"I vow to fiercely love you in all your forms, now and forever
I promise to never forget that
This is a once in a lifetime love."
The Vow
"How about this?" Tanong ni Fox sa akin nang lumabas siya nang fitting room. He looked gorgeous on that Giorgio Armani tux. Napaawang ang bibig ko habang pinagmamasdan ko siya. Kung iyon ang susuotin niya sa kasal nila ni Raven, sigurado akong mamamangha ang mga tao simbahan. Animo'y isinukat iyon sa kanya. Saktong-sakto, ika nga.
"It looks good on you. How much is that?" Nakangiti kong tanong.
"Around $3,000 dollars." Aniya habang pinagmamasdan niya ang sarili niya sa salamin.
Hindi ko maiwasang hindi makaramdam nang inggit. Buti pa si Fox, kahit labag sa loob niya ang pagpapakasal kay Raven ay pinaghahandaan niya ito. And he's willing to spend $3,000 dollars just for his wedding suit. Si Gunner kaya? Bukod sa saktan ang damdamin ko, ano pa kaya ang kaya niyang gawin para sakin?
"I'll get this one." Sabi ni Fox sa assistant nang boutique.
The assistant smiled and seductively bit her lower lip upon gazing at Fox. "Are you going to use your debit card? Or credit card?" Malanding tanong nito.
Nang tumingin ako kay Fox ay malawak ang pagkakangiti nito sa babae. Bakas sa mukha nito na gustung-gusto niya ang pinapakitang kalandian nang babae sa kanya. Kung wala siguro ako dito, malamang, natuhog na niya ang malanding assistant na ito.
Tumaas bigla ang kilay ko.
"Love, use your credit card."
"L-Love?" Halos sabay na sabi ni Fox at nang babae. Halatang nataranta sila sa sinabi ko.Biglang nagbago naman ang ekspresyon ni Fox. From malanding facial expression to maamong tupa face in a split second. Amazing.
"Yes, do you have a problem with that?" Tumayo ako at lumapit kay Fox. I clung to his arm and gently flipped my hair.
Naramdaman kong niluwagan ni Fox ang kurbata niya. "Ang init pala dito sa boutique niyo. Padagdagan niyo kaya nang dalawa pang aircon."Tumingin ang babae kay Fox na para bang humihingi nang saklolo.
"Oh? Ano pang tinitingin-tingin mo? Why don't you process the payment para maka-alis na kami nang fiancé ko?" Binigyang-diin ko yung fiancé para naman maabsorb nang maliit niyang utak. Lalandi pa, nakita na nga niyang may kasamang babae. Anong akala niya sa akin? Kapatid ni Fox?
"O-opo Ma'am."
Kinuha ni Fox ang credit card sa wallet niya saka niya ito iniabot sa akin. "Ikaw kaya ang magbigay?" Aniya.I took the card and gave it to the filthy assistant. Halos nanginginig ang kamay niya nang tanggapin niya iyon. Saka siya umalis para asikasuhin ang bayad namin.
Bumitaw ako sa pagkakahawak ko sa braso ni Fox. Humarap ako at tumingin nang diretso sa kanya. "Wag kang nagpapa-cute kasi hindi ka cute." Saka ko hinigit ang kurbata niya. Napaubo si Fox nang gawin ko iyon.
"Di mo naman sinabi ... sobrang selosa mo pala." He exhaled deeply, gasping for air.
"Hmp!" Inirapan ko siya saka ako muling bumalik sa kinauupuan ko. "Magpalit ka na. Pakainin mo ako. Na-stress ako sa'yo.""Yes, love." Saka siya sumaludo sa akin bago siya pumasok sa fitting room.
Pagkatapos nang malanding eksenang iyon sa boutique ay naglakad-lakad na kami ni Fox para maghanap nang restaurant na makakainan.
BINABASA MO ANG
Selfish Love [On Going]
Short Story"If you love someone, set him/her free." It is too generic, mainstream and stupid. Bakit mo naman pakakawalan ang taong mahal mo? Mahal mo nga di ba? Pero hanggang kailan ka kakapit? Hanggang kailan ka lalaban? Started : April 06, 2017 On going