Chapter 31

152 6 2
                                    

Confession

 

 

 “Yung araw na umuulan? Natatandaan mo ba?” Tanong nya. Tumango ako. “Actually, I have my own umbrella. Sinabi ko lang na wala akong dala para makasabay ako sa’yo. Hehe.. That memory was my favorite. Kasi sa mga oras na iyon, pakiramdam ko hindi ka makakaalis. Na dapat nasa tabi lang kita kasi pag lumayo ka, mababasa ka. And I’ve held unto you to make sure na di ka makakawala.”

My heart stopped beating for a while. Unti-unti kong nararamdaman ang magaling kong luha na gusto nang pumatak pero pinigilan ko. That was the sweetest thing I’ve heard in my entire life.

Ang dami-dami kong nalaman. Sinabi lang naman kasi ni Harold noong nag-usap kami na gusto ako ni Timothy. He didn’t tell me this very detailed events in our past. Kaya naman parang sasabog ang puso ko.

“Masayang-masaya ako sa mga nangyayari. Gusto ko nang magtapat sa iyo pero nauunahan ako lagi ng takot. Baka kasi mabigo ako.” May lungkot sa boses nya. “Kilala mo ba si Shane?”

OO! Si bruhilda! Sigaw ng utak ko.

Tumango ulit ako.

“She’s been my friend since high school.” Paliwanag nya. “Balak ko na talagang magtapat sa’yo noong araw na niyaya ninyo akong magkape. Kaso natakot ulit ako kaya nagpatulong ako kay Shane. Humingi ako ng advice sa kanya kung ano ang dapat kong gawin.”

Oh my Gosh. Tama ba ang narinig ko? So yung time na nakita namin silang magkausap, humihingi pala sya ng advice kasi magtatapat na sya sa akin? Ano ba yan?

“Kaso bigla mo akong iniwasan.” Nakatungo na sya. “Hindi ko alam kung ano’ng nangyari, bakit bigla kang naging aloof sa akin. Kaya mas nawalan ako ng pag-asa. Then, we graduated. I was really hopeless kasi magkakalayo na tayo. Tinanggal mo pa ako sa fb, yun na nga lang sana ang tanging way ko just to get updates from you kahit malayo tayo sa isa’t isa.”

 

Hindi ko na napigilan. I let out my tears. I cried and cried. Kaya naman niyakap nya ako. I hugged him back.

“We’re so stupid.” Sagot ko habang pinipilit na patigilin ang luha ko. “Pareho pala tayo ng nararamdaman all this time.”

 

“Ha?” inilayo nya ako sa pagkakayakap nya. “Pakiulit ng sinabi mo.”

“Ay naku Timothy Michael Espiritu.” Habang pinupunasan ang mga luha ko. “Sabi ko, pareho pala tayo ng nararamdaman simula pa lang noong una. Hindi lang ikaw ang nakaramdam ng lahat ng iyon, I felt the same. Hanggang ngayon.”

At niyakap nya ulit ako. This time mas mahigpit. I heard him sobbed. OMG. Umiiyak siya?! Ang mahal ko.

“I love you Aya. I always have.” Pahayag nya while controlling his tears.

“I love you too Timothy.” We both hugged each other.

Nang medyo nakarecover na kami sa undying confession namin sa isa’t isa, pareho kaming napatawa bigla. Pareho kasing mugto ang mga mata namin.

“Ang pula ng ilong mo.” Sabay kurot ko sa ilong nya. “Parang kamatis.”

“Ikaw yung mata mo parang luluwa na sa sobrang maga.” Balik asar nya saken at nagtawanan kami.

Hindi agad ako nakatulog ng gabing iyon. Hindi ako makapaniwala na sa tinagal-tagal ng pagkakagusto ko sa kanya, mauuwi rin pala sa happy ending. Syempre tulad ng lagi kong ginagawa, I thanked the Lord sa mga magagandang pangyayari ngayon sa buhay ko. I know na lahat ay may dahilan, kung bakit namin pinagdaanan lahat yun ni Timothy.

Pareho kaming tinanghali ng gising kinabukasan. Pareho pa kaming napatawa pagkakita sa isa’t isa kasi halata pa rin sa mga mata namin na umiyak kami.

Nagkakatinginan naman sina Mama, Papa at ang kapatid ko pero hindi na sila nagkomento pa. Open book ako sa kanila. Alam nila kung sino si Timothy kaya hindi na ako nagtaka na madali nila itong nakasundo.

They knew that he is my one true love.

How Do I Unlove You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon