MMK: Mamahalin Mo Kaya?

601 57 245
                                    

February 2017

Dear Sharo,

Yun ang mga katagang isinulat ko sa aking papel bago ako napakamot sa ulo ko.

 "Ano bang spelling ng pangalan niya?" tanong ko sa kawalan na may halong inis. 

Paano ba naman? Hindi ko na mabilang ang papel na kanina ko pa tinatapon dahil sa hindi ko magawa-gawa ng maayos ang liham ko. Dahil sa inis at frustation napagdesisyonan ko na lang na sumuko na. Wala sa isip na itinapon ko ang sinusulatan kong papel kasama ang ballpen ko.

"ARAY!!!!"

Nakarinig ako ng boses mula sa labas, 'patay, may natamaan ata.'

Dali-dali kong dinungaw ang bintana sa pangamba na baka si Rodie ang natamaan ko. Si Rodie yung gwapo naming ka subdivision na araw-araw nagjojogging pero mainitin ang ulo at natatakot ako sa kanya. Kaya halos madapa-dapa ako makarating lang sa bintana.

Pero sa panahong dumungaw ako dito ay napasimangot na lang ako. Wala na, sira na buong araw ko.

"Hoy Tafiana! Hindi isang ballpen ang makakapatay sakin. Tsk," then he flashed me his arrogant smirk.

"Alam ko! Nagsisisi na nga ako kung bakit ballpen tinapon ko. Sana kutsilyo na lang!" sigaw ko sa kanya sabay talikod. 

Sana magkabukol siya. He's pissing the hell out of me. Ganyan palagi ginagawa niya kapag nagkukrus ang landas namin. At minalas ako, kasi isang taon na kaming magkasama dahil classmate ko siya.

"Ang bobo mo talaga! CHARO! HINDI SHARO!" pahabol na sigaw nito bago tuloyang umalis.

Ako naman nakatayo dun nanginginig ang buong katawan sa inis. Sasakalin ko na siya kapag ko hindi ako nakapagpigil.

Dearest Sharo,

Kung may tao mang nagngangalang ganuon. Sana bukas hindi ako inisin ng lalaking yun habang binabasa ang aking liham. Sana manahimik siya kahit isang oras lang. Kung pwede sagarin nyo na at patahimikin siya habang buhay. Kasi marami na akong nagawang kahihiyan sa harapan niya. Katulad na lang ng siya ang nakakita ng una kong tagos. Nadapa ako sa harapan niya at may nakita rin siyang kuto nung first year ako sa ulo ko. Ang pinagtataka ko lang eh ba't may kuto dun eh wala naman ako nun? Ngayong fourth year na kami nalaman kong kagagawan lang pala niya yun. 

Ang nakakahiya pa eh nung Grade Five nagconfess ako sa kanya at inaya ko pa syang magpakasal sa marriage booth nung First Year naman kami. Umiyak  nung Second Year kasi ang mokong nagkaroon na ng Girlfriend at natigil lang ang kahibangan ko sa kanya nung Foundation Day na inaway ko ang Girlfriend niya at kasabay nun ang pangbabasted niya sa akin sa harap ng maraming tao. Kaya sikat ako sa school bilang Number 1 admirer ng Unggoy na yun. Pero dalawang taon na kaya ang lumipas hindi ko na iniisip yun kasi masama lang sa kalusugan ang mga kahihiyan ko.

Kaya please ayoko ng gumawa ng isa na namang bagay na pagtatawan niya. Tulungan mo sana ako.

Lubos na umaasa,

Tafiana

* * * * * * * * * *

Napahawak nalang ako sa noo ko ng marining ang hiyawan ng mga kaklase ko. Nakatingin lang ako kay Patricia habang inaabotan siya ng bulaklak ng isang senior pagkatapos haranahin. Pulang-pula ang mukha ni Patricia sa hiya pero kahit na ganun ay nakangiti pa rin ito. Halatang masaya siya dahil finally napansin na rin siya ng crush niya simula pa noong freshmen kami.

Nagmistula tuloy'ng confession room sa PBB ang silid namin sa dami ng aminan na nangyari ngayong araw. Well, what do you expect? It's Valentines Day. Pati ang mga teachers namin hindi na sinaway ang mga students at hinayaan na lang. Alam naman kasi nilang love is part of growing up. And days like this makes high school life unforgettable.

MMK: Mamahalin Mo Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon