Ninth Letter

49 12 53
                                    

Tafiana


"Ana!"

"Ana, your phone's ringing."

"Ana, It's Tyrone." Nilingon ko ang bakulaw kong kapatid at pinasadahan ko siya ng masamang tingin.

"As if! Hindi yun tatawag at kung tumawag man yun hindi mo makikilala." Napatawa na lang ang bakulaw kong kapatid sa naging pahayag ko.

"Kawawa ka naman Ana. Wala kang number ng crush mo. Gusto mo bigyan kita? Send ko sayo." He mockingly teased me. I rolled my eyes in annoyance. Dinampot ko na lang ang cellphone ko at sinagot ang tawag na nagmumula sa nag-iisa kong kaibigan.

"Hello Jen." Tumalikod ako papalayo sa isang nakangising Theodore.

"Taf. Anong nangyari sayo? Mainit atang ulo mo?" Dinig kong tanong niya sa kabilang linya siguro ay hindi ko namalayan ang dating ng tono ko.

"Si kuya kasi panay tukso sakin. Nakakairita." Sinulyapan ko si kuya at laking pasasalamat ko ng wala na siya sa kinatatayuan niya kanina. Baka nagpunta na yun ng kusina at naghahanap ng bagong magugulo.

"Taf. Did you visit our school's forum?" tanong ni Jennicka out of the blue.

"Hindi. Bakit anong meron?" Marahil magulo ang online forum ngayon dahil sa balita ng pagkakaroon ng Girlfriend ni Tyrone. Kung hindi ko pa nasasabi, famous nga pala siya sa school. 

"Alam mo ba kung anong number one sa search engine nito ngayon?" tanong niya uli.

Napakunot ang noo ko. Isa lang ang hula ko at naiisip ko. "Si Tyrone at ang Gurlfriend niya," may kombiksyon kong sabi.

"ANO?! MAY GIRLFRIEND NA SI TYRONE?!"

Halos mabitiwan ko ang cellphone ko sa gulat. Talagang nasindak ako sa lakas ng boses ng tao na nasa likuran ko.

"Taf? Taf? Hello, andyan ka pa ba? May nangyari ba?" Narinig ko ang mahinang boses ni Jennicka mula sa phone ko.

Hinarap ko si kuya at pinanlakihan na lang ito ng mata. Napakaintruder talaga nito at chismoso. Hindi na siya nagbago.

"Jen. Usap na lang tayo bukas sa school may nangyari kasi. Bye!" I ended the call without waiting for Jennicka's response. Tyaka ay hinarap ko ang pinakamalaking asungot sa pamamahay namin.

"You know it's rude to listen to other people's business right?" nakapameywang usal.

"Di nga. May girlfriend na naman si Tyrone? Yung batang yun hindi man lang nagsabi. Matawagan nga." Tinalikuran niya ako at hindi man lang pinansin ang sinabi ko na mas lalong nagpainit ng ulo ko.

Nakita kong kinuha niya sa bulsa niya ang cellphone at nagsimulang magdial. Parang biglang nakarinig ako ng buzzer ng mga alarm sa loob ng isip ko. Oh no!

"Kuya! Hwag!" sigaw ko. Agad akong tumakbo para kunin ang cellphone niya pero mas mabilis pa sa kidlat ay naitaas na niya ito sa ere.

"Kuya. Hwag please. Kuya. Maawa ka sakin." I begged. Tyaka ay nagsad face pa ako sa harap niya habang nakataas ang mga kamay namin sa ere at pilit kong inaabot ang cellphone niya.

"I'm sorry my dear little Ana. But kuya needs to make this call." Ngumiti lang ito at tumingala para tingnan ang tawag na ginawa niya.

At sure thing, nakarehistro nga ang pangalan ni Tyrone sa screen. He is so freaking serious! Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi siya maging successful sa kanyang maitim na plano. At isang idea lang ang pumasok sa isip ko. Wala namang masama kung subukan ko ito. After all, this is a life threatening situation.

MMK: Mamahalin Mo Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon