Second Letter

137 28 156
                                    



February 2012

Valentine's Day 8 years ago |During their 5th grade|


"The Process of Letting Go of Someone. Acceptance - the stage where you are accepting that nothing or no one is permanent. Accepting that the person that once made you happy and special is already gone. But still, you're thankful that it all happened even for a very short period of time."


"Nasan ang asawa ko?" bungad ng labing isang taong Tafiana sabay ang pagbalibag ng pinto ng classroom nina Tyrone. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid pero wala siyang nakita kahit anino man lang nito. 

"Asan siya Jay?" binalingan niya ang isang kabarkada ni Tyrone.

"Ewan ko," maikling sagot nito habang nagkasalubong ang kilay.

"Anong ewan mo? Dapat alam mo dahil kaibigan mo siya. Ano bang silbi mo?" nakanguso niyang pang-iinsulto.

"Umalis siya kasama ni Nikko. Hindi sila nagsabi kung san ang punta nila," yamot nitong sagot. 

"Aalis ako, pero babalikan kita. At kung makita mo sila ireport mo agad sakin. Kung hindi," she glared in a threatening manner. Tapos ay isinara niya pabalik ang pinto.

"Wala na siya." mahinang bulong ni Jay matapos umalis si Tafiana. Agad namang lumabas sa kurtinang pinagkukublian nila si Tyrone at Nikko.

"Grabe naman ang asawa mo Ty," komento ni Nikko habang pinapahid ang pawis sa noo gamit ang mga palad nito. "Tumahimik ka nga, hindi ko siya------"

BOOM!

Napatingin ang lahat sa ngayon ay nakabukas na pintuan kung saan nakatayo sa gitna si Tafiana habang nakapameywang at nakataas ang kilay.

"Patay," bulong ng dalawang kaibigan ni Tyrone.

"Wala pala ha, Jay. " she smirked.

'Akala niyo maiisahan ninyo ako ha.' sa isip-isip ni Tafiana.

"Pinagtataguan ba ako ng asawa ko?" she looked at Tyrone and smiled sweetly. "I have something for you Ty," tyaka ay lumapit siya kay Tyrone dala ang mga box ng chocolate.

"Happy Valentine's Day!"

_____________

|Present|

Tafiana

"Shit!" I cursed under my breath. Napakagat ako sa labi ko at napasandal nalang sa pader nang biglang magflashback sakin ang alaalang yun. Ang sarap iuntog ng stupida kong ulo sa pader na pinagsasandalan ko.

"Why am I so stupid?" I asked a rhetorical question. Oo, ang tanga-tanga ko. Tanggap ko na yun matagal na panahon na. Pero bakit ba pinanganak akong tanga? Napatingala na lang ako.

Binasa ko ng paulit-ulit ang malaking letra na nagsasabing," COLLEGE OF BUSSINESS MANAGEMENT."

Oo, Bussineness Management ang kinuha kong course. Oo, Bussiness Management rin ang kinuha niyang kurso. Partly isa siya sa rason kung bakit ako nag-BM. Nasa 3rd year na ako ngayon at nags-struggle talaga ako ng sobra. Hindi ko rin inakala na aabot ako hanggang 3rd year considering kung gaano na lang ako katanga.

Sinipa ko ang nag-iisang bato na nakita sa gitna ng sementong hallway. "Bumalik ka sa pinanggalingan mo. Shoo!" nakanguso kong sabi ng bigla na lang may dumaan sa harap ko. Masyado itong matangkad kaya napatingala ako. Pero sa panahong nagkasalubong ang mga mata naming dalawa ay agad din akong yumuko.

MMK: Mamahalin Mo Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon