Goodbye
Ilang araw na ang nakalipas mula ng mag-usap kami ni Timothy. Sa totoo lang namimiss ko na sya.
At dahil nasaktan ako, napatunayan kong mahal ko na nga talaga sya. Kaya nahirapan akong tanggapin na maaaring may gusto syang iba.
Nalalapit na ang graduation namin. Matapos na kaya ang paghihirap ko pag umalis na ako sa school?
"Bez, may isusuot ka na ba sa baccalaureate mass natin?” tanong ni Ara.
"Ha? Oo bez meron na." matamlay kong sagot.
"Hay, si Timothy pa rin ba?" tanong ni Sera. "Kalimutan mo na sya Aya. Pinaasa ka lang naman nun eh. Hindi sya nag-iingat sa mga kilos nya. Di mo naman kasalanan na mag-assume eh."
Tinapik ni Ara si Sera.
It’s not assuming. It’s hope. Gusto ko sanang sabihin sa kanila pero sinarili ko na lang. Alam kong gusto lang nila ang makakabuti para sa akin.
"Tama na Sera, nahihirapan na nga si Aya eh." saway ni Ara. "Suportahan na lang natin sya at icomfort, ok?"
Tumango naman si Sera sa pagsang-ayon.
Dumating ang araw ng graduation namin.
This is it Aya. Finally, tapos na. Simula na ng panibagong buhay mo. Pwede mo ng kalimutan ang di magagandang alala-ala mo dito sa university. Dalhin mo lang yung puro masasaya at magagandang memories.
Naging emotional kaming magkakaibigan kasi magkakalayo na kami. But it doesn't mean na tapos na rin ang pagkakaibigan namin.
Nakita ko si Timothy kasama ang family nya. Naroon din ang mga close friends nya. Marami ang nagpakuha ng picture kasama sya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglapit sa kanya nung bruhildang babae na yun.
Sorry naman sa kanya pero di ko mapigilan ang mainis sa kanya. Alam ko wala akong karapatan na magalit at magselos. Pero mahal ko ang taong palagi nyang nilalapitan.
"Oh bakit biyernes santo ang mukha mo?” tanong ni Kuya Eddie. "Graduate na tayo kaya dapat masaya ka."
"Wala kuya, may nakita lang akong ahas." Di ko napigilang sabihin.
"Ha? ahas? Saan?" Gulat na tanong nya. "Delikado yun."
"Delikado talaga kuya." sagot ko. "Pero wala na. Baka umalis na." habang nakatingin pa rin ako kay bruhilda na busy sa pagpapapicture kay Timothy. Napakamot na lang sa ulo si kuya.
Nagpasya na kaming umuwi ng family ko after magpaalam sa mga kaibigan ko.
"Ahm, Aya." may tumawag saken. Si Timothy pala. "Pwede ba tayong magpapicture?"
Tiningnan ako nina Ara, Sera at Kuya Eddie. Hindi ko alam ang sasabihin para makatanggi. Pero last na naman ito.
"Oh, okay sige." pagpayag ko. Nagulat pa ako ng umakbay sya saken. Kung normal na araw ito, tiyak kikiligin ako. Kaso matapos kong makita si bruhilda, hindi ko na magawa pa yun. Naiinis talaga ako.
"Thank you ha. And congrats nga pala." bati nya. "Goodluck sa career mo."
"Same to you." Matipid kong sagot.
Ito na ang huli nating pagkikita Timothy. Nasaisip ko. Dahil sayo, naging memorable ang college life ko. Thank you for teaching me how to love.
Now, how do I unlove you?
I hope magawa ko. Goodbye.
BINABASA MO ANG
How Do I Unlove You?
RomancePaano mo ba magagawang alisin ang pagmamahal mo sa isang tao? Lalo na kapag alam mong wala ng pag-asa? Kaya natanong mo na lang sa sarili mo... How do I unlove you? NOTE: Some parts were based on true to life story.