Seventh Letter

69 17 69
                                    


July 2015

Nutrition Month about Five years ago |During their 2nd year of HS|


"Tafiana, can I talk to you?"

Napaangat ang tingin ni Tafiana mula sa pagkakayuko niya dahil nagsa-slice siya ng mga ingredients para sa lulutuin nila. Tumaas ang kilay nito habang tinitingnan ang babaeng nasa harapan niya.

"Jen?" tawag niya sa kaibigan niya na kasalukuyang nagmimix ng itlog sa harina.

"Yep. Ano yun?" napatingin si Jennicka sa kaibigan niya pero napasunod ang tingin niya ng mamalayan na nasa ibang direksyon nakatingin si Tafiana.

"Aalis muna ako. Maiwan ka muna dyan." kasabay nito ay binitiwan niya ang hawak na kutsilyo at hinubad ang gloves niya sa kamay. Tyaka ay umalis siya sa puwesto niya at sinundan ang babaeng kumausap sa kanya.

Tumigil sa paglalakad ang babae nang makarating sa gilid ng covered court at humarap sa kanya. Inobserbahan niya ito at naalala na siya yung bagong salta sa school nila. Kagaya niya ay sophomore din ito at sa kamalasan ay kaklase ito ni Tyrone. At naiisip pa lang ni Tafiana na umaaligid-aligid ito kay Tyrone ay nag-iinit na ang ulo niya.

"Ano bang gusto mong sabihin? Pwede pakibilisan nagluluto pa kami." pagtataray niya dito.

"Uhm, a-ako si Cindy," halata ang kaba sa boses nito habang nakayuko at nagsasalita. Napatingin si Tafiana ng ikinuyom ng babae ang kanyang mga palad.

Agad siyang naging alerto sa kanyang nakita, 'naku baka sugurin ako nitong babaeng toh bigla-bigla."

Napaigtad si Tafiana ng sa isang kisapmata ay itinaas ng babae ang tingin niya at sinalubong ang mga mata ni Tafiana. Bumukas ang mga bibig nito at nagsimulang magsalita na siyang dahilan para uminit ang ulo ni Tafiana.

"Ako ang Girlfriend ni Tyrone. Kaya please layuan mo na siya!" lakas loob na ani ni Cindy.

"Anong sabi mo?!"

Hindi napigilan ni Tafiana ang galit at inis na nararamdaman sa babaeng bigla-bigla na lang sumulpot at nagpakilalang Girlfriend ni Tyrone. Kaya ang unang naging reaksyon niya ay ang sugurin ito. Dahil sa galit niya ay literal talagang umaakyat ang dugo niya sa ulo sanhi upang mamula ang mukha niya.

Nanlaki ang mata ni Cindy ng makitang papalapit na si Tafiana sa kanya. Nakaramdam na siya ng takot simula pa lang ng lapitan niya kanina si Tafiana. Binalaan na rin siya ng mga kaibigan niya tungkol sa obsession ni Tafiana kay Tyrone na pwedeng rumesulta sa pagiging bayolente nito.

Kilala si Tafiana bilang isang masungit at madaling magalit na babae sa school nila. Siya ang pinakarude at pinakamatigas ang ulo at siga rin siya dito. Pero lahat ng iyon ay rumor lang para kay Cindy hindi niya inaasahan na masasaksihan ng mismong dalawa niyang mata ang katotohanan sa mga usap-usapan na iyon.

Habang papalapit si Tafiana sa kanya ay panay naman ang atras niya. Nagsimula siyang magpanic ng parang nakikita niya na nag eemit ng itim na aura si Tafiana. At kung nakakapatay lang ang tingin, sigurado siyang dead on the spot na siya ngayon dahil sa talim ng tingin nito sa kanya.

"Dyan ka lang, h-hwag kang lalapit s-sa akin!" itinaas niya ang dalawa niyang kamay.

Pero hindi nakikinig si Tafiana sa kanya. Panay parin ang paglalakad nito papalapit sa kanya. Walang reaksyon ang mukha nito. Mahirap basahin kong anong susunod niyang gagawin kay Cindy.

Dahil sa panay na atras ni Cindy ay nagkabuhol buhol ang nanghihina niyang mga paa na dahilan para mapaupo siya sa sahig. Malakas ang naging impact nito kaya napangiwi siya sa hapdi at di kalaunan ng hindi niya na mapigilan nag-unahan ang luha na tumulo sa mga mata nito.

MMK: Mamahalin Mo Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon