CHAPTER EIGHTEEN

120 6 0
                                    

“I’m also just a girl

Standing in front of a boy

Asking him to love her.”

Notting Hill







“Ma’am?”

I tried to open my eyes but I couldn’t. Namamaga yata ang mga mata ko kakaiyak. Sobrang sakit pa ng ulo ko dahil sa puyat. Hinintay ko kasi na magmessage si Gunner. Baka sakali, this time, matuto na siyang humingi ng sorry sa ginawa niya. Pero hindi nangyari yon. Inabot na ako nang alas kwatro ng umaga kakahintay sa message niya pero wala. Napuyat ako para lang sa wala.

“W-what time is it?”

“Ala una na po ng hapon Ma’am.” Narinig kong may ipinatong si Benny sa table. “Dinalhan ko na po kayo dito ng pagkain. Alam ko pong puyat kayo.”

Pinilit kong tumayo kahit na kumokontra ang utak at ang katawan ko. Inalalayan naman ako kaagad ni Benny hanggang sa makaupo ako sa sofa.

“Pumunta ba … pumunta ba si Gunner dito?”

Alam ko na ang sagot pero nagtanong pa rin ako. Ako kasi yata yung taong hindi nauubusan nang baka sakali.

“H-hindi po Ma’am.”

Napabuntung-hininga na lang ako sa isinagot ni Benny. Ano pa nga ba kasi ang i-eexpect ko? Magmessage nga di niya magawa, yung puntahan pa kaya ako dito para lang humingi ng pasensiya? Malabo.

“Ma’am, wag po sana kayong magagalit.” Sabi ni Benny habang nakatayo pa rin sa harapan ko. Tumingin lang ako sa kanya. “O-okay lang po ba sa inyo na ganoon ang trato sa inyo ni Sir Gunner?”

Gusto kong matawa sa tanong ni Benny. “Alam mo, mas kaya kong tiisin ang kagaspangan ng ugali ni Gunner kaysa sa taong manloloko.”

“Hindi ko po alam kung anong nangyari sa love story niyo po ni Sir Fox. Pero kung ako po ikaw Ma’am, si Sir Fox po ang gugustuhin ko. Hindi po yang Gunner na yan.”

Humiwa ako ng kaunti sa pancake saka ko isinubo. “Bakit naman?”

“Kasi Ma’am yung mga tingin niya sa’yo, para bang wala ng ibang magandang nangyari at mangyayari sa buhay niya kundi ikaw lang. Hindi kagaya nung kay Sir Gunner. Parang punung-puno nang galit at pagka-irita ang mga tingin niya sa’yo. Para bang napipilitan Ma’am.”

“Hindi yon basehan Benny para masabi natin na mahal tayo ng isang tao.”

Halatang nataranta si Benny sa sinabi ko. “Ma’am pasensiya na po. Napakapakialamera ko. Ganon po kasi ako tignan nang boypren kong si Henry. Kaya po nasabi ko yon sa inyo.”

“Okay lang yon.” Ngumiti ako sa kanya.

“Ma’am last question na.” Saka siya sumenyas ng isa sa daliri niya habang nakangiti rin sa akin. Tumango na lang ako. “Masaya po ba kayo?”

Natigilan ako bigla sa pagkain.

Dati, makita ko lang si Gunner. Masaya na ako. Yung mga ngiti ko kapag nakikita ko siya, kulang na lang mapunit ang bibig ko hanggang tainga. Yung kinikilig ako pag ngumingiti siya. Pero bakit ngayon, tuwing nakikita ko si Gunner wala akong ibang maramdaman kundi takot. Takot na baka masaktan na naman ako. Baka umiyak na naman ako. Baka magmukha na naman akong kawawa at tanga sa paningin ng lahat.

Si Gunner ang definition ko ng masaya dati.

Ngayon, hindi ko na alam kung paano at ano ba talaga ang totoong masaya.

Selfish Love [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon