Maling Akala
Busy na naman ako sa ojt. Exam week kasi last week kaya wala akong schedule sa ojt ko. Pero ngayon kailangan naming maghabol ng oras.
February na. Wow, it's the love month.
May bazaar ulit kaming inorganize para sa mga students ng college namin. May iba't ibang booth din na inihanda ang bawat course.
Sayang at wala ako sa school sa araw ng valentines. Siguro ang saya sa school ngayon.
Maya-maya nagtext si Ate Libby.
[Aya, nakakaloka. Sayang at wala ka dito sa school.] - Ate Libby
[Bakit po ate? Ano pong nangyari?"] - ako
[Ang daming nagpakasal kay Timothy dito sa wedding booth namin. Nakakaloka. Pila talaga sila. Ayaw ng palitan ang groom.] - Ate Libby
Nalungkot ako. Kung nandun sana ako.Tapos may binanggit na pangalan si ate, yun yung girl na madalas kasama ni Timothy. Di ko alam kung writer ba sya sa Herald pero siguradong di nya kacourse yun.
Parang nakaramdam ako na may tumutusok sa puso ko.
[Aya, OMG. Muntik na silang magkiss!] - Ate Libby.
Napatayo ako sa kinauupuan ko. Nagulat naman ang katabi kong staff dito sa office.
"Aya, ok ka lang? Something wrong?" tanong nya sa akin.
"Ah, wala po mam." Matipid kong sagot.
Di na ako nakapagreply pa kay ate. Dali-dali akong nagpunta sa CR. At doon ako napaiyak. Hindi ko alam pero ang sakit-sakit.
Girlfriend na nya kaya yung girl na yun? Sabagay mas maganda naman yun. Maputi, mahaba ang tuwid na buhok, saka mukhang mabait. Higit sa lahat maganda sya.
Lalo akong napaiyak sa kaisipang yun. Talong-talo ako. Imposible ngang magustuhan ako ni Timothy.
Pagkabalik ko sa station ko, pinilit kong kalmahin ang sarili ko at magfocus sa trabaho kaso nahirapan ako. Naiimagine ko sila habang nasa wedding booth. Naluluha na naman ako pero pinigilan ko kasi baka mapagalitan ako.
Para akong bangag ng mga nakaraang linggo. Tulala at di masyadong nagsasalita. Bumalik na naman ako sa pag-iwas sa kanya. Kaso talagang makulit sa cupid.
"Timothy, tara magkape." tawag ni Kuya Eddie sa kanya. Naging close na din ang dalawa kasi pareho silang artist.
Wala na akong nagawa para umiwas. Napapatingin sa akin sina Ara at Sera. Nakatungo lang ako at nakatingin sa kape ko.
"Ah, mauna na ako sa inyo ha?" sabi ni Timothy. "May meeting pa kasi kami."
Saka pa lang ako nakahinga pagkaalis nya.
"Ok ka lang ba bez?" tanong naman ni Ara.
Masyado talaga akong transparent pagdating sa mga emotions ko. Ang hirap itago lalo na at alam mong hindi ka ok.
Tumango na lang ako. Nang matapos kaming magmeryenda, nagpasya na kaming apat na umuwi.
Habang naglalakad napatigil si Kuya Eddie na nasa unahan ko.
"Di ba si Timothy yun?" sabay turo nya sa direksyon papuntang university chapel.
Tiningnan naming tatlo ang tinuro ni Kuya. At ganon na lang ang pagsisisi ko na tumingin pa ako.
Nakita namin si Timothy at yung girl na magkausap. Iyon ding yung kinuwento ni Ate Libby na nagpakasal daw sa kanya sa wedding booth. Nakaupo sila sa damuhan at parang walang ibang tao sa paligid sa seryoso ng usapan nila.
Hindi ko na kinaya pa kaya nauna na akong maglakad.
"Aya! Sandali." tawag saken ni Kuya Eddie.
Nagmamadali akong pumunta ng cr at umiyak. Hindi ko na mapigilan ang sakit.
Sobrang sakit na. Imposible nga talagang magustuhan nya ako. Akala ko may pag-asa. Akala ko may ibig sabihin ang mga ginawa nya, ang mga nangyari sa amin. Pero wala pala.
Maling-mali ako. Mali ang akala kong may gusto din sya sa akin.
BINABASA MO ANG
How Do I Unlove You?
RomancePaano mo ba magagawang alisin ang pagmamahal mo sa isang tao? Lalo na kapag alam mong wala ng pag-asa? Kaya natanong mo na lang sa sarili mo... How do I unlove you? NOTE: Some parts were based on true to life story.