Chapter 14

159 4 4
                                    

Pag-iwas

Habang tumatagal, palalim ng palalim ang nararamdaman ko para kay Timothy. Pero hindi ko alam kung gusto din nya ako.

Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na magcoconfess ako sa kanya. Pero hindi ko magawa. Naduduwag ako. At nahihiya rin kasi kababae kong tao dapat lalake pa rin ang gumawa ng move.

Napansin ng mga kaibigan ko ang pinagdadaanan ko.

 

"Bez, alam ko may gumugulo sa isip mo ngayon." si Ara. "Nandito lang ako at si Sera para makinig at tulungan ka."

Nasa may library kami.

"Ok lang ako bez." Hindi ko pa rin masabi sa kanila kasi nahihiya ako.

Ilang araw ko na syang di nakikita. Ang totoo nyan, iniiwasan ko sya. Baka kasi pag hindi ko sya nakita, baka mawala na rin itong nararamdaman ko para sa kanya.

Kapag makakasalubong ko sya, nagtatago agad ako. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko pero ito lang ang alam kong paraan.

"Bez, kausapin mo ako." tawag ni Ara. "Alam ko may problema ka at nag-aalala na ako sayo. Tingnan mo ang itsura mo, para kang lantang gulay."

Hapon na iyon at naisipan naming tumambay sa may kubo. Wala na halos estudyante kasi exam week.

Malungkot ko syang tiningnan. At di ko na napigilan ang sarili ko. Umiyak ako sa harap ng bestfriend ko.

“Bez, hirap na hirap na ako." pagsisimula ko. "Bakit ba kasi naramdaman ko pa ito eh. Alam ko namang imposible. Gustong-gusto ko sya bez. Pero di ko na alam ang gagawin ko. Hindi naman nya ako gusto."

Inalo ako ni Ara.

"Bez, hindi ko alam na ganyan na pala kalalim ang feelings mo para sa kanya." sagot nya. "Akala ko crush lang, but I think it's more than that."

Napaiyak ako lalo. Alam ko nakakahiya na ang itsura ko ngayon.

"Bez, baka naman infatuated ka lang sa kanya." muling sabi ni Ara. "Sige tutulungan kita pero sana wag mong pabayaan ang pag-aaral mo bez."

Isa lang ang paraan na naisip ni Ara para kahit papano hindi ko maisip si Timothy. That is to make myself busy. Busy sa studies, busy sa council, busy sa duty at kung ano-ano pa. Just to keep myself from thinking Timothy.

Medyo effective and strategy ni Ara. Unti-unting bumalik ang focus ko.

 

 

 

 

Pero minsan makulit talaga ang tadhana.

How Do I Unlove You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon