang inaayos ang sarili ko. "Meeting again?"

"I don't know. I just told them that I want Kate Halfpenny to be my wedding gown designer. They talked to someone over the phone then voila, they left." Raven expounded.

"Spoiled-bratt." Sabi ko bago ako tuluyang umakyat. Sumunod siya sa akin hanggang sa loob ng kwarto saka siya naupo sa two-seater sofa na pinabili ko pa sa Macau.

"So, how was your date with my fiancé?"

Saglit akong natigilan sa pagbibihis ng marinig ko yung word na fiancé. It suddenly felt weird and strange. I've never felt this before. Yung pakiramdam na unti-unti kang nagiging masaya dahil unti-unti ring nawawala sa sistema mo yung sakit na ibinigay sa'yo ng taong mahal mo? Yung unti-unting bumabalik yung respeto mo sa sarili mo? Yung nakakangiti at nakakatawa ka ulit? Tapos hindi pala yun magiging permanente? Pakiramdam ko pinapahiram lang sakin ng tadhana si Fox para ihanda ang sarili ko sa mas masasakit pang pwedeng mangyari sakin.

"Just kidding." Nakangiting binawi ni Raven ang sinabi niya. "You have a week to hurt each other, right?"

"You know what, get out." Hindi ko na kasi alam anong sasabihin ko sa kanya. Bigla akong naubusan ng sasabihin. Hindi ko alam kung bakit yung mga simpleng tanong na minsan pwedeng sagutin ng oo at hindi lang. Hindi ko pa masagot. Hindi pa ako makapagdecide.

"Are you okay, Lyke?"

"I'm fine." I took a deep breath then I looked at Raven. "I'm sorry ... sobrang napagod lang ako. Gusto ko lang matulog."

"Okay. Babalik na ako sa kwarto ko." Bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ay ngumiti siya sakin. "How I wish we could both have a happy ending, Lyke. Goodnight!" She closed the door.

Napailing na lang ako sa sinabi niya. There's a hundred percent chance that you could have a happy ending Raven. Nothing is impossible with Fox.

Fox Stegner:
I'm gonna hit the sack.
Thank you for spending your time with me. Night, my love.

Speaking of. Bahagya akong napangiti ng mabasa iyon. And before I knew it, I already replied to his text.

Lyke:
Not sleepy yet.

Humiga ako sa kama habang binabasa ang mga previous messages sakin ni Fox. I never gave my phone number to him but he was able to get it from someone else. I told you, nothing is impossible with him.

Selfish Love [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon