Push Then Pull |Book Version|

170 33 159
                                    

First Letter

PRESENT DAY : AUGUST 2020

|3 Taong Lumipas pagkatapos nung MMK Letter|

"The Process of Letting go of someone. Acknowledgement - the first stage where you are acknowledging the other person that you are letting go of them. But it is also the stage where you are still hopeful that the person will come back. It is where you can't fully accept the fact that they're leaving."

"Tafiana hija, halika na. We're running late."

Narinig ko ang mahinang tawag ni Mama at ang pagkatok niya sa pintuan. But  I ignored her call. "Hindi ka pa ba bihis anak?" she asked again.

"Ma, I can't make it tonight. I have exams." 

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kasunod ay ang mga yapak ni Mama papasok, "but Tafi, it won't take long. You just need to show up for a bit. It's been months since they last saw you," she said smoothly.

"Ma, this is important. I will get a D if I fail this. I'm sorry Ma. I'll do it next time."

She sighed and then nod her head, "okay, just promise you'll attend the next Family Gathering." Then she kissed me. "Thanks Ma."

She heads out and it was my turn to sigh. I am such a liar!

Napayuko ako at tinanggal ang glasses ko at humiga sa kama. Hindi naman talaga iyon totoo. Well, totoo na may exam kami pero short quiz lang at hindi na kailangan pang pag-aralan. It's just that I'm sick of Family Gathering. Hindi naman talaga namin sila Family, they are business partners. And  I suck at socializing. 

At baka makita ko siya. I despised him. Well not as much as he does. I'm sick of fighting him. I'm tired. Ito na ang panglimang buwan na hindi ako umaattend. Kaya ganun na lang ang pagtataka nila.

Pero mas mabuti na rin na umiwas na lang ako.

__________________

I was running down the hallway. I've got five minutes left before classes begin. I overslept, again. This always happen to me for the past few days. I was taking long strides so I'll get there as soon as possible. But I was interfered when somebody purposely tripped me on the floor. It was a big mess.

Parang nag-echo sa buong school ang pagbagsak ko dahil sa lakas nito. Napangiwi ako sa sakit at naramdaman ko ang unti unting paghapdi ng mga tuhod ko.

'Shit'

Agad kong tiningnan ang tao na gumawa nito. "Ooops, sorry. Hindi ka kasi nag-iingat," she said curtly then I saw her smirked.

Nag-init ang ulo ko sa mga sinabi niya. Gusto kong sabunutan siya at ingudngud ang mukha niya sa sahig sa mismong oras na iyon. Pero mas nangibabaw ang klase ko. Kaya kahit mahapdi pa ang tuhod ko ay ipinilit kong tumayo at hindi na lang pansinin ang ginawa niya.

"Tuazon, your late." bungad agad sa akin ng Professor namin ng mahagip ako ng paningin niya sa may pinto.

"Sorry po." nakayuko kong sabi.

"Sige umupo kana. You're disturbing the whole class," she retorted. Irritation was clear in her voice.

"Salamat po." I said almost a whisper not wanting to get more of her attention.

Naglakad ako papunta sa upuan ko habang iniinda ang sakit ng tuhod ko. Napatingin ako sa upuan ko na nasa pinakadulo pa ng classroom. Nang makaupo ako ay napabuntong hininga na lang ako.

"Ba't wala ka na naman kagabi?" narinig kong tanong agad ng katabi ko. Pero imbes na sumagot ay ibinaling ko na lang ang atensiyon ko sa harapan. Masyado akong tinatamad para makipag-usap sa kanya.

"Iniiwasan mo ba ako?" mahina ngunit rinig kong bulong niya. Pero nanatili akong tahimik. At dahil siya ay siya, at wala siyang pake sa akin hindi na rin siya nagtanong pa.

"Okay, get a paper and we'll have an exam." Our Professor announced.

Ugh, nakakainis. Ang hapdi ng kamay at tuhod ko at may exam pa? Parang mas dumoble ang hapdi at sakit na nararamdaman ko. Hindi lang ako ang nag-iisang umangal. Grabe, tama lang talaga na Witch Farah ang itawag sa kanya. Nag exam rin kami kahapon at nung isa pang araw, infact araw araw. Ewan, hobby ata ng Professor na ito na pahirapan ang mga estudyante niya.

"Yung papel mo," narinig ko na naman ang muli niyang pagsasalita. Hwag mong sabihin na manghihingi ka ng papel?

Yumuko ako para magconcentrate. Pero may nakita akong pula sa papel ko. At dun ko narealize na dumudugo pala ang mga palad ko. Kaya pala ang hapdi.

"Excuse me Ma'am," biglang tawag ni Tyrone sa may PMS naming Professor.

"Is something wrong Mr. Tan?" tanong nito habang nakakunot ang noo.

Nagulat ako sa biglaang pagtayo niya at paghila sa akin. What is this stunt he is trying to pull again?

"She needs treatment. She's bleeding."

Without any words, he pulled me with him. And my heart started aching too. He's doing it again. Pulling me towards him. Then later he'll push me. Like he did before, like he always did. Narealize ko kung gaano siya kasama at gaano ako katanga.

Namalayan kong nasa hagdanan na kami. Masyadong malalim na pala ang iniisip ko na hindi ko napansin ang mga nangyayari. Tinitigan ko siya mula sa likuran. Mas lalo na siyang tumangkad at lumapad na rin ang kaniyang balikat. Nakahawak siya sa kamay ko. Hindi mahigpit at hindi rin masyadong maluwang.

Pero panahon na para gumising ako sa katotohanan. Kaya imbes sumunod sa kanya ay tumigil ako sa paglalakad na siya namang ikinagulat niya. Napalingon siya sa biglaang pagtigil ko. Wala siyang sinabi. Nakatitig lang siya sa mukha ko. Ganun din ang ginawa ko.

"Tyrone, pagod na ako," mahina kong sambit.

Hindi siya umimik.

"Bumalik ka na, ako na lang ang pupuntang clinic. Mamimiss mo ang exam," dugtong ko. Hinihiling na sana makuha niya ang ibig kong ipahiwatig. At kasabay nun ang unti-unti kong paghigit sa kamay kong hawak-hawak ng malambot at mainit niyang kamay.

"Bitiwan mo na ako, kaya ko na." It almost sounded like I was pleading. And I guess I was. 

Pero napaigtad ako sa reaksyong gumihit sa mukha niya. He smiled, a lopsided smile.

"Never," was his short response. 

And he did something I never see coming. 

__________________

MMK: Mamahalin Mo Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon