Chapter 15

156 6 2
                                    

Ang labo

Buti na lang at nandyan ang bestfriend ko kaya natulungan nya akong makabalik sa dating ako.

Pero hindi ko sya pwedeng iwasan habang nasa iisang school kami. Magkikita at magkikita pa rin kami lalo at nasa iisang college din kami.

"Aya, nakaready na ba lahat ng gagamitin natin para mamaya sa event?" tanong saken ni Ate Libby.

"Yes ate." sagot ko. "Prizes, check. Hosts, check. Candidates, check."

Isang fashion show ang magiging activity namin para sa college day ngayong taon. May isang kandidato ang bawat kurso na babae at lalake. Sya ang kandidato nila sa course nila.

Kahit umiwas ako, wala akong magagawa. Dapat gawin ko ang tungkulin ko bilang student leader.

Gabi gaganapin ang contest kaya may oras pa kami para siguruhin na nasa ayos ang lahat.

Pagsapit ng 6 pm, nagsimula na ang fashion show. Bukod sa pagrampa at question & answer portion, isa sa mga tinitingnan ng judges ang suot nila. Lahat ng candidates ay nakasuot ng statement shirts and maong pants. Titingnan kung sino ang the best na makapagdadala ng nasabing mga outfit.

Heto na naman ako. Pumipintig na naman ng mabilis ang puso ko. Ang gwapo ni Timothy lalo na sa ayos ng buhok nya. Nilagyan ng style, mas bagay sa kanya. Mature tingnan kaya maganda.

At ang puso ko umaasa na naman na magustuhan nya. Nakaramdam na naman ako ng sakit kaya naisipan kong pumunta muna sa CR. Baka mapaiyak na naman ako, mas nakakahiya yun.

Paglabas ko ng cr, nakasalubong ko sya. Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Pero di ko inaasahan ang ginawa nya.

Hinawakan nya ang kamay ko este braso pala. As in braso ko. Hindi ko alam kung nasagi lang ba or talagang hinawakan nga, pero parang sinadya nya eh. Mabilis lang naman pero nakakagulat pa rin. Tapos sya naman ang dumeretso papuntang cr. Hindi naman sya nagsalita, akala ko may sasabihin sya pero wala naman pala.

Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Napaupo tuloy ako sa sofa sa office.

Mukhang nagsimula ang contest. Q and A portion na. Hindi na muna ako lumabas kasi masyado pa akong shocked sa nangyari kanina.

Judging time na kaya may break na five minutes ang mga candidates. Kasalukuyan akong nakasandal sa may bulletin board namin. Nakatungo ako habang naghihintay na magresume ang contest kaya di ko namalayan na may tumabi na pala sa akin.

Si Timothy.

Paglingon ko, nakasandal din sya sa bulletin board. Isang dipa lang ang agwat naminsa isa’t isa. Nginitian nya ako at ganon din ang ginawa ko. Pinanuod namin ang mga tao. Ganon lang kami hanggang matapos ang five-minute break. Walang nagsalita sa amin.

Bakit ba ganito sya? Ano ba tong mga ginagawa nya? May gusto din ba sya saken?

Ang labo mo talaga Timothy.

 

 

 

How Do I Unlove You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon