Believing
Iba pala sa pakiram kapag di ka tumatakas. Kapag di mo pinipigilan ang nararamdaman mo.
I feel so much alive. Mas sumigla ako na naging kapansin-pansin sa mga kaibigan ko at kasamahan ko sa council.
Finally, nasabi ko na kina Ara at Sera ang pinagdadaanan ko. I told them everything.
"Sigurado ka na ba talaga Aya?" tanong ni Sera. "Baka naman infatuation lang yan. Baka masaktan ka lang."
"Naniniwala ako na may pag-asang magustuhan nya ako." pagpupumilit ko. "Di nyo ba narinig ang mga sinabi ko kanina? Bakit pa nangyari lahat yun di ba kung wala syang gusto sa akin?"
"Alam namin bez na nakakakilig talaga lahat yun." sagot naman ni Ara. "Pero wala naman syang sinasabi na gusto ko rin nya di ba? Baka masaktan ka bez."
"Maniwala tayo, ok?" masayang sabi ko. "Basta ako, I believe na posible."
Napabuntong hininga na lang ang dalawa. Wala ng makakasira pa sa kaligayahan ko.
Routine na naming magkakaibigan na magmeryenda sa central canteen after ng lahat ng mga klase namin. Payatot kaming tatlo kaya ok lang magtakaw.
Nakita namin si Timothy na naglalakad at naglakas-loob akong tawagin sya.
"Timothy." tawag ko. "Gusto mo bang sumabay sa amin magmeryenda?"
Tiningnan nya kung sino ang kasama ko.
"Oh sige ba." sagot nya. "Medyo nagugutom na rin nga ako."
Habang nagkakape kaming apat at kumakain ng cake, isang katahimikan ang bumalot sa amin.
Nagpapakiramdaman kaming lahat.
"Ah Timothy, tapos na rin ba ang klase mo?" basag ko sa katahimikan.
"Hindi pa eh." sagot nya. "May 5-7 class pa ako."
"Talaga? Gabi na pala kayo matatapos." sabi ko. "Kami din may 5-7 kaso TTH ang schedule namin."
"Ehem!" si Sera. "Nandito pa kami. Hello."
"Ah, hehe.." napangiti ako. "Gusto nyo pa ba ng cake? Kukuha pa ba ako?"
"Ok na to bez." sagot ni Ara. "So Timothy, kumusta ka naman?"
Napatingin ako kay Ara. Nakakaloka itong dalawang to. Kulang na lang kainin ng buhay si Timothy.
"Ok lang naman Ara." sagot ni Timothy. "Medyo busy sa org."
"Anong plan mo pagkagraduate?" tanong naman ni Sera.
Pinandilatan ko ang dalawa. Bakit ba ganon sila kay Timothy.
"Baka magturo ako." matipid na sagot ni Timothy.
"Ah, Timothy." sabi ko. "Pasensya ka na sa dalawang yan ha."
Nginitian lang nya ako at tumango na parang sinasabi na ok lang.
Nang matapos kaming magmeryenda, sabay-sabay na kaming naglakad. Malapit kasi sa building namin ang gate.
Pinagitnaan ako nung dalawa habang naglalakad. Nasa likod naman namin si Timothy.
"Pasaway talaga kayong dalawa." sabi ko sa dalawa. "Nakakahiya tuloy kay Timothy. Baka sabihin nun niyaya ko syang magmeryenda para ihot seat nyo."
"Bez, tiningnan lang naman namin kung dapat nga kaming maniwala sa kanya." paliwanag ni Ara.
"Pero wala kaming nakuha sa mga sagot nya." sambit naman ni Sera.
"Alam nyo girls, thankful ako kasi nag-aalala kayo saken." sabay akbay ko sa dalawa. "But I know what I'm doing. Gusto ko talaga sya."
"Hay, ano pa nga bang magagawa namin." sabi ni Ara. "But don't say na di ka namin pinigilan ok?"
At sabay-sabay na kaming natawa. Nilingon ko si Timothy at masaya syang nakatingin sa amin.
BINABASA MO ANG
How Do I Unlove You?
RomancePaano mo ba magagawang alisin ang pagmamahal mo sa isang tao? Lalo na kapag alam mong wala ng pag-asa? Kaya natanong mo na lang sa sarili mo... How do I unlove you? NOTE: Some parts were based on true to life story.