Twenty Second Letter

23 1 0
                                    

Tafiana

"Oo boyfriend niya ako. May problema ba tayo dun?"

Nakapaglinis naman ako nang tenga kanina ah. Pero bakit parang mali-mali ata ang mga naririnig ko? Katulad na lang ngayon, narinig ko atang sinabi ni Tyrone na boyfriend ko siya. Isa lang talaga ang baliw. Kung hindi ako malamang si Tyrone.

"Ah wala namang problema." Nasindak ata si Jason kaya nawala ang kapreskohan nito sa katawan habang awkward na nakangiti kay Tyrone.

"Congrats sa iyo Taf. May boyfriend ka na!" At dahil sa sinabi ni Jason nakompirma ko ang isang bagay, nababaliw na si Tyrone!

"Hindi kita boyfriend!" Kunot-noo kong hinarap si Tyrone pinagwalang bahala na ang nanonood na si Jason habang sinasalungat ang nauna nitong pahayag.

"At mas lalong hindi mo rin ako kapatid." seryoso niyang saad na nakapagpalunok sa akin.


"O tapos? Dahil sinabi kong kapatid kita, pwede mo na ring sabihin sa ibang boyfriend kita?" Pinantayan ko ang intensidad nang tingin niya sa akin.


Ang ganda naman nang kulay ng mga mata niya. Ang haba pa ng pilik mata. Teka? Ano?!! Erase,erase! Tafiana maghunos-dili ka.


"Bakit ikaw lang bang marunong magsinungaling?" he smirked showing his white set of teeth and tilted his head to the side.


"Magsinungaling? Hindi yun pagsisinungaling noh! Ang tawag dun pag-iwas sa galit mo." Pag-e-explain ko sa nagawa kong pagsisinungaling kanina kay Aling Rosa. Ay ano ba toh? Hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil sa lapit ko kay Tyrone.



"Uhm, alis na ako ha. Ayosin niyo muna ang lovers quarrel niyo." Bago ko pa masermonan si Jason ay nakaalis na ito. Siya talaga ang puno't dulo ng gulong ito.



"Hey, how come pag-iwas sa galit ko ang tawag dun? I don't follow," he raised his thick eyebrows before he started walking. Napagaya na lang din ako sa kanya at nagsimulang maglakad.



"Because I can't tell her we're friends. The last time I did that, you confronted me and told me we're not friends. And I can't tell her you're my boyfriend cause you're not. So the only acceptable excuse I can say is you're my brother." Sana naman maintindihan niya na wala akong masamang intensiyon at pinag-isipan ko talaga yun bago ko sinabi kay Aling Rosa.



"But I'm not you're brother." matigas niyang turan, hindi talaga niya na gets ang point ko. Bakit ba big deal sa kanya ito?


"So ano tayo?" I asked clueless. Napatigil ako sa paglalakad at napatingin na naman kay Tyrone. Too late nang marealize ko ang tanong ko. Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko.


"You sounded like there's something going on between us," his casual response to my question.


Ouch!

Hindi ako nagbibiro, nasaktan ako sa sinabi niya. It was a lowkey rejection. Na lahat pala nang ginagawa niya sa mga nagdaang araw ay wala pala talaga kahulogan. I was just too naive to believe that he's starting to care for me. Stupid Tafiana, hindi ka talaga nadadala.


Para akong natauhan sa sinabi niya.


"Alam mo, mauna ka na lang maglakad para hindi tayo mapagkamalang may koneksyon sa isat-isa." Inabot ko na naman ang kamay niyang nakasuporta sa akin at pilit itong inalis pero ayaw niyang bumitaw.



"Wag mo na akong alalayan kaya ko naman. Masakit lang ang tuhod ko pero hindi ako pilay ——" naputol ang litanya ko nang malapit akong masubsob sa sahig dahil sa biglang pagbitaw sa akin ni Tyrone. Kung hindi lang talaga dahil sa pagkakahawak niya sa braso ko ay malamang nahalikan ko na ang sahig.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MMK: Mamahalin Mo Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon