Chapter 27

142 6 1
                                    

Meeting him again

Ilang araw na lang at dadating na sya. Hindi ko talaga maitago ang excitement ko. Sinabi ko sa committee head ng event na may nakuha na akong judge and pumayag naman sila.

Napansin ng officemate ko ang kakaibang sigla ko sa pagtatrabaho. But of course, my battery is coming.

"Ang saya mo yata lately?" tanong saken ng malapit kong officemate na si Hailey. "Ganyan ka ba talaga ka-excited sa event natin?"

"Medyo." At napangiti na ako.

Sabi pa ni Hailey, para daw kumikislap ang mga mata ko sa kaligayahan. Talagang nagtataka sya kasi dati para akong robot. Walang emosyon. Basta trabaho lang ng trabaho.

"Hey guys." Bati ng isa ko pang officemate. Masayahin sya at medyo maingay. Si Jake. "Ready na ba kayo for our big day? Sa isang araw na yun."

"Naku, super ready na yang si Aya." Sagot ni Hailey. "Tingnan mo naman oh. Halatang ang sigla at ang saya-saya nya."

Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar saken ng dalawa.

Kinagabihan, tumawag ulit si Tim para i-confirm ang pagdating nya. Excited na rin daw sya lalo na at first time nyang mag-out of town ng ganon kalayo. Habang magka-usap kami, hindi ko talaga mapigilan ang mapangiti.

I like the sound of his voice. Napakalumanay.

"Huy, Aya." Tawag-pansin nya sa akin.

"Ay, sorry." Nakakahiya. Halatang hindi ako nakikinig sa kanya. "Ano nga ulit sabi mo?

"Hay naku, antok ka na yata eh." Halata sa boses nya na nakangiti sya. "Sige, magpahinga ka na. Basta kita na lang tayo. Hintayin mo ako."

And with that, I sleep wearing a smile on my face.

The most awaited day came. I excitedly get dressed and went to the office. Mamayang gabi pa sya dadating, kaya I have all the time to prepare pa. Bukas pa naman ng umaga ang start ng event kaya tamang-tama lang ang pagdating nya.

Maya-maya, tinawagan ko sya at kinumusta kung nasaan na sya. On the way na daw sya. Kailangan nya pa kasing sumakay ng barko para makarating dito sa amin. Gabi na sya nakasakay sa barko kaya medyo late na ang dating nya.

Sinundo namin sya using the office's service vehicle. Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Imagine, two years kaming hindi nagkita. Wala akong idea kung ano na ang itsura nya ngayon.

Medyo umuulan pa kaya nagpasalamat ako at nakarating sya ng ligtas. Maalon kasi pag ganitong panahon lalo na kapag gabi.

Nakababa na daw sya ng barko kaya nagdecide na akong salubungin sya. At dahil malabo ang mata ko especially kapag may titingnan ako sa malayo, nahihirapan ako pati na rin kapag madilim. Tinawagan ko ulit sya.

"Nasan ka na? Naglalakad na ko sa may pathway para sa passengers." Pahayag ko.

"Naglalakad na rin ako." Halata sa boses nya ang galak.

"Kung nakikita mo na ako, sabihin mo. Kumaway ka. Alam mo naman hirap ako makakita sa malayo eh." Then I pouted my lips. If only he could see me, I'm sure matatawa yun. I'm acting like a child again.

Naaninag ko ang isang bulto sa harap ko, kumakaway ito. Then I knew that it was him. I walked towards that person. Hindi ko pa rin makita ang mukha nya. I seriously need eyeglasses.

Habang papalapit na ako ng papalapit, lumilinaw na rin ang mukha ng taong kaharap ko na.

It was him. Timothy.

I stopped a few inches away from him. I just stared at him and he, too, had stopped walking. Alam ko we look like idiots in the middle of the pathway.

"Aya." Sya ang unang nakawala sa tila magic na bumalot sa aming dalawa.

He walked towards me and hugged me. Hindi ako nananaginip, I swear this is real. The man I have loved for years is now standing in front of me. Hugging me.

"Ah, ahm...Tim?" tawag ko sa kanya. Totoo talaga ito Aya.

"Oh, I'm sorry." Hinging-paumanhin nya. "Ang tagal kasi nating hindi nagkita and the first thing that came to my mind when I saw you was to hug you."

"Ikaw talaga." Habang inaaya na sya papunta sa sasakyan. "Hindi naman halatang namiss mo ko eh." Biniro ko sya.

I saw him smile.

"Sobra. Kung alam mo lang." sagot nya looking intently into my eyes.

How Do I Unlove You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon