Twentieth Letter

25 1 2
                                    

Tafiana



"Benj, thank you sa paghatid mo sa akin at sa lahat ng tulong mo ngayong gabi," nakangiti kong sambit kasabay ang pagtanaw ko sa aking gilid kung saan kasabay kong naglalakad si Benj. Nakita ko ang pagsilay ng maliit na ngiti sa labi nito bago magsalita.


"Wala yun. Ikaw pa, malakas ka sa akin." His remarked made me chuckle. 


"Ganun? So maaasahan ko pa ang tulong mo sa susunod kapag nagkanda-gago-gago na naman ang buhay ko?" I playfully asked him. Kumunot naman ang noo niya at nagkunwaring nag-iisip ng sagot. 


"Depende. Kung ililibre mo ako ng dinner baka tulongan kita."


"Sus, dinner lang pala. Sige ba, pwede din kitang ipagluto sa bahay sa susunod. Pakikilala kita sa kaibigan ko." tuwang-tuwa kong suhestiyon. Matutuwa siguro si Jennicka kapag nalaman niya na may bago akong kaibigan. Hindi na siya nag-iisa sa buhay ko. 


"Talaga? Marunong kang magluto?" tanong nito na may halong gulat. Pero bago ko pa man masagot ang katanongan niya ay nakarinig kami ng malakas na busina. Napatingin kami sa sasakyang kasalukuyang nakahinto sa harap namin.


"Ano ba Tafiana? Akala ko nagmamadali kang umuwi? Bakit panay pa ang daldalan ninyo jan?" sambit ni Tyrone halatang naiinip na sa loob ng sasakyan.  Sinimangutan ko na lang siya bago humarap pabalik kay Benj.


"Benj, I really have to go. Narinig mo naman siguro si Tyrone. Ayaw niya kasing pinaghihintay."


"Okay. Bye Taf! One more thing. Wag kayong mag-aaway sa daan ha. Baka ano pang mangyari sa inyo," tugon ni Benj na tinawanan ko lang. Hindi ko siya sinagot kasi hindi ko yun maipapangako. Nagtungo na kami sa sasakyan at binuksan ni Benj ang pinto para sa akin. Nang makapasok ako ay nakita ko kaagad ang gilid ng mukha ni Tyrone. Hindi man lang niya ako tiningnan kaya nagpaalam na lang ako kay Benj.


"Don't forget your seatbelt," pagpapaalala ni Tyrone sa akin. I gladly obeyed him. Plano ko lang tumahimik sa buong biyahe para maiwasan na namin ang hindi kinakailangang bangayan. Gusto ko pang makauwi sa bahay in one piece. 


Matapos kong maikabit ang seatbelt ay saka naman pinatakbo ni Tyrone ang sasakyan. Napasandal na lang ako sa upuan ko habang nakapako ang mata sa daan. Hindi ko lubos maunawaan kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon ngayon. Pauwi sa bahay at hinahatid ni Tyrone. Di ko rin maintindihan kung bakit naisip ni Tyrone na ihatid ako sa bahay. Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Ayoko ng isipin pa ang mga rason kung bakit ginagawa niya ito para iwas malisya.


Tahimik lang kaming dalawa tanging ang mahinang musika lang galing sa radyo ang naririnig namin. Kahit anong pilit kong makatulog ay hindi ko magawa. 


"I know what you were thinking back there." 


Hindi ko inaasahan ang pagsasalita ni Tyrone pero pinanatili ko lang na nakapikit ang aking mga mata.


"Hey, are you sleeping?" kalmado niyang tanong at naramdaman ko ang mahinang tapik nito sa braso ko. Napadilat ako sa ginawa niya at naabotan ko ang pagsulyap niya sa akin.


"I was thinking the same thing. That music also brought me back to that day." 


Napaawang ng kaunti ang bibig ko. Hindi ko inaakalang sasabihin niya iyon. Sinulyapan ko na naman ang mukha niya at hindi na mababakas yamot sa mukha niya kagaya ng kanina. His face was rather calm and collected.


Napayuko ako, "sorry." Was all I could say.


"Para saan?" 


"Para sa lahat. Sorry din kasi pinilit kita nung araw na yun. Alam kong ayaw mo pero nagmatigas ako. Sorry Tyrone. I cant believe na sa tinagal-tagal ng panahon ngayon ko lang na realize na hindi pala ako nakahingi ng tawad sayo." habang binabanggit ko ang mga salitang iyon hindi ko maiwasang makaramdam na naman ng lungkot. Lungkot na madalas ko ng maramdaman nitong mga nagdaang araw.


"What if I don't accept your apology? What would you do?" napalipat na naman ang tingin ko galing sa sahig papunta sa mata ni Tyrone. And this time, there was a small smile on his lips.


"Well I dont know." I slowly trailed off still not smiling like what Tyrone is doing.


"How about the ring? That plastic ring we wore that day? Do you still have it?" he asked another weird question.


Napakunot ang noo ko sa muli na namang pagtatanong ni Tyrone. Why is he bringing up things from the past? Why are we talking about this stuff? Maybe this is because of that song we played earlier that he keeps remembering odd things from the past. But I just choose to look outside the window before answering him.



"I lost it," maikling tugon ko.


There was another silence after that. Hindi na rin kumibo pa si Tyrone kaya wala na kaming mapag-usapan. Ayoko ring magtanong pa dahil nahihiya ako. Kaya nagpatuloy pa ang katahimikan na iyon sa buong biyahe.


***************


Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nag-inat ako para magising ng tuluyan ang diwa ko. Pero laking gulat ko ng paglibot ng aking mga mata ay nasa kotse pa rin pa pala ako. Ang huli kong natatandaan ay inihatid ako ni Tyrone pauwi at ang pag-uusap namin. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Napansin ko rin na nakapatay na ang makina ng sasakyan.



Napalingon ako sa driver's seat at naabutan ko ang maamong mukha ni Tyrone na mahimbing ring natutulog. Napalunok ako sa nasaksihan ko. Ito ang unang beses na makita ko siyang natutulog. Nagmistula siyang anghel. How can he be this beautiful?



At limang kataga ang biglang nabuo sa aking isipan sa patuloy kong pagmamasid kay Tyrone.


Sana akin ka na lang.



Napapikit ako ng marahas dahil alam kong mali iyon. Mali ang pangarapin ko pa siya. Pinilit ko ang aking sarili na iwaglit ang ideyang iyon. Ang sakim na ideyang iyon.



Humugot ako ng malalim na hininga bago uli lingonin si Tyrone. At sa panahon na ito ay marahan ko siyang tinapik sa balikat.



"Ty." mahinang tawag ko para gisingin siya. "Ty," usal ko uli. Nakita ko ang paggalaw niya at ang unti-unti pagbukas ng mga mata niya.



"Gising ka na pala." ani niya ng makita ako.



"Kelan tayo dumating sa bahay?" tanong ko sa kanya. Yumuko naman siya para tingnan ang relo niya.


"It was an hour and a half ago." sagot niya naman na nakapagpaawang ng bibig ko. What? That long?


"You should have woken me up. Para hindi na kita naabala pa." hiyang-hiya kong sambit.



"You were sleeping soundly parang pagod na pagod ka. Kaya hindi na lang kita ginising pa." he explained.



"Sige, bababa na ako para makauwi ka na. Thank you so much," I then look at him and flash him a close mouth smile. Hindi ko na hinintay na sumagot pa siya at bumaba na ako ng tuluyan at nagdirediretso sa harap ng gate. Pero napalingon ako ng makarinig ako ng pagsarado ng pinto ng sasakyan.



Nakita ko na bumaba si Tyrone mula dito at ang suwail kong puso ay mistulang nabaliw na naman. It was wildly beating! Sa lakas pa ng kalabog nito ay natakot ako na marinig ito ni Tyrone kaya unti-unti at maingat akong umaatras.


"M-may kailangan ka pa?" dahil sa kaba ko ay nagkabuhol-buhol pa ang dila ko at nasamid pa ako ng magsalita. Gusto ko tuloy sabunotan ang tanga kong sarili.



Mas naalarma pa ako ng lumapit si Tyrone sa akin. At kapag sinabi kong lumapit ay ang lapit-lapit talaga. Isang dangkal sa lapit. He was so dangerously close to me. Kaya napaakyat na lang ang kamay ko malapit sa dibdib kong naghaharumintado. Nagbabakasakaling kapag takpan ko ito ng kamay ko ay hindi na niya marinig ang kalabog nito.



He stands 5'11 at ako ay 5'6 kaya kitang-kita ko ang leeg niya dahil diretso lang akong nakatingin dito. I would never ever dare to look up and stare at his beautiful eyes. Ayokong mawala sa tamang pag-iisip at makagawa ng bagay na pagsisisihan ko.



Nakatayo lang kami doon sa ganoong kalagayan. Masyadong malapit sa isat-isa habang nagpipigil ako sa paghinga.


'I- I'm going in Tyrone. G-good night!" lakas loob kong sabi habang pilit na nilalabanan ang aking sarili. Dahil gusto ko ring tumayo pa doon kasama siya. Humakbang na ako papunta sa gate pero bago ako tuluyang makapasok ay saka na naman siya nagsalita.



"Can I sleep here tonight?"



I froze in my track. Teka, ano uli iyon? Tama ba ang narinig ko? Gusto niyang matulog sa bahay namin ngayon? At bakit naman aber?


Nilingon ko siya pilit kong hindi pinapansin ang pag-iinit ng pisngi ko.


