HDIUY: Special Chapter 1

149 3 1
                                    

NOTE: I decided to include Timothy's POV. I'm sure you want to know what he's thinking too. Para po sa mga nabitin, ito po ay para sa inyo. ^___^

First Sight

Tim's POV

First year college na ako taking up AB Public Administration. Maganda ang university na napasukan ko. Malawak at higit sa lahat maraming estudyante. I hope marami akong mameet.

Naglalakad ako papunta sa meeting namin sa university publication pero napahinto ako.

I saw her sitting in her usual spot, reading the school publication, wearing a smile on her face.

I remember how I first saw her. Kasama nya ang mga friends nya sa spot na yun at masaya silang nagtatawanan. Her smile shines so bright kaya lutang na lutang ang kagandahan nya.

She had these cute curly hair and those expressive eyes. Finally, nalaman ko ang name nya ng naging kaklase ko sya sa Biology.

Anna Ysabelle or Aya. Ang ganda ng name nya, kasing ganda nya.

Nagkataon pa na nasa unahan ko sya. I try not to smile everytime na inaabutan nya ako ng test questionnaires. Baka kasi isipin nya nababaliw na ako.

Sinubukan kong magpakitang gilas baka sakaling mapansin nya ako.

"Dude, grabe ka kanina ah." bati saken ni Harold. Naging kaclose ko na sya unang tuntong ko pa lang dito sa school. "Masyado mo namang ginalingan sa recitation. Di mo na kami pinasagot eh."

"Pasensya na." sagot ko. "Kailangan kasi eh." At pareho kaming nagtawanan.

Hindi nagtagal, napansin ni Harold ang ginagawa ko.

"Kanino ka ba nagpapakitang-gilas?" nakangising tanong nya sa akin. "Kala mo di ko napapansin, eh tuwing biology class ka lang naman hyper active sa recitation. Samantalang sa ibang subjects para kang tinatamad."

Naku, buking na ako. Pero hindi ko sinagot ang tanong nya.

Nakasalubong namin ang grupo nila at nagulat ako ng binati sila ni Harold.

"Hi classmates." bati ni Harold.

Kaya binati ko na rin sila. Pagkakataon ko na rin ito.

"Hello." at ngumiti ako.

And I saw her smile shyly.

I felt my heart skip a beat.

How Do I Unlove You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon