Eleventh Letter

41 8 8
                                    

Tafiana


Napasandal ako sa bintana ng sasakyan. Tinititigan ko ang bawat madadaanan namin. Masaya at lively ang gilid ng mga kalsada. Bukod kasi sa ibat-iba at matitingkad na ilaw marami ring tao na naglalakad. Gusto ko ring maglakad-lakad kagaya ng iba.

Pinindot ko ang buton sa gilid ng pinto kaya bumaba ang salamin sa bintana ng sasakyan. Napasinghap ako ng tumama ang malamig na simoy ng hangin sa mukha ko.

"Maam Tafiana okay lang po ba kayo?" Napalipat ang tingin ko sa Driver namin na si Manong Ben. Tumango lang ako at ngumiti.

"Matagal na din simula nung huli ko kayong sinundo sa school," dagdag pa niya.

"Gusto ko rin po kasing mag bus Manong. Pang experience po." sagot ko naman.

"Ginabi kayo ngayon? Masyado po bang busy sa school?"

"Opo. Malapit na kasing mag 2nd semester. Baka next time po, itext ko na lang kayo kapag magpapasundo ako kasi baka maghintay kayo ng matagal." ani ko habang nakatingin sa labas.

"Naku, ayos lang Maam Tafiana. Wala po sa akin yun," tatawa-tawang sabi ni Manong Ben. "O siya, magpahinga na kayo."

Nang tumahimik ang paligid ay naalala ko ang nangyari sa umaga. Lalo na ang sinabi ni Veronica na hiwalay na sila ni Nikko. Sigurado akong galit si Nikko sakin. Kumusta na kaya siya?

"Manong Ben, ano po bang kadalasang ginagawa ng mga lalaki kapag bago lang silang hiniwalayan?" curious kong tanong kay Manong. Baka first instinct nila na magpakamatay. Naku lagot talaga ako.

"Nakakagulat ka naman Maam," natatawang sabi nito.

"Eh yung kaibigan ko po kasi, nagbreak sila ng girlfriend niya. Hindi po ba kayo suicidal na mga lalaki?" paglilinaw ko kay Manong Ben.

"Naku, depende po kasi. May iba naglalasing, meron ding nagagalit at nagwawala. Pero meron ding wala lang yung tipong hahanap na lang ng iba, ganun." sagot naman ni Manong sakin.

Napaisip ako. Saan kaya dun si Nikko?

Pero si Tyrone alam kong yung latter part, siya yun. Kawawa ang mga ex niya. Tsk!


----------------


Luckily walang tao sa Living Room pagdating ko kaya nagdirediretso na ako sa kwarto ko sa itaas. Patakbo pa ako habang inaakyat ang hagdan. Delikado na kapag may nakaispot sa akin. Sigurado akong tatadtarin ako ng tanong ng mga yun. Lalo na sa suot kong may pagka oversized na jacket na halatang hindi sakin.

Laking pasasalamat ko ng nasa harap na ako ng pintuan ng kwarto ko. I twisted and turned the doorknob and made my way in. Napaexhale ako ng makapasok ako. Agad kong hinubad ang jacket na suot ko pero in a careful way dahil mahapdi pa ang mga sugat ko.

Hinanap ko sa pader ang switch ng ilaw dahil madilim pa ang loob ng kwarto ko. Nang mahanap ko na ito ay pinindot ko ito kasabay noon ang pagliwanag ng buong kwarto ko.

Pero kasabay ng pagliwanag ng buong kwarto ko ay pagtambad din ng isang hubad na katotohanan. Parang exaggerated naman ang pagkakadescribe ko. May isa lang namang kapre na nakatayo sa harap ko. Ang pinakahuling tao na iniexpect kong makita ngayong araw.

Nanlaki ang mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. I was in shocked for a second.

"What are you doing inside my room?!" I asked in annoyance after composing myself. Pero imbes na sumagot, napansin ko na nakatuon ang atensyon niya sa braso ko. Kaya unti-unti ay umatras ako at pinilit na itago ito sa mga mata niya.

MMK: Mamahalin Mo Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon