Revelations Part 2
The girl was you.
The girl was you
The girl was you.
Paulit-ulit kong naririnig sa utak ko ang sinabi ni Ara.
She said wala namang silbi kahit sinabi nya lahat ng iyon saken. It's just that I needed and deserved to know daw.
The girl was me. All those years na akala ko one-sided love ang nararamdaman ko, yun pala may katapat ang lahat ng iyon?
Agad kong binuksan ang facebook account ko at hinanap si Harold. Bakit ba kasi ang drama ko noong graduation? Nadelete ko tuloy si Timothy as my FB friend. Wala tuloy ako kahit anong balita sa kanya.
[Harold, pwede ba tayong magkita? Please? It's important.] - ako
[Uy, Aya! Long time no see... and talk. I guess alam ko na kung ano ang gusto mong pag-usapan but sure, let's meet up.] - Harold
Nagset kami ng date at place para sa meeting namin. Wala akong number ni Timothy and hindi ko rin sya friend sa facebook. Baka malaman ko kay Harold.
Dumating na ang araw ng pagkikita namin ni Harold. Medyo kinakabahan pa ako kasi hindi ko alam kung ano ang mga posible ko pang malaman about Timothy. I admit kahit dalawang taon na ang lumipas, hindi ko pa rin sya nakakalimutan. He's my first love after all.
"Oh Aya, andyan ka na pala?" tawag saken ni Harold. Nauna kasi akong dumating sa kanya sa meeting place namin. "Sorry ha? Traffic eh."
"It's ok." Sagot ko. "Alam kong alam mo ang dahilan ng pagkikita natin ngayon. Let's get straight to the point, Harold. Gusto ko talagang malaman ang lahat, ang totoo."
Matagal bago nakasagot si Harold. Parang iniisip nya kung tama bang nakipagkita sya sa akin.
"Hindi ko alam kung dapat ba na ako ang magsabi nito sa'yo." Pagsismula nya. "But I guess, ito ang kailangan ninyong dalawa."
Ikunuwento lahat sa akin ni Harold. Sa kanya pala nagsasabi si Timothy ng lahat ng mga saloobin nito.
Hindi ko namalayan na unti-unti na palang pumapatak ang mga luha ko.
I was so wrong. I should've told him how I really feel during those times. Hindi na sana kami naghirap pareho. Tuloy-tuloy na ako sa pag-iyak.
Hindi naman magkaintindihan si Harold kung papaano ako papatahanin. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao. Syempre, isang babae ang umiiyak sa restaurant.
"Aya, tumahan ka na." Pag-alo saken ni Harold. "Baka isipin nila pina-iyak kita. Please Aya."
"Sorry, it's just that hindi ko na talaga mapigilan." Sabi k okay Harold. "Kung pwede ko lang sanang ibalik ang nakaraan."
Tinanong ko kung may contact pa ba sya kay Timothy kaso hindi rin nya alam kung ano na ang nangyari sa kaibigan nya. Ilang buwan na rin pala silang walang communication.
Mababakas rin sa mukha ni Harold ang panghihinayang. Kasi naging duwag kami ni Timothy. If only we took the courage to express and tell our feelings to each other.
God I miss Timothy. I want to tell him that I still love him after all these years.
But it's too late.
BINABASA MO ANG
How Do I Unlove You?
RomancePaano mo ba magagawang alisin ang pagmamahal mo sa isang tao? Lalo na kapag alam mong wala ng pag-asa? Kaya natanong mo na lang sa sarili mo... How do I unlove you? NOTE: Some parts were based on true to life story.