Chapter 32

145 6 3
                                    

We Belong Together

Ilang buwan na rin simula ng naging kami ni Timothy. Natatandaan ko pa kung paano nagulat ang mga magulang ko ng sabihin ko iyon sa kanila. Pero tinanggap rin naman nila si Tim kasi nakita nila kung gaano ito kabuting boyfriend sa akin.

Umiyak ako ng bongga ng araw na bumalik sya sa Cavite. Para kasing bitin eh. Kakareconcile pa lang namin tapos kelangan na ulit naming maghiwalay. But he promised that he will come back

Hindi naging madali para sa amin ang mga unang buwan namin in a relationship. Magkalayo kasi kami. But I really appreciate his efforts. Lumuluwas sya sa probinsya namin basta may pagkakataon sya. Sinisikap nyang makasama ako lalo na sa mga espesyal na okasyon.

At ganon din naman ako. Everytime na may seminar or meeting ako sa Manila, I make sure na dumadaan ako para imeet sya. May mga times na hindi kami nagkakasundo pero mas nangingibabaw ang love namin sa isa't isa.

Lumipas pa ang maraming buwan at taon. Makikita sa mga mukha namin ang contentment sa aming relasyon. It's been three years already.

Gulat na gulat ang mga college friends ko especially my councilmates nang malaman nila na nagkatuluyan kami ni Timothy.

"Grabe gurl, happy ending pala talaga kayo. I'm so happy for you sobra." Si Ate Libby.

"Sa wakas dude, nagkalakas ka rin ng loob na magtapat." Pagbibiro naman ni Harold.

Nagkaroon kasi ng alumni homecoming kaya nagkita-kita kaming lahat.

"Yes, and I'm the happiest man having this wonderful girl beside me." And he lovingly looked at me. I smiled at him.

Kinilig naman ang mga kaharap namin at lalo pang nanukso. Inala-ala namin ang mga moments namin noong college. Naroroon din ang mga kaibigan kong sina Ara, Sera at Kuya Eddie.

Ang sarap isipin na masaya sila para sa amin. It's actually a miracle when someone you love, loves you back. For me, it's a very surreal thing that can happen to anyone.

In those millions of people, there's this one person na nilaan ni Lord para sa iyo. Yung mamahalin ka at mamahalin mo rin.

"Hon, you okay?" tanong ni Tim sa akin. Hindi ko namalayan na napatulala na naman ako. "You still have your own world, huh?" at kinurot ko na naman sya. Palagi na lang akong inaasar nito. He kissed my forehead.

"Naisip ko lang kung gaano ako kaswerte kasi God gave me this chance na mahalin ka at mahalin mo rin ako." I explained.

"I know. Kaya nga palagi akong nagpapasalamat sa Kanya, kasi hindi nya hinayaang kimkimin na lang natin ang nararamdaman natin." Malumanay naman niyang paliwanag.

Matapos ang event na iyon, umuwi na rin ako. Ayaw pa sana akong payagan ni Tim kasi namimiss na daw agad nya ako. Kaso hindi ako pwedeng mawala sa trabaho.

Nang dumating naman ang Monday, nagulat na lang ako kasi nasa office sya looking as handsome as ever while holding a very beautiful bouqet of white roses. My favorite.

Halos mapaluha naman ako sa sweet gestures ng mahal ko. Mahilig talaga itong magsorpresa. Sabi kasi nya, baka hindi sya makarating sa birthday ko kaya inagahan na nya ang celebration para makasama ko pa rin sya.

"Aww, ang sweet naman ng jowa mo gurl." Si Hailey.

Yes, super sweet nya. And I'm so glad that he's mine.

We really belong together.

How Do I Unlove You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon