Sixth Letter

64 22 51
                                    

Tafiana

Napaawang ang bibig ko sa mga salitang narinig ko mula mismo kay Tyrone. 'Tama ba ang mga narinig ko o bunga na naman ito ng malikot kong imahinasyon?' Pinagmasdan ko ang papalayong Tyrone. Pinoproseso ko ang papuring narinig ko sa kanya.

Naramdaman ko ang pag-init ng paligid at pinagpawisan ang palad ko. I bit my lips, stopping the smile that was about to crept out. Pero hindi ko na pigilan at napangiti ako ng tuluyan. Pinagpapasalamat kong madilim ang paligid at sigurado akong talo ko pa ang may high blood kung makapagblush. Hindi ko alam ganito pala ang pakiramdam ng pinupuri ng isang-----

"And you wish I would say that right?"

Napalingon ako sa direksyon ni Tyrone ng muli itong magsalita sa di kalayuan.

"You look like a witch, Taf." And I can sense that he was mocking me.

The smile on my lips instantly faded, 'and I should have known that you're not capable of praising people. '

"Parang hindi ka pa sanay Taf." I looked down and uttered.

________________

"Taf, have you seen Tyrone? Ang sabi niya kasi kanina na medyo malalate siya." tanong ni Tita Ronna sakin habang hawak ang cellphone niya. She must have contacted Tyrone. "Ah, hindi p-po." I lied. Consider this revenge Ty. Idedeny nakita simula ngayon.

"Nasan na kaya ang batang yun?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Tita. Bigla tuloy akong nakonsensya. Sorry Tita.

"Uhh, naalala ko, medyo may ano po, uhm, may nakita po ako kanina, parang kahawig ni Tyrone. Pero naparaan lang po kasi kaagad ding umalis. Baka po siya yun?" nauutal kong palusot. "Baka nga noh. Tatawagan ko uli sya Taf ha, excuse me." Tyaka ay nagsimula na siyang magdial uli sa telepono.

Papuslit akong lumayo mula kay Tita Ronna baka sakaling mabuking ang pag-iimbento ko. Nagtungo ako sa left wing ng bahay kung saan walang tao at tahimik.

"Grrrrrr,"

Napahinto ako sa kalagitnaan ng pagbubukas ko ng pinto. Did I just hear my stomache growl? Napaawang ako sa ideya iyon. Nagugutom na pala ako. Ni hindi na ako nakakain dahil sa mga inasikaso ko. Kinapa ko ang tiyan ko, kawawa naman.

Itutulak ko na sana ang pinto ng may humila nito galing sa loob. Isang malapad na dibdib lang ang nakita ko. Nakasuot ito ng itim na vneck tshirt. Masyado itong matangkad na kinailangan ko pang tumingala para makita ang mukha nito. Tyaka ko lang napansin na may kausap siya sa cellphone niya. Masyado ata siyang na engrossed sa kanilang usapan bago niya namalayan na may tao pala sa harap niya.

His stares fell down on me. And his bright smile faded. His eyes became neutral. Tyaka ay nagpatuloy siya sa pagsasalita habang nakatitig ng seryoso sakin.

Hindi ko alam anong itsura ko sa mga oras nayun. Siguro ay haggard na ako at baka ay namumutla na dahil sa gutom na nararamdaman ko. Bigla tuloy akong na conscious. Pero bago ko pa mabawi ang tingin ko ay humakbang na din ito at nilampasan ako.

"I'll be there soon Nik. Just talk to her for a while." Narinig kong sabi niya kay Nikko sa cellphone. Napalunok na lang ako.

His smiles faded when he saw me. Siguro nakakabad trip lang talaga ang pagmumukha ko kaya napapasimangot siya kapag nakikita ako.

I sighed deeply, "but everytime he's around I cant help but smile. This is just unfair."

Mas nangibabaw ang sakit na gumagapang sa dibdib ko keysa sa gutom na kanina ko pa iniinda. Kaya imbes na pumasok sa left wing na pinto ay nagdirediretso na lang ako sa hagdanan patungo sa kwarto ko.

MMK: Mamahalin Mo Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon