Third Letter

101 29 68
                                    


February 2014

Valentine's Day 6 years ago |During their 1st year of HS|


"Bata ang booth na ito ay para sa mga seniors lang. Maghintay ka na lang na tumungtong ka ng fourth year para maavail mo ito. Hmph, baby girl." Then the girl incharge smiled sweetly at the cute freshmen.

"P200.00." pagmamatigas ng freshmen.

Napailing na napapatawa na lang ang incharge sa ginawang offer nito. Para sa seniors lang talaga kasi ang Marriage Booth, sinadya ito para ianticipate ng lower years ang panahon na sila din ay magiging Fourth year at maexperience ang Marriage Booth. Pero sadyang matigas ang ulo ng bukod tanging freshmen.

"Ah, siguro gusto mong lakihan ko pa." she smirked. Yumuko ito para kunin ang wallet niya sa bag pagkatapos ay inilabas ang isang P500.00 bill.

"This is for the preparation of my marriage."

Napanganga ang tatlong incharge na nakaupo sa harap ng freshmen. Di man lang ito nagpatinag  sa kanila. Nakita nilang bumunot na naman ito sa wallet niya.

"And this is for getting my groom. His name is Tyrone Tan, first year, first section." She then handed a P1000.00 bill.

"And this is for the three of you." She added another P1000.00 bill.

"I'll be expecting it later this afternoon. See you by then or I will have your head Trina, Sheila and Benj."

_______________

|Present|

Tafiana

Napabalikwas ako, 'nasan ako?' I scanned the whole place and slowly I realized I was in the classroom. Wala pa medyong tao. Tiningnan ko ang orasan at 7:30 am pa pala. Maaga kasi akong nakarating and decided to head here and study. Pero nakatulog ako dahil na rin siguro sa katahimikan kanina.

I lazily wiped the side of my mouth. Baka kasi may tumulong laway. Good thing, wala. Tumayo ako at napagdesisyonang lumabas muna. Tyaka na lang ako babalik pagmalapit ng magsimula ang klase. Nung lumabas ako ay saka naman umihip ang malakas at malamig na hangin causing me to shiver.

"Ang ginaw naman ata ngayon."

______________

Napasimangot ako ng makita ko na occupied ang lahat ng upuan maliban na lang sa dalawang seats sa likod. Ang assigned seat namin dalawa ni Tyrone. Labag man sa kalooban ko ay pinilit ko ang mga paa ko na humakbang patungo sa kinaroroonan nun. Walang kagana-gana akong naupo. Ilang sandali lang ay nakita ng peripheral vision ko ang pagpasok niya sa backdoor. Medyo napatigil pa ito.

'Sorry to disappoint you Ty. Labag din sa kalooban ko na bumalik at tumabi sayo.'

Naramdaman ko ang paghila niya sa monoblock at pag-occupy dito. Bukod pa dun ang bango niya pa. Mas mabango siya ngayon kesa mga nagdaang araw. Pinigil ko ang sarili ko na lingunin siya.

"Oh so you're back," dinig kong sabi niya.

"Good morning," walang gana kong bati sa kanya. Hindi ko na lang pinansin ang nauna niyang komento.

"Our classmates didn't live you a choice, huh?" I can sense he was smirking.

Napaangat ang sulok ng labi ko and I faced him, "I'm sorry to be back sooner than what you expected." I faked a smile when he looks at me. He was about to say something when our Professor came in.

MMK: Mamahalin Mo Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon