Comfort
Nabalitaan kong wala na ang kaibigan nilang si Thea. Siguradong malungkot si Aya ngayon.
Kapag nakikita ko sila ng kaibigan nya, pinipilit ko ang sarili kong lapitan sya. Palaging malungkot ang mukha nya.
"Dude, absent sina Aya ngayon." balita saken ni Harold. "Pumunta daw sila ng Laguna para sa libing ni Thea."
"Salamat Harold." sagot ko.
Hinintay ko silang bumalik. Ilang araw ko rin syang hindi nakita.
"Pumasok na ba sila?" tanong ko kay Harold. Madami kasi itong koneksyon sa school namin.
"Hindi pa, baka daw bukas pa." sagot nya.
Hindi ko mapigilan na hindi sya isipin. Alam kong nahihirapan silang magkakaibigan. Kahit ako, pag ako ang nawalan ng malapit na kaibigan baka di ko din kayanin.
"May good news ako sayo!" malayo pa lang naririnig ko na si Harold.
"Ang ingay mo Harold." saway ko. "Nasa library tayo oh."
"Ay, hehe sorry." at umupo na sya sa upuan sa tapat ko. "Good news dude. I heard from the our adviser na next week na ang recollection natin sa Batangas at guess kung sino kasabay natin?"
Nambibitin pa itong kaibigan ko, kahit kelan talaga.
"Sina Aya!" napalakas na naman ang boses nya kaya agad ko syang sinaway.
"Hinaan mo nga boses mo." ang kulit talaga nito eh. "Baka may makarinig sayo."
Natuwa ako sa nalaman ko. Excited akong dumating ang araw ng recollection namin. Makikita ko na ulit sya.
Recollection Day.
Nakablack silang magkakaklase. Nagluluksa pa rin sila. Hinanap ko agad si Aya.
Hindi man lang sya ngumingiti. Hinanap ko kung saan sya nakaupo. Malapit nang magsimula ang opening mass kaya binilisan ko ang paglalakad.
Nakayuko sya kaya di nya ako napansin.
"Ok ka lang?" nagulat na lang ako na yun ang lumabas sa bibig ko. Ang engot mo naman Timothy. Syempre hindi sya ok.
Dahan-dahan lang syang tumango.
"Salamat." matipid na sagot nya.
BINABASA MO ANG
How Do I Unlove You?
RomancePaano mo ba magagawang alisin ang pagmamahal mo sa isang tao? Lalo na kapag alam mong wala ng pag-asa? Kaya natanong mo na lang sa sarili mo... How do I unlove you? NOTE: Some parts were based on true to life story.