Fourteenth Letter

21 9 9
                                    

A/N may nakapagtanong ba sa inyo kung anong nangyari kay Tafi matapos niyang basahin ang kanyang MMK letter?

Tafiana

Listening to Titibo-tibo

"Elementary pa lang...."

Napailing na lang ako habang pinapakinggan ang boses ng kapatid ko habang kinakanta ng paulit-ulit ang lyrics ng Titibo-tibo. Ang mas lalong nakapagpabadtrip sakin ay kahit ilang beses niya pang ulit-uliting kantahin ito, hindi niya makuha-kuha ang timing at mali-mali pa ang lyrics nito.

"Hay, kawawa naman ang mga taong fave song ang Titibo-tibo. Pagnarinig nila ang version mo habang nakikising along siguro di na nila gugustuhing pakinggan pa uli ang kantang yan. Mababadtrip talaga si Moira sayo." mahina kong bulong habang nakasimangot.

Ibinaling ko na lang ang paningin ko sa labas ng bintana. Winiwish ko na marerelieve ng view ang badtrip ko. Hinihiling ko din na sana lumakas pa lalo ang ulan sa labas para matabunan nito ang mala-halimaw na boses ng kapatid ko.

"Kahit ako'y titibo, puso ko ay titibok-tibok parin sayo. Isang ngiti mo lang at ako ay nabubuhayan..."

Hayst. Hindi na talaga siya na awa sa akin. Ang sakit na ng tenga ko at naapektohan na nito ang paningin ko. Feeling ko nagdidilim na ito. Kasi ang sarap na niyang batukan.

"May nangyari bang maganda sa office?" baling ko sa kanya. Naabutan ko pa ang pag-groove ng kanyang ulo at balikat habang sumasabay sa music.

"Hmmm." yun lang ang naging sagot niya sabay taas ng dalawang kilay. Ngumiti ito ng malawak at nagpatuloy sa pagkanta. "Tsk," napahalukipkip na lang ako sa upuan ko at sumimangot.

Masyado lang talagang simple mag-isip si Kuya. Na dahil sa kasimplehan ang hirap hulaan ng thoughts niya. At kahit kailan isa lang ang mood niya. Masaya. Pero kung malungkot siya, malungkot lang talaga siya. Pero hindi ko pa siya nakitang galit. Masyado kasi siyang mabait. And that's what I admire about him. Hindi siya yung tipo ng tao na every minute nagshi-shift ng mood. Bipolar kung baga.

Napabalik na lang ang tingin ko sa gilid ng daan. Siguro may nangyari lang talagang maganda sa office kaya nag- iingay si Kuya. At nagkaroon din siya ng free time para sunduin ako. Laking pasasalamat ko na rin dahil sinundo niya ako dahil masyadong pagod ako sa lahat ng pinaggagawa ko sa school. One week na lang bago ang exams kaya doble kayod ako sa paggawa ng voice notes at pagmemorize. Bukod pa dun sandamakmak pa ang requirements namin. Iniisip ko pa lang ang mangyayari next week maduduling na ata ako.

"Hala!" gulat na bulalas ko.

"Napano ka?" natigil ka kakanta si Kuya. "Kuya, tingnan mo yung babae sa labas." I pointed the woman who was walking outside not even bringing a piece of umbrella. "Kawawa naman wala siyang payong habang naglalakad."

"Baka malapit lang ang bahay nila." he replied. "Kuya, itigil mo yung sasakyan, aabutan ko na lang siya ng payo---- KUYAAA, itigil mo. Bat mo nilagpasan?" bulalas ko habang sinusundan ng tingin ang babae hanggang sa hindi ko na siya nakita gamit ang bintana. Binaling ko ang tingin ko sa bakulaw kong kapatid. I just cant believe na hindi niya man lang itinigil ang sasakyan.

"Baka bagong paandar ng budol budol lang yan. You know, we shouldnt fell for it." Simple niyang explanation. Napailing na lang ako at tumingin sa side mirror. Pero hindi ko inaasahan ang nakita ko.

"Hala! Kuya, nahimatay yung babae." napatakip na lang ako sa bibig ko seeing how she collapsed. "Ha?" Theo exclaimed. And he step on the brake stopping the car suddenly. Agad kong i-nunbuckle ang seatbelt ko at tiningnan ang kapatid ko.

Pinanliitan ko siya ng mata, "lagot ka kuya pagnabagok ang ulo nun. Ikaw talaga ang may kasalanan."

"At bakit ako? Hayst, lumabas ka na nga lang dyan at dalhin mo yung payong." utos niya bago naunang lumabas ng kotse at sumulong sa ulan. Baka siya na naman ang magkasakit nito. Mabilis ko na lang kinuha ang payong sa backseat at patakbong pumunta kina Kuya.

MMK: Mamahalin Mo Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon