Eighth Letter

50 14 42
                                    

Tafiana


Nakabukas ang bibig ko habang pinagmamasdan ang lugar kung saan ako dinala ni Nikko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ng mata ko. Hindi ko inaasahan na may nag-e-exist na lugar na kagaya ng pinagdalhan niya sakin.

"Itikom mo nga yang bibig mo. Para kang tanga eh." Narinig kong komento niya na nakapagpabalik sakin sa katinuan.

Pinalo ko ang ulo niya. Laking pagkakamali niya na tinanggal niya ang helmet niya.

"Akala ko kung san mo ko dadalhin. Akala ko yung overlooking na view. Yung kita ang whole city o di kaya sa isang hanging bridge o sa gilid ng isang malaking sapa na mangasul asul ang kulay. I have trusted you for nothing." inis kong bulyaw kay Nikko.

"Sana kahit sa beach man lang," gatong ko pa.

"Aabutin tayo ng limang oras bago makarating sa pinakamalapit na beach. At sigurado ako pagbalik natin isa na akong kidnapper. Ipapapulis ako ng mga magulang mo," he said in a bored tone.

Well, napaisip ako sa sinabi niya. Thinking about it baka nga magfreak out silang lahat. Baka ipa-man hunt si Nikko at iorder nila na shoot to kill. Naku, kawawa naman si Nikko pagnagkataon. Buti na lang nag-iisip siya. Pero on the other hand hindi naman ganun ang mga magulang ko. Tsk!

"Nasa Pilipinas tayo Tafiana. Hindi toh kdrama. Tyaka bumaba ka na nga. Ang arte mo!" palusot pa nito. Wala akong nagawa kundi bumaba at padabog na tinanggal ang helmet ko.

Nakasimangot ko siyang hinarap."Oh ang helmet ko." Tiningnan niya ang helmet na inaabot ko sa kanya at sunod ay nabaling ang tingin niya sa mukha ko. Tinitigan niya ako na parang naiinis kaya ganun din ang ginawa ko sa kanya.

"Noodle Restaurant. Ang sabi ko yung may mahangin at magandang view. Nakakaloka," mahinang bulong ko habang patuloy na nakikipagtitigan sa hindi pa bumababang si Nikko.

Ang mas kinainis ko ay nang ngumisi ito. Kasunod ay tumawa siya ng mahina.

"Tuwang tuwa kang pagtripan ako noh?" I rolled my eyes in annoyance. "Bumaba ka nga dyan sa motor mo. Baka sapian ka na naman at iwan ako dito. Malay ko pa naman kung saang lupalot ito." dagdag ko pa.

Nang wala man lang siyang ginawa ay hinila ko na lang siya para bumaba.

--------------

"Bat kaunti lang ang customer dito!?" tanong ko kay Nikko habang nililibot ang paningin sa restaurant.

"Ewan," was his brief reply.

"Ba't dito mo ko dinala?" muli ko na namang usisa wari'y ini-interview siya.

Tumaas ang isang kilay ni Nikko at imbes na sumagot ay ibinaling niya ang paningin sa ibang direksyon.

"Hindi pa naman ako mahilig sa noodles alam mo na puro carbs nakakataba." I stated while leaning back at my chair crossing my arms.

"Alam mo Taf ilang taon na kitang hindi nakakausap." Napatingin ako kay Nikko ng muli itong magsalita.

Napaisip ako, 'pano naman tayo mag-uusap eh hindi naman tayo close.' I laughed at that idea.

"At sa ilang taon na yun akala ko nagbago ka na. Ikaw pa rin pala ang richkid na kilala ko." he was looking at me seriously.

Napasimangot ako sa narinig ko. "You mean, immature richkid?" paglilinaw ko. Tumango naman si Nikko.

I just shrug and pouted my lips. Naalala ko tuloy ang bansag nila sa akin noon nung highschool. Maraming may ayaw sakin dahil sa magaspang kong ugali. Buti na lang kahit ganun ako ay pinagtiisan parin ako ni Jennicka. I was lucky to have her.

MMK: Mamahalin Mo Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon