Chapter 2

242 5 2
                                    

Chapter 2

Hi at Hello

Aya chill ka lang. Nasabi ko sa sarili ko. Napatingin ako sa mga friends ko at halata sa mukha nila ang gulat.

Ang magaling magdrawing at ang tsinito kong classmate ay walang iba kundi si Timothy Michael Espiritu. O.M.G.

Pinagpatuloy ng prof namin ang pagroll-call. Kanina pa ako di mapakali. Di ko alam pero kinakabahan ako. Hala ano bang nagyayari sa akin. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

Nagturo na ang prof namin. Wala akong maintindihan sa lesson kasi sobrang aware ako sa taong nasa likuran ko. Halos di ako makakilos.

Nang natapos ang klase, at naglabasan ang mga estudyante sa room saka pa lang ako nakahinga.

"Aya! Sya pala yun!" excited na sabi ni Sera. "Grabe di lang sya gwapo, talented pa."

"Oo nga. Ang galing ano?" sambit naman ni Thea.

"Bez, ok ka lang ba?" puna ni Ara sa akin. "Bakit para kang natulala dyan?"

"Ha? Ah, eh.. oo tama magaling nga sya." sang-ayon ko sa sinabi nila.

"Hmm, crush mo yun no?" nakangising sabi bi Thea. "Pansin ko kanina, di ka kumportable sa upuan mo eh. Kinakabahan ka ano?"

At tuluyan syang natawa.

"H-ha? Hindi ah. Kayo talaga. Hanga lang ako dun sa tao." sagot ko. "Tara na nga sa canteen. Ginutom ako eh."

Sumunod naman ang tatlo at di na nang-asar pa.

Simula noon, palagi ko nang inaabangan ang release ng publication namin hindi lang para basahin iyon kundi para tingnan ang mga drawings nya.

End of Flashback

Tiniklop ko na ang dyaryong hawak ko at sabay na kaming nagpunta sa assigned offices namin. Wala kasi kaming prof sa isang subject namin kaya nagduty na lang kami. Scholars kami ng mga kaibigan ko at in exchange for that, we need to render hours sa mga assigned offices namin. Student assistants ang tawag samin or SA.

Normal pa din naman ang college life ko. Ginagawa ang mga daily routines ng isang estudyante. Aral, gala with friends, aral, duty. Pero nadagdagan yun ng espesyal na gawain, yun ang maghintay ng release ng dyaryo.

Napansin ito ng mga kaibigan ko at inasar ako na crush ko daw si Espiritu. Panay naman ang tanggi ko. Nagagandahan lang talaga ako sa mga gawa nya.

Pero di ko napansin na inaabangan ko na rin ang biology class namin. Excited ako at palaging inaasam na sana nandun sya.

Hindi ko sya nakakausap maliban na lang pag nag-aabot ng mga test questionnaires during exams.

Tahimik syang tao. Di masyadong madaldal. Pero active sa class recitation. Matalino sya in short. Meron syang constant group of friends like me. Kung sya nasa publication, yung dalawa naman nyang kaibigan ay kasali sa university dance troupe. Ang galing di ba? Talented sila lahat.

Kami naman ng mga friends ko, napasali sa student council ng course namin.

Finals na namin ngayong first year sa college. Di ko na ulit sya classmate. Parang nalungkot ako nung naisip ko yun.

At dahil nga matalino sya, exempted sya sa final exams. Ako eto, kelangan ko mag-exam. Di kasi umabot yung grade ko para ma-exempt. Kulang ng ilang points. Sayang, kala ko makikita ko sya.

Second Year.

Muli, napasali kaming magkakaibigan sa student council ng course namin. Parang ito yata ang calling ko. Gusto ko sanang sumali sa school publication kasi hilig ko rin talaga ang magsulat kaso baka di ko na makayang pagsabay-sabayin ang academics at council works.

Medyo demanding din kasi sa time ang council lalo na pag may mga events kami. Ako ang na-elect bilang business manager kaya naman ako ang nakikipag-coordinate sa mga offices para sa mga permits para sa activities ng council namin.

Ganon pa rin ang ginagawa ko; inaabangan ang mga drawings nya sa The Herald.

Nakakasalubong pa rin namin sa hallway sina Timothy kasama ang mga barkada nya. Friendly naman sila kaya binabati nila kami pag nakikita nila kami. Tanda pala nila na naging kaklase namin sila sa biology last semester.

Nakasanayan na namin na magbatian kahit simpleng hi at hello lang. Masaya naman ako sa tuwing nangyayari yun.

Pero may isang pangyayari sa second year ko bilang college student na di ko malilimutan.

Nawalan ako ng isang malapit ng kaibigan.

How Do I Unlove You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon