CHAPTER FIFTEEN

117 4 5
                                    

"When you realize you want to spend

The rest of your life with somebody,

You want the rest of your life to start as soon as possible."

When Harry Met Sally




Sunday

"Hey baby girl ... Wake up!"

I covered my face with my blanket.

Umikot ako para tumagilid.

"Too early ..." Ungot ko.

Bree sat down beside me. Saka niya inalis ang kumot na nakatakip sa mukha ko. "Too early ka diyan. It's already ten o'clock in the morning noh."

Antok na antok pa ako.

Paano ba naman kasi, sobrang late na ako nakatulog kagabi. Naubos ko na yata lahat nang posisyon para makatulog pero ayaw talaga akong dalawin nang antok.

"Is your AC set to negative one? Sobrang lamig."

"Hindi ka pa sanay?" Naupo ako saka sumandal sa headboard nang kama. "Ganitong-ganito kaya kalamig ang love life mo."

She glared at me. "Nakakahiya naman sa'yo."

I laughed.

Bree and I never had a boyfriend. Hindi dahil walang nagkakagusto sa amin o masyado kaming choosy. Nagkataon lang na yung pinangarap naming maging boyfriend, hindi kami yung gustong maging girlfriend. If I am blindly inlove with Gunner she was awfully inlove with Fox.

Yes.

Bree was into Fox. She was so damn in love with him.

Pero tinanggap na niya ang pagkatalo niya. She accepted the fact that Fox would never like her. Isang iyak lang yan. That was the last words she said nung sinabi ni Fox sa kanya nang diretso na hindi siya nito gusto. That was like three years ago. And until now, she wasn't entertaining any admirer. Siguro dahil sobra siyang nasaktan, ayaw nang tumibok ulit nang puso niya sa lalaki.

Hindi ko naman kasi masabing gusto pa rin niya ito.
Kasi hindi ko na iyon makita pa sa mga mata niya.

At isa rin iyon sa mga rason kung bakit galit na galit ako kay Fox.

Sinaktan niya nang sobra ang kaibigan ko sa tatlong salita lang na, hindi-kita-gusto.

"Bakit ka ba nagpunta dito?" Tanong ko.

"Someone ditched her class yesterday. So, I guess she owe me an explanation, why."

I just simply smiled at her.

"I know that smile ..." She pointed her finger at me. "Nagsex kayo, ano?"

"What?!" Napaigtad ako sa sinabi niyang iyon.

She laughed boisterously.

"Oh my gawd, Bree. You are such a crazy bitch." Sabi ko habang nakaawang pa rin ang bibig ko sa pagkagulat.

"I was just messing with you." Sabi niya habang hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.

"Pakisabi nga kay Benny sa intercom na ipagtimpla ako nang kape. Tapos pakidala dito. Please, bago kita masabunutan." Sabay irap ko sa kanya.

Ginawa naman ni Bree ang iniutos ko.

Nang dalhin ni Benny ang dalawang tasa nang kape sa kwarto ko ay agad namang naupo si Bree sa sofa. Kaya napilitan akong tumayo mula sa kama.

Selfish Love [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon