Being together
"Sobra. Kung alam mo lang." sagot nya looking intently into my eyes.
For a second there, pakiramdam ko tumigil ang oras at parang kami lang ang tao doon.
"Ako rin. Namiss kita." Saying that very sincerely. At hanggang ngayon mahal pa rin kita.
Gusto ko sanang idugtong yun kaso pinigilan ko ang sarili ko. Kung ano man ang meron kami, hindi na mahalaga kung may pangalan man iyon. Basta alam namin na espesyal kami sa isa't isa.
"Kumain ka na ba? Kumusta ang byahe mo?" tanong ko habang binabaybay na namin ang daan papunta sa service. Doon ko sya balak patulugin sa guest house.
Nakatitig lang sya sa akin kaya pumitik ako sa harap nya.
"Ha? Ano ulit?" tanong nya.
I rolled my eyes at him.
"Tinatanong lang po kita kung kumain ka na at kung kumusta ang byahe mo." Pag-uulit ko sa sinabi ko kanina. Umiling lang sya. Ayos talaga kausap ito minsan eh. Napakawirdo.
Dumaan muna kami sa isang fast food restaurant para kumain. Muli kaming nagkwentuhan.
"Pagkatapos mong kumain, dederetso na tayo sa office. Dun ka matutulog sa guest house namin." Paliwanag ko. "Tapos bukas, kailangan maaga tayo kasi maaga ding magsisimula ang contest."
"May pagkacontrol-freak ka pala ano?" sabad nya. "At OC din."
Nanlaki ang mata ko.
"Loko ka talaga." Hinampas ko ang braso nya. "Laiitin ba naman ako sa teritoryo ko. Tsk."
Nagtawanan na kami. Kahit papano nakilala namin ang isa't isa simula noong na-contact nya ako. Para kasi kaming magkasama kung mag-usap. When I talk to him, I can be myself. The real Aya. Kahit ang mga flaws ko alam na rin nya.
"Hey, maiba ako." Biglang pagseseryoso nya. "Ang ganda pala dito sa inyo. Ang linis, ang tahimik. I like it here."
"Pwede ka namang bumalik dito pag may time ka eh." Habang kumukuha sa kanyang fries. Inabot naman nya saken kasi medyo malayo. "Pwede ka magbakasyon dito."
"I'm planning that. Actually, gusto kong i-extend ang pagpunta ko ngayon dito." At sumilay na naman ang ngiti sa gwapo nyang mukha. Nagiging straight line ang mga mata nya pag ngumingiti Tsinito talaga.
Nanlaki ang mga mata ko.
"What?!" napalakas yata ang tanong ko kasi lumingon samen ang iba pang customers. "Seryoso ka ba dyan? I mean, paano ang classes mo?"
"I can look for a temporary replacement." Maagap nyang sagot. "Ayaw mo non, mas makakasama mo pa ako ng mas matagal." Sabay kindat saken.
Aba't ang lalakeng ito talaga. Basta na lang gumagawa ng bagay-bagay. Nagulat talaga ako kasi hindi naman nya nabanggit iyon saken bago sya lumuwas papunta dito sa probinsya namin.
Napailing na lang ako. Baka kasi masyado lang syang na-excite kaya nya nasabi yun. For sure bukas, balik ito sa dating plano. Sabi nya kasi babalik din sya agad after ng contest kasi may klase sya kinabukasan.
Matapos syang maghapunan, sinamahan ko na sya sa magiging kwarto nya. Ayaw ko pa sana siyang iwan kasi gusto ko pa syang makakwentuhan kaso alam kong pagod sya.
"So, pano? Kita na lang tayo bukas." Habang naglalakad na ako palabas. "Agahan mo ang gising ha? Baka naman masyado kang mag-enjoy sa pagtulog mister."
Natawa naman sya.
"Grabe ka talaga Aya." Naglakad na rin sya palabas. Hinatid nya ako hanggang gate. "Hindi po ako malelate. Promise."
"Hmm..ok mabuti naman." Sagot ko. "Ok ka na dun sa kwarto mo? Nandito naman si kuya guard. Magsabi ka lang kung hindi ka kumportable."
"Asus. Masyadong worried ah." Biro naman nya.
"Hay naku. Oh sya, sige na. Magpahinga ka na." at umalis na ako.
Nang gabing iyon, hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko. After two years, nakita ko ulit ang taong mahal ko. Pero hindi na ako yung teenager na kinikilig sa lahat ng ginagawa nya. Hindi nga ba? Nagmature na ba ako?
Tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Timothy.
"Oh, di ba sabi ko magpahinga ka na?" saway ko sa kanya. "Mapupuyat ka nyan."
"May nakalimutan lang akong sabihin." Seryoso naman ng boses nito. "It's really good to see you again Aya. And I really missed you. Masaya ako na nakita kita ulit. Susulitin ko ang pagstay ko dito para makasama kita."
Then he hung up. Ako naman natulala. Hindi ako kumikilos sa kinakatayuan ko. Nang makarecover ako,
"O.M.G. Grrraaaabbeeeee." Umirit na talaga ako. "Shheeett."
Akala ko hindi na ako kikiligin pero iba talaga pagdating sa kanya. Kilig to the bones. Nagulat ako dun ah. Napansin kong mas nagiging vocal na si Timothy.
Napatingala ako.
"Thank you Lord."
BINABASA MO ANG
How Do I Unlove You?
RomancePaano mo ba magagawang alisin ang pagmamahal mo sa isang tao? Lalo na kapag alam mong wala ng pag-asa? Kaya natanong mo na lang sa sarili mo... How do I unlove you? NOTE: Some parts were based on true to life story.