Chapter 6

178 6 3
                                    

Chapter 6

College day


Panibagong araw na naman sa aking makulay na college life. At syempre isang tao lang ang dahilan nito.

"Hi." bati nya sa amin ng mga friends ko sabay high five saken. Sa akin talaga? Emeged!

"Uy, kayo pala." nakangiti kong sabi sabay salo sa high five nya. Nagkatinginan sina Sera at Ara.

Nang nakaalis na sina Timothy.

"Huy bez, hmmm. Ano yun ha?" tanong ni Ara.

"Alin? Yun ba? Dati pa naman nila tayong binabati ah." sabi ko na napapangiti din.

"Sabi na nga ba, may tama ka dun eh." komento naman ni Sera na nakangisi. Medyo nakarecover na sya after what happened.

"Hay, ok panalo na kayo. You got me." pag-amin ko. "Yes, crush ko sya and kayo lang ang nakaka-alam."

Nag-apir ang dalawa kaya natawa na lang kami.

Di pala ito biro kapag nasa student council. Kasi responsibilidad mo ang mga estudyante. Nakakakaba pero at the same time masarap sa pakiramdam lalo na at successful ang mga activities ng council.

Mas lalo akong naging busy pero di pa rin lumilipas ang araw na napapangiti ako sa tuwing nakikita ko sya.

"Nakangiti ka na naman." sabi ni Ara.

Kasalukuyan kaming nagmemeryenda sa isa sa mga kubo sa tapat ng building namin. Ito ang nagsisilbing student lounge. Busy naman sa pagkain si Sera. Sinundan nya ang tinitingnan ko. At hayun, ang grupo nina Timothy sa katabing kubo namin.

"Kaya naman pala eh." sabi ni Sera.

Napailing na lang dalawa. Alam nila kung anong nararamdaman ko. Gusto ko talaga si Timothy at habang tumatagal, mas lumalalim ang nararamdaman ko.

Isa sa mga special events sa school namin ay ang pagdiriwang ng college day. Bawat college tulad ng College of Education, College of Engineering, College of Business Administration, College of Science, College of International Hotel Management at College of Liberal Arts ay may isang araw na nakatalaga upang magdiwang at magkaroon ng iba't ibang activities para sa mga estudyante.

Para sa college namin, nagkaroon ng program kung saan nagtanghal ang mga performing organization. May mga nagsayaw, may kumanta at may nagdula-dulaan.

Isa rin sa mga activity ay ang pagkakaroon ng libreng face paint para sa mga estudyante. Isa sa napiling artists ay ang kaklase ko at syempre si Timothy.

Bilang miyembro ng council, abala kami sa pagsigurado na lahat ay nasa ayos. Sound system. Program. Pagkain.

Ako ang nakatoka sa pagkain. Binibigyan namin ng libreng pagkain lahat ng estudyante sa college namin. Nakapwesto naman ang libreng face paint malapit sa table ng pagkain.

Kitang-kita ko kung gaano kahaba ang pila sa harap nya para magpaface paint sa kanya. Naloloka ako.

Ganon ba talaga sya kasikat? Kinikilig pa ang mga nakapila na napansin kong puro babae.

"Hmm, ang leeg mo. Baka magkastiff neck ka dyan." di ko napansin na lumapit na pala sa tabi ko si Ara.

"Ha? Anong sinasabi mo bez?" biglang lingon ko sa kanya. "San ka ba galing? Ang daming tao dito kanina, wala akong katulong sa distribution ng pagkain."

"Naku, I'm sure naman kinaya mo bez. May inspiration sa tabi eh. Hahahaha" biro nya.

Gusto ko siyang bigyan ng pagkain kasi lunch na di pa sila kumakain. Binigyan na ni Ara ng pagkain ang kaklase namin.

"Oh bez, ano pang hinihintay mo dyan? It's your turn." Habang inaabot saken ang isang paper plate na may pagkain.

"Ha, anong my turn?" takang tanong ko.

"Ano pa, eh di bigyan mo na ng pagkain si Papa Tim." kinikilig na sabi nya."Tingnan mo naman oh, kawawa naman sya. Di pa kumakain. Baka malipasan yan, sige ka."

Binigay nya na saken yung paper plate at tinulak ako papunta sa table nina Timothy.

"Ah, ahm...Excuse me." sabi ko habang hinihintay na tumingin sya saken. Busy pa rin sya sa pagface paint. "Ano kasi, dinalhan na kita ng pagkain kasi ililigpit na namin yung mga pinaglagyan ng pagkain. Saka lunch na baka malipasan kayo ng gutom."

Binaba nya ang hawak nyang brush at kinuha ang dala kong plato.

"Salamat, Aya." Dahan-dahan syang ngumiti.

EMEGED! Pwede bang sumigaw? Shet parang gusto nang lumabas ng puso ko at magtatumbling-tumbling.

Grabe, di ako makahinga. That's a freakin' genuine smile!

At para sa akin lang yung ngiti na yun! Shet na malagkit!

How Do I Unlove You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon