Twelfth Letter

19 7 2
                                    

Tafiana

"Tafiana, nasan ng report mo? Diba nung isang araw ko pa binigay sayo ang assigned topic mo?"

"Uhh, pwede ko bang ihabol mamaya Sar? Medyo nahihirapan kasi ako sa editing ng last part. Tyaka kulang pa sa lay out. Promise, mamaya."

"Ano ba naman yan Taf? Malapit ng deadline. We discussed to submit it five days earlier than the deadline. Pano na yan? Baka hindi na natin mahabol. Sayo na lang talaga ang kulang."

"Sar, please habol ko na lang mamaya." Pagmamakaawa ko sa team leader namin na si Sarah. Nakita kong napahinga na lang ito ng malalim.

"O siya. Basta mamaya. Before four dapat may print outs ka rin na dala. I-bind mo na din." Nakahinga naman ako ng maluwang ng marinig iyon. Atleast, may oras pa ako.

"Thank you Sar." Nagnod lang ito at tumalikod. Halatang nai-istress na din siya sa research na nakaassign sa amin. Nang lalim at nangingitim na rin kasi ang ilalim ng mga mata niya. I bet, ganun din ang estado ng mukha ko.

Nakarinig ako ng mga yapak mula sa labas kaya napatingin ako sa backdoor.

Napataas na lang ang kilay ko ng nakita kong lumitaw si Nikko kasama ang isang gloomy na Tyrone.

'Ano na naman kayang problema nito sa mundo?' I asked inside my head while staring at him. Hindi ko namalayan na nakataas na pala ang isa kong kilay. 'Lovers quarrel.' I added.

Na aamoy ko talaga na nag-away siya at ang kanyang beloved Miracle. Pero bat ganito ang nararamdaman ko?

"Stop smirking Taf. Stop it!"

Pero kahit anong saway ko sa sarili ko sadyang ayaw lang talaga niyong makinig sa inuutos ko sa kanya.

"Anong binubulong bulong mo dyan, Tafiana?"

"Ha?!" napabalikwas ako ng marinig ang boses ni Nikko. Napataas ang tingin ko sa kanya na kasalukuyang nakatayo sa harap ko.

Napatawa ako ng pagak. "Ha-haha. Uhm, wala. Nagmememorya lang ako." tyaka nginitian ko siya habang nakatikom ang bibig.

Tiningnan niya lang ako na parang nawe-weirdohan siya sa inaakto ko.

Napatingin na lang ako sa malaking bintana sa gilid ko. Rinig na rinig ko mula dito ang malakas na pagbuhos ng ulan. Habang patuloy kong tinitingnan ang malakas na ulan, nahagip ng paningin ko si Tyrone.

'Bat ba nakikisabay ang mood niya sa tempo ng panahon? Yung mukha niya, makulimlim.'

--------------

"Miss,"

Napahawak ako sa noo ko habang binabasa ang mga notes na isinulat ko. May three weeks pa akong natitira bago ang midterm namin. Kailangan ko talagang gumawa ng mga notes at mag-aral ng advance kasi hindi ko kakayanin ang mag cramming lalo na at slowpoke ako.

"Miss"

Kasalukuyan akong nakaupo sa isang cafe sa harap ng University namin habang hinihintay kong matapos ang pinabind kong print outs. Isiningit ko na lang din ang pagsusulat ng mga notes.

Panandalian kong binitiwan ang ballpen ko para uminom muna ng kape. Buti na lang talaga tumigil yung ulan wala pa naman akong payong na dala. Ang lakas kasi ng ulan kanina akala ko babahain na ang campus. Ayoko pa namang nababasa yung sapatos ko kasi babaho yung paa ko.

"Ahem."

Nakarinig ako ng malakas na tikhim sanhi para makuha nito ang atensyon ko.

"Nakabalik ka na ba sa tunay na mundo?" nakangising tanong ng nakatayong lalaki sa harap ko. Nakasuot ito ng kulay asul na jacket at sombrero.

MMK: Mamahalin Mo Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon