CHAPTER NINE

172 4 3
                                    


“Well, that’s what we do, we fight

You tell me when I am being an arrogant son of a bitch

And I tell you when you are a pain in the ass.

Which you are, 99% of the time.”

The Notebook






‘Hey girl, you know you drive me crazy
One look puts the rhythm in my head
Still I’ll never understand why you hang around
I see what’s going down!’

My phone rang for the nth time. Sobrang inaantok pa talaga ako pero wala akong magawa. I need to get up and prep for my first class. Kung hindi, late na naman ako.

‘Do you feel like a man when you push her around?
Do you feel better now as she falls to the ground?’

“Shut up!” Sabi ko sa phone ko bago ko dinecline ang call. It was Fox and he was trying to reach me for fifty-seven times now. Tatayo na sana ako para pumunta sa banyo at maliligo ng biglang magbeep ang phone ko.

Fox Stegner:
Finally, you woke up. I’ll be there in 30 minutes. See you.

Ugh! Ang hirap talagang maging maganda. Lalo na kung hindi yung lalaking gusto mo ang nakaka-appreciate ng ganda mo. Nakakasira ng umaga. You just have to tolerate his existence for a week, Lyke. Just for a week. It will be over soon. There will be a lifetime happiness waiting for you. Soon enough, you will be a Della Vega - Mrs. Della Vega.

That self-motivation was enough to make my day.

I went to the bathroom to take a cold shower. Pakiramdam ko kasi kailangan kong matauhan dahil kagabi pa binubulabog ng mga katanungan ang isip ko. Mga tanong na hanggang ngayon binubulabog pa rin ako dahil hindi ko pa rin alam kung ano ang kasagutan o kung ano ba ang magagawa ko o dapat kong gawin.

Paano kung hindi talaga pumayag si Gunner sa kasal?

Paano kung sa halip na pag-aralan niyang mahalin ako, lalo niya akong kamuhian?

Paano kung habang buhay niyang ipamukha sa akin na kahit kailan hindi niya ako mamahalin at kayang mahalin?

Paano kung maging failure ang marriage namin?

Paano kung maging masaya si Raven kay Fox?

Paano kung lahat ng ginagawa ni Fox sa akin ngayon, pagmamahal at atensiyon ay mabaling na kay Raven?

Teka, bakit biglang napasok si Fox sa mga tanong sa isip ko? Parang mali?

Napailing na lang ako habang tinutuyo ng puting towel ang katawan at ulo ko. Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ko ang sarili ko. Then I just found myself nodding. They we’re right. I’m an exact opposite of my sister. She’s tall and I’m not. Well it’s not because she’s the eldest but because she was like five inches taller than me? She’s five foot and five inches tall tapos ako five flat? Nasaan ang hustisya sa height?

Maputi si Raven. Morena ako.

Makapal at bagsak ang buhok ni Raven. Ako naman nagka-curl sa dulo. I can’t say that it’s wavy coz it’s not. Yung pagka-curl ng buhok ko nasa uso. Ganon.

Nang matapos na ako sa mga seremonyas ko sa katawan ay agad na akong nagbihis at lumabas ng kwarto. Habang bumababa ako ng hagdan ay nasalubong ko ang isa sa mga maid namin - yung baby sitter ni Raven. Baby sitter kasi tig-isa kami ng maid. Walang pwedeng umasikaso sa amin ni Raven kundi sila lang.

Selfish Love [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon