Fifteenth Letter

30 8 3
                                    

Jennicka

"Ty, tulungan mo ako."

"You look fine." He retorted. I rolled my eyes. This is so against me. Asking help from him.

"Ugh, not me. Si Tafi nilulunod ang sarili niya!" Hindi ko maiwasang tumaas ang boses ko slight. I cant control it. Kinakabahan na ako para kay Tafi, that sneaky little brat.

"Marunong namang lumangoy yun. Don't you remember that she used to be a swimmer? Hindi sya malulunod." Sagot naman niya sakin habang binabalik ang atensyon sa mga libro niya. I can't believe this guy. Talagang wala siyang pake kay Tafi.

"Thats not it. Shes in the bar. Nilulunod ang sarili niya sa vodka." I further explained gritting my teeth.

Kung na una ko lang talaga nakita si Nikko siya naman talaga ang lalapitan ko. Pero dahil minalas ako kaya heto at pinagtyatyagaan ko na lang ang isang ito. Ok sana kung nalasing lang si Tafi dahil kayang kaya ko naman siyang buhatin. But what if may lalaking umaaligid doon? Hindi kaya yun ng powers ko.

--------------

Morning before the incident

Tafiana


Yum. Ang sarap talaga ng omelette para sa breakfast. Napapikit ako habang ninanamnam ang malambot na laman nito. Mapaparami ata ang kain ko ngayon ah. Well, dapat talagang ramihan ko ang kain sa umaga kasi pinaka important meal of the day ito.

"Woah!" I heard a noise behind me.

"Ohw, Good morning honey. Halikana." Narinig kong imbita ni Mama habang kumakain kasabay ko. I was too busy stuffing my self with food because this is the least I can do for myself today, kaya hindi ko na nilingon ang kadadating lang na si Kuya.

"Ah, anong oras na ba?" Kuya asked again while pulling the chair.

"Well, maaga pa naman Hijo. Babalik ka na ba agad sa office? Bago ka pa lang dumating." It was Papa who answered him. He was not eating but seeping his coffee while reading the newsprints.

"My point Pa, ba't nandito ang bagay na toh?" And I felt that annoying gaze burning holes into my head. I look up at naabutan ko ang kamay niya na nakaturo sa akin. Napasimangot ako kaagad.

"Bakit hindi ba ako parte ng pamilya na ito? Bakit ni rerefer mo ako 'as bagay', tao ako," pikon kong sagot.

Pero agad naman na ngumiti si Kuya, ngiti na halos ikapunit ng mukha niya.

"Hmm, nagjojoke lang ako Ana-dear," ginaya niya pa ang tono ni Mama - which is ang baklang pakinggan. "Hindi lang kasi ako sanay na nakikita ka sa ganitong oras. 6:30 pa kasi dear. Diba naglalaway ka pa ngayon?"

Napailing ako sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. 'Nang iinsulto ba siya?'

"Kumain na lang kayo. Napaka alaskador mo talaga Theo. Dapat masaya ka na maaga nagising ang kapatid mo. But you're making fun of her efforts instead." kalmadong saway ni Papa. Tiningnan ko si Kuya at walang imik na pinagtawanan.

'Buti nga. Hahahaha.'

"Kuya kumusta na si Ate Juno?" Naalala ko si Ate, kumain na kaya siya?

"Nasa ospital pa rin siya. Pero madi-discharge na siya mamaya."

"Talaga? Mabuti naman." I smiled after hearing that she's fine

"But Theo, may na contact na ba kayo na kapamilya niya?" tanong ni Mama. Tiningnan ko si Kuya at hinintay ang sagot niya. Yan din ang pinag-aalala ko. Sino kayang mag-aalaga sa kanya? Buntis pa naman si Ate.

MMK: Mamahalin Mo Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon