Sportsfest
"Umuwi ka na Aya." pagpupumilit nya. Sasagot pa sana ako. "Para may kasabay ako."
Natigilan ako. Ano daw? Anong sinabi nya? Gusto nya akong makasabay?
Nananaginip yata ako. Palihim kong kinurot ang sarili ko. Napangiwi ako sa sakit kaya ibig sabihin totoo lahat ito.
"Tara na. Isara mo na yang office nyo." Natauhan ako ng muli syang magsalita.
"Tawagan mo na lang ang president nyo at sabihin mong umuwi ka na."
Di ko namalayan na ginagawa ko na pala ang sinabi nya. Masyado pa rin ako gulat sa mga pangyayari.
Matapos kong makausap si Ate Libby at maisara ang office, nagyaya na muli syang umuwi.
Sabay kaming naglakad palabas ng school. May mangilan-ngilan pang estudyante kaya naman di na naman maiwasang pagtinginan kami.
Siya na ang pumara ng jeep para sa amin at magkatabi pa kami sa upuan. Hindi ako halos makapagsalita.
Nag-echo yung kanta ni Yeng Constantino.
Ayaw ko nang pumara kahit san mapunta
Ayaw ko nang pumara kung ikaw ang kasama
Ayaw ko nang pumara
Ayaw ko nang pumara
Napapangiti ako kaso di naman ako makagalaw. Aya, umayos ka. Para kang robot. Sabi ko sa sarili ko.
Muntik pa akong lumampas dahil sa kabaliwan ko. Bago ako bumaba sa subdivision na tinitirhan ko, muling nagsalita si Timothy.
"Dyan pala ang sa inyo. Sige, ingat ka." at nakangiting kumaway sya sa akin.
Para akong lumulutang pagdating ko sa bahay. Dumeretso ako sa kwarto at nagtakip ng unan.
"YaaaaHhhhh!!" di ko na napigilan ang sarili ko at sumigaw. Grabe, sobrang kilig ko.
Halos di ako nakatulog ng gabing iyon. Kaya naman ang laki ng eyebag ko kinabukasan.
Pagdating ko sa school, tanong ng tanong sina Ara at Sera kung bakit daw ganon ang itsura ko. Di ko pa masabi sa kanila kasi hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa nangyari.
Lalo akong ginanahan sa pag-aaral, sa paggawa ng council works at pagduduty. Tama nga si Ara, battery ko nga si Timothy. Ganito pala talaga pag inspired.
Dumating ang pinakahihintay na sandali ng mga estudyante - ang Students Week. Isang linggong selebrasyon ito na isinasagawa kada taon.
Pinapayagan ang mga estudyante na magcasual wear at hindi muna mag-uniform. May mga programa rin kada kolehiyo na inihahanda para sa mga estudyante nito.
Isang bazaar ang naisip naming gawin para sa college namin. Tutal malapit kami sa student lounge - sa mga kubo, ito ang naisip namin para magkaroon sila ng pagkakataong makapagmeryenda at makapamili habang nanunuod ng mga inihanda naming palabas para sa kanila.
Kasama rin sa selebrasyong ito ang sportsfest kada kolehiyo. May mga sports tulad ng volleyball, swimming, badminton at table tennis.
Para sa unang laban ng volleyball, kami ni Ate Libby ang naka-assign para nagfacilitate. Pumunta na kami ng gym para maghanda.
Unti-unti na ring dumarating ang mga manunuod sa unang laban. Public Administration vs. Communication Arts.
Maya-maya pa dumating na rin ang mga players.
Isa-isa ng tinatawag ang mga manlalaro nang isang humahangos na Timothy ang dumating.
"Sorry po nalate ako." Paumanhin nya sa mga kasamahan nya. At saka lumingon sa gawi namin.
Naglalaro pala sya ng volleyball? Tanong ko sa sarili ko. Wow! Panibagong kaalaman na naman tungkol sa kanya.
Nakita kong nakangisi na naman si Dino. I couldn't help but roll my eyes. Adik talaga yun. Subukan lang nya akong ipahiya ngayon, talagang lagot sya sa akin.
Nagsimula na ang laro. Alam ko dapat hindi ako bias, as a student council officer. But I can't help but to root for him. Syempre, palihim lang.
In fairness ang galing nya maglaro. Nawili ako sa panunuod kaya nakalimutan kong ihanda ang mga refreshments ng mga players.
"Aya, yung mga refreshments." paalala saken ni Ate Libby. Dali-dali akong naghanda ng mga inumin nila.
Nakita kong pawisan na si Timothy. Naisip kong abutan sya ng towel pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ka nya girlfriend, Aya. Kaya wag kang umasta na parang worried gf ka. Bulong ko sa sarili ko.
Nagpatuloy pa ang laro. Dikit ang score ng team nina Timothy sa kalaban. Last set na at lamang ang kalaban. Si Timothy na ang magseserve ng bola. Kinakabahan ako. Sana makascore sila. Taimtim akong nagdasal.
Tumira na sya kaso sa kasamaang palad nagkamali sya ng service at dahil doon nanalo ang kalaban.
Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya. Matapos magkamayan ng maglabilang team, lumapit na si Timothy sa bleacher para kunin ang gamit nya.
Nagkataon na malapit pala ako sa bag nya. Pinilit nyang ngumiti pagkakita sa akin.
"Sayang, talo kami." sabi nya habang inaayos ang gamit nya.
BINABASA MO ANG
How Do I Unlove You?
RomancePaano mo ba magagawang alisin ang pagmamahal mo sa isang tao? Lalo na kapag alam mong wala ng pag-asa? Kaya natanong mo na lang sa sarili mo... How do I unlove you? NOTE: Some parts were based on true to life story.