Sorpresa
DECEMBER. This is my month. Grabe, I'll be turning 20 this month. At ibig sabihin gagraduate na ako ng college.
Kapag naiisip ko yun, nalulungkot lang ako. Pagkaalis namin sa school, ibig sabihin di ko na makikita si Timothy.
Huwag kang maging nega Aya. At least memorable naman ang college life mo. Pagcomfort ko sa sarili ko. Para na talaga akong timang. Palagi ko na lang kinakausap ang sarili ko.
Madalas akong wala sa school kasi nagsimula na ang ojt ko sa Ortigas. Tuwing Wednesday at Friday lang ako nakakapunta sa school kasi yun ang break ko sa ojt.
Gustong-gusto ko na ulit sya makita. Gusto kong sulitin ang natitirang buwan ko dito sa school.
"Aya, samahan mo naman kami ni Ara." sabi ni Sera habang hinihila ako papunta sa auditorium.
"Ano bang meron dito?" tanong ko.
"Basta. Halika na." at pumasok na kami sa loob.
Saka ko lang nalaman na may debate pala sina Timothy. Naroroon din ang ibang members ng council.
Doon kami umupo sa bandang likuran. Bago magsimula ang competition, nakita kong nagpalinga-linga pa si Timothy. Parang may hinahanap sya.
Napadako ang tingin nya sa may kinauupuan namin. Nakita ko na naman ang paglabas ng maganda nyang ngiti. Hindi ko rin mapigilan ang mapangiti.
I mouthed the words Good Luck to him. The competition started and I watched intently. Sa kanya lang nakatuon ang pansin ko sa buong duration ng laban.
Hindi man sila nanalo, still I'm so proud of him. Magaganda kasi ang mga facts na binitawan nya para masuportahan ang stand nila. But the status quo still prevailed.
Nauna na akong lumabas kasi mahuhuli na ako sa duty ko.
Kinabukasan, Sabado.
Ako ang nakatoka ngayong maglaba. Inabot na ako ng tanghali kasi nilabhan ko din ang mga damit ng kapatid kong si Kate.
"Aya, may tumatawag yata sayo." tawag saken ng tita ko. Nakikitira kaming magkapatid dito sa bahay nila. Ang mga magulang kasi namin ay nasa probinsya. "Kanina pa tumutunog ang cellphone mo."
Nagpunta ako sa kwarto at kinuha ag cellphone ko.
Ara calling...
"Bez!" halos mabingi ako sa lakas ng boses nya.
"Bez, ang sakit sa tenga ha?" natatawa kong sabi.
"Ay, hehe sorry." natawa na rin sya. "Happy Birthday!"
Oo nga pala. Ngayon pala ang birthday ko. I totally forgot.
"Don't tell me nakalimutan mo?" dugtong pa nya. "Hay naku, ikaw talaga."
"Thank you bez." sagot ko.
"Wait, pupunta kami dyan nina Sera at Kuya Eddie." sambit nya.
"Naku bez, wala naman akong handa. Sorry." hinging paumanhin ko.
"Ano ka ba? Ok lang yun." sagot nya. "Gusto ka lang namin makasama."
Natouched naman ako sa sinabi nya kaya pumayag na rin ako. Tinapos ko ang nilalabhan ko at naligo na.
Maya-maya, si Sera naman ang tumawag.
"Happy birthday Aya Yatot." bati nya. Yun ang bansag nya sa akin pero pare-pareho lang naman kaming payatot. "Pupunta kami dyan ha? Bonding tayo. At saka magbihis ka naman ng maayos."
"Ha?" tanong ko. "Eh di ba sanay naman kayo na nakapambahay lang ako?"
"Syempre birthday mo ngayon. Kahit ngayon lang." natatawa nyang sabi. "Para maganda pati sa picture."
Napilitan tuloy akong magpalit ng medyo casual na damit.
Ding-Dong...
Pumunta ako sa gate. Sumilip muna ako para tingnan kung sina Ara na ang dumating.
Pero para akong nahipan ng hangin. (O_O) Oh My Gosh. Hindi ba ako nananaginip? Tama ba ang nakikita ko?
"Oh Aya, bakit di mo pa binubuksan yung gate?" tanong naman ni Tito Kyle. "Tsk, ako na nga."
At pumasok ang isang taong kailanman ay di ko inaasahan na makikita ko sa pagkakataon na iyon, lalo na sa lugar na iyon.
"Surprise." nakangiting wika nya. "Happy birthday Aya."
BINABASA MO ANG
How Do I Unlove You?
RomancePaano mo ba magagawang alisin ang pagmamahal mo sa isang tao? Lalo na kapag alam mong wala ng pag-asa? Kaya natanong mo na lang sa sarili mo... How do I unlove you? NOTE: Some parts were based on true to life story.