"Sorry but no. You cant," matigas kong usal. "Salamat sa paghatid mo sa akin ngayon. Bye!" Iyon ang huli kong mga sinabi bago talikuran siya ng lubos at pumasok. Kung kanina ay gusto kong sampalin ang sarili ko sa katangahan ko ngayon naman ay gusto kong makipaghigh five sa tuwa. Napangiti ako sa sarili ko.



"Good job ka self," I whispered, commending myself. Pero bago tuluyang makapagcelebrate ay may bumangga sa balikat ko mula sa likod na halos ikasubsob ko sa mga damo. Pero mabilis din akong nahawakan sa aking braso.


Agad akong napalingon at nakita ko na naman si Tyrone sa harap ko. May pag-alala sa mukha niya na nakapagpakunot naman ng noo ko.



"Sorry napalakas ang pagbangga ko." was all he could say to me.



"Ano bang trip mo ngayong gabi?"


Finally! Nasabi ko na rin ang katanungang kanina ko pa gusto itanong sa kanya. Anong trip niya ngayon bakit panay ang dikit niya sa akin?



Nakita ko lang ang pagtaas baba ng balikat niya senyales na ayaw niya akong sagutin. Pagkatapos ay inayos niya ang pagkakatayo ko dahil nakatagilid parin pala simula kanina na malapit akong masubsob.


"Dito nga sabi ako matutulog. Ayoko ng magmaneho pauwi baka maaksidente ako kasi pagod na ako. Gusto mo bang makatulog ako sa daan?" tanong niya at tumingin diretso sa mga mata ko. Na guilty naman ako dun.



"H-hindi."


Ano bang problema ng dila ko ngayong gabi at panay utal nito?



"Yun naman pala. Edi halika na pumasok na tayo at gusto kong uminom ng mainit na kape." Tyaka hinila niya ako papasok hawak pa rin ang braso ko. Mukha tuloy akong kinaladkad.



"H-hey, can you slow down? I'm wearing heels." Napatingin siya sa akin at saka sa paa ko then he slowed down.



Nang makapasok kami sa bahay ay hindi man lang tumigil sa kakalakad si Tyrone at nagdirediretso siya sa kusina. Wala akong naaninag na tao marahil nasa mga kwarto na nila sila. Hindi pa rin nakakauwi sila Mama at Papa. Kadalasan late na talaga natatapos ang mga Gatherings at 9:30 pm pa lang. Binitiwan lang ako ni Tyrone ng makapasok kami sa kusina. Naabotan namin si Ate Pam habang nagpupunas ng pinggan. Halata ang gulat sa mata niya ng pumasok kami ni Tyrone.



"Magandang gabi po Maam Tafiana, Sir Tyrone," bati niya habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.


"Hello Ate Pam, bat hindi pa kayo natutulog?" lumapit ako sa kanya habang nagtatanong.


"Tinatapos ko lang po linisin ang mga ito. Ano po ang maitutulong ko Maam? Nagugutom po ba kayo?" nakangiti niyang tanong. Nakabawi na ata ito mula sa pagkakagulat.


"Gusto uminom ni Tyrone ng kape. Kaya ipagtitimpla ko siya. Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo." mahina kong bulong kay Ate Pam sabay tingin kay Tyrone na ngayon ay komportable ng nakaupo sa harap ng counter.



"Ah sige po Maam." Tyaka nginitian ako ni Ate Pam.



"Ty, how about you drink hot chocolate or tea instead of coffee?" I asked him baka kasi mas lalo siyang di makatulog sa kape. Alam niyo na, palpitate is real kapag nagkape sa gabi.



Nakita ko lang na tumango siya sa sinabi ko. Kaya nagpatuloy na ako sa pagtitimpla ng hot chocolate niya at nilagyan ko na rin ito ng gatas para mabilis siyang makatulog at hindi na ako gulohin. Kalaunan ay isinerve ko na sa kanya iyon.



"Pagkatapos mo jan pwede ka ng pumunta sa Guest Room para makapagpahinga. Mauuna na ako sayo," pagpapaalam ko kay Tyrone ng mailapag ko ang cup ng maiinom niya.



"Teka, iiwan mo ako dito?" Napataas ang kilay ko sa tanong niya at napalipat ang tingin ko kay Ate Pam na parang aliw na aliw kaming pinagmamasdan. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay yumuko siya hindi pa rin maitago ang ngiti sa labi nito.


"Anjan naman si Ate Pam. Kung may kailangan ka pa sabihin mo lang sa kanya. Kaya mauuna na akong umakyat." Pagkatapos ay tumakbo ako paalis ng kitchen para makatakas kay Tyrone.


He is nothing but a weird big guy tonight. And I can't risk another heartache for his weird behaviors.


Napapailing ko na lang na tinungo ang kwarto habang naririnig ko pa rin ang malakas na kalabog mula sa pusa ko.


"It has been a long day."





MMK: Mamahalin Mo Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